Kabanata 4: A Sticky Situation

29 4 43
                                    

⚠️ WARNING ⚠️

This chapter contains scenes which may not be suitable for some, especially those who have experienced bullying and such.

Please, read with caution.

NAKAILANG ikot na si Gabbie sa harap ng kaniyang salamin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKAILANG ikot na si Gabbie sa harap ng kaniyang salamin. Hindi pa rin kasi siya makapaniwalang suot na niya ang opisyal na uniporme ng eskwelahang papasukan. Mahigit isang linggo rin niyang hinintay ang araw na ito. Paano't noong nakaraan pa kating-kati ang kamay niyang manghila ng mga buhok ng ilan sa kaklase niyang babae. Naging tampulan kasi siya ng pang-aasar sa mga ito dahil sa civilian outfits niya last week. Palibhasa mga galing sa mayayamang pamilya kaya kung makaasta, feeling mga entitled.

Pero syempre, nasa least priority ng listahan niya ang mga atribidang kaklase. Ang totoo naman kasi ay mas excited siyang makita ang reaksyon ni Isiah, ngayong nakasuot na rin siya ng uniform. Awtomatikong nagningning ang kaniyang mga mata nang sumagi sa isip ang gwapong ngiti ng binata. Para sa kaniya'y complete package na ito! He's the perfect example of tall, dark and handsome — isama pa ang personality nitong hinangaan niya nang lubos.

"Kahit ilang ikot pa ang gawin mo sa harap ng salamin, pagmumukha mo pa rin ang makikita mo." Mula sa repleksyon sa salamin ay tumambad sa kaniya si Ate Mela. Suot nito'y simpleng loose t-shirt at maong shorts. Nakasandal din ito sa may hamba ng pintuan habang nakataas ang kilay sa kaniya.

"Panget mo talagang ka-bonding, ate. Alam mo 'yon?" Sinimangutan niya ito habang umiiling-iling. Pagkuwa'y saka niya dinampot ang kaniyang bag na nasa ibabaw ng kaniyang kama. Akmang lalagpasan na dapat niya ang kapatid kung hindi lang nito hinila ang braso niya. "Ate, male-late na 'ko!"

"Oh, ayaw mo ng baon?" Binitiwan nito ang kaniyang kamay at saka marahang ibinalandra sa harapan niya ang two-hundred peso bill. "Sige, mainam 'yan. Makakatipid ako—"

"Hindi ka naman mabiro!" At saka niya mabilis na hinablot mula sa kamay ng kapatid ang pera. Kumaripas na siya ng takbo papunta sa pinto nang muli niyang binalingan ng tingin ang kaniyang Ate Mela. "Pasok na 'ko, ate. Labyu!"

"Hoy, bruha! Mag-aral kang mabuti…"

Narinig man niya ang paalalang iyon ng kapatid ay hindi na siya nag-abala pang lingunin ito. Dire-diretso na siyang lumabas ng kanilang munting apartment nang datnan niya ang kaniyang Ate Sef, kasama ang iilan sa mga marites nilang kapitbahay.

"Sef, baka naman p'wedeng humingi ng tulong para pampagatas at diaper ng anak ko." Automatic na nag-360 ang mga mata niya nang marinig ang anak ni Aling Lolita na si Lala. Karga nito ang anak na ngayo'y ikinakaway na ang maliit na kamay sa kaniyang Ate Sef. "Hello ka kay, ninang!"

Gabriella (The Modern Filipina Series)Where stories live. Discover now