Kabanata 7: Never Say Die

18 3 13
                                    

UNEDITED VERSION

HALOS mapunit ang labi ni Gabbie sa lawak ng kaniyang ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HALOS mapunit ang labi ni Gabbie sa lawak ng kaniyang ngiti. Paano'y walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Malaking bagay na para sa kaniya ang magkaroon ng inspirasyon sa eskwelahan. Subalit tila daig pa niya ang nanalo sa lotto nang malaman niyang gusto rin siya nito! Kulang na lang ay sumayaw-sayaw pa siya habang papasok ng kanilang munting apartment.

"Aba, ang lawak ng ngiti ah?"

"Ay bilog na siopao!" Napakapit siya sa kaniyang dibdib buhat ng matinding gulat. "Ate Sef! Ano ba naman?!"

Isinampay ng kaniyang kapatid ang hawak nitong tuwalya sa balikat bago siya tinaasan ng kilay. "Pasmado ang bibig mong bata ka ah! Hindi mo ba alam na chubby is the new sexy?"

Napakamot na lang siya ng ulo. "Bigla ka na lang kasi sumusulpot, ate. Malay ko bang nakauwi ka na pala?"

"Aba, malamang!" Nakapaymewang na ito ngayon. Ang mga tingin sa kaniya'y punung-puno ng pang-iintriga. "Which reminds me… bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka galing? Sino'ng kasama mo? At—"

"Hep! Awat na, ate!" Natawa siya rito. "Grabe ha? Daming tanong. Malamang, sa school lang naman ako magmumula."

Naningkit ang mga mata nito sa kaniya. Pagkuwa'y nag-'I am watching you' gesture pa ito sa kaniya. "Siguruhin mo, Gabbie. Kapag nalaman ni Ate Mela na puro kalokohan ka naman… naku!"

"Ang OA ate ha? Maligo ka na nga roon. Nahahawa ka na kay Ate Mela eh."

Umiling-iling na lang ito sa kaniya bago dumiretso sa kanilang banyo. Pasado alas otso y media na ng gabi at mabuti na lang, hindi na masyadong nang-usisa pa ang kaniyang Ate Sef. Nagpalinga-linga rin siya sa paligid at mukhang wala naman doon ang nakatatanda nilang kapatid.

Minabuti niyang dumiretso na sa sariling kwarto at saka mabilis na isinara ang pinto. Inilapag na lang niya ang bag sa sahig bago naglakad palapit sa kaniyang kama at saka pabagsak na nahiga roon. Maya-maya lang din ay naramdaman niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone, kung kaya't muli siyang bumangon upang kunin iyon sa bulsa ng bag niya.

Nagsimula na naman siyang magtatalon sa kilig dahil sa maiksi ngunit pagkatamis na mensahe mula kay Isiah. Mabilis siyang nagtipa ng reply rito at saka muling tinakbo ang kaonting distansya pabalik sa kaniyang kama. Hinablot niya ang unan na naroon at doon nagpakawala ng impit na tili. Aba'y mahirap na. Baka kung ano pang isipin ng Ate Sef niya kung marinig siya nito.

"I think… I'm in love."

Niyakap niya ang sariling cellphone na animo'y si Isiah iyon. At kung maaari nga lang maghugis puso ang kaniyang mga mata'y kanina pa nangyari iyon. Subalit isa lang malinaw para sa kaniya — mutual ang feelings nila ng binata sa isa't isa.

===○●○===


"OKAY ka lang?" Hindi na napigilan pa ni Gabbie na tanungin si Isiah. Marahan niyang ibinaba ang burger na kinakain at puno ng pag-aalala itong binalingan ng tingin. "Parang wala ka sa mood."

Mabilis itong nag-angat ng tingin sa kaniya at saka humugot ng malalim na hininga. Pagkuwa'y muli nitong itinuon ang mga mata sa fries na hindi man lang nagagalaw pa. Kasalukuyan silang nasa isang kilalang fast-food chain para sa isa na namang date. 

Ika-limang araw na iyon ng kaniyang temporary suspension pero heto siya't nakasuot pa rin ng uniporme. Ang totoo'y hindi naman alam ng mga kapatid niya ang tungkol sa naturang suspension. At wala rin na siyang balak na ipaalam pa sa mga ito ang nangyari. Sa isip niya'y hindi na siya bata para magsumbong sa mga ito. Kaya naman para hindi mahalata'y pinalabas niyang pumapasok pa rin siya sa school araw-araw. Kahit ang totoo'y buong tiyaga lang niyang hinihintay ang binata para makasabay kumain at para makasama na rin ito.

"Huy, may problema ka ba?" muli niyang usisa rito. Hindi kasi siya sanay na nanahimik ito ngayon. And to be honest, may kung anong kaba ang kaniyang naramdaman sa mga oras na iyon.

Nagkibit-balikat lamang ito sa kaniya. "Wala. Medyo drained lang."

"Marami bang ganap sa school?" Sa pagkakataong iyon, hindi na niya naitago pa ang sobrang curiosity sa kaniyang tono. "I mean, noong mga nakaraan kasi hindi ka naman gan—"

"I said, I'm fine!"

Bahagya siyang natigilan sa biglaang pagtaas ng tono nito. The look in his eyes seemed different and for the first time, she felt betrayed. Iyong tipong hindi pa man sila nagtatagal ay tila ba nagsawa na kaagad ito sa kaniya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung bakit. Ano'ng nagawa niya para mawalan kaagad ito ng gana? Was she being too clingy? Or too affectionate?

Ang mabibigat na tingin ng mga tao sa kanilang paligid ay sapat nang dahilan upang makaahon siya sa lumalalim na isipin. Tuluyan na niyang ibinaba ang kinakain na burger at saka inayos ang sarili. She's ready to storm out of that place when Isiah grabs her by the hand.

"Bitaw," she said in a straight tone.

Muling napahugot ng malalim na hininga ang binata. "G-Gabbie, look. I'm sorry, okay? Nabigla lang ako. You know I'm not capable of hurting you, right?"

Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "Hindi ko alam, Isiah. Are we even dating from the moment you kissed me or what? Ano ba talaga tayo?"

"Masaya." Diretso itong nakatingin sa kaniya na animo'y seryoso ito sa tinuran. "Masaya ako kapag kasama kita. Hindi ba't iyon naman ang mahalaga?"

May kung anong malamig na bagay ang humaplos sa tiyan ni Gabbie. It wasn't the exact words she wanted to hear from him. So, all these time assumera lang pala siya. It was only her who believed that they're already in a relationship. And damn, that hurts to the core! 

Pakiramdam niya tuloy, may kung anong bagay ang bigla na lang sumapak ng ego niya. Hindi niya matanggap ang nangyayari kasi usually, siya itong mabilis magsawa. She's always the first one to let go once she's done with them.

"Gabbie?"

Mariin siyang napapikit dahil sa kakaibang uri ng kirot na noon lamang niya naramdaman. Iyong tipong daig pa niya ang hinataw ng matigas na bagay sa kaniyang dibdib. O hindi naman kaya'y parang winawarak ang puso niya sa mga oras na iyon. At nang muli nga niyang balingan ng tingin ang binata'y siyang pagkalas din niya mula sa pagkakahawak nito.

Tipid niyang nginitian ito. "Tigilan na natin 'to, bago pa mapunta sa lokohan."

"A-ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ng binata. Akmang kukunin pa nito ang kaniyang kamay na mabilis din niyang inilayo. "Gabriella—"

Hindi na niya pinatapos pa ito sa pagsasalita. Mabilis na niyang kinuha ang kaniyang backpack sa kinauupuan kanina at saka dire-diretsong naglakad paalis doon. At sa bawat hakbang palayo sa lugar na iyon ay siya ring pagbigat ng kaniyang pakiramdam.

Bahagya siyang nakaramdam ng panlalambot ng tuhod, kaya naman minabuti niyang maupo na muna sa waiting shed na nasa kaniya nang gilid. Gustuhin man niyang umiyak sa mga oras na iyo'y ayaw naman niyang makakuha pa ng atensyon sa iba.

"Hoy gaga! Pigilan mo 'yang mga luha mo! Sira ka rin kasi eh. Assumera ng taon!" paulit-ulit niyang mantra sa sarili.

Ngunit kung may isang bagay man siyang natutunan sa nangyari? Iyon ay ang katotohanang halos lahat ng bagay ay tila laro na lamang ngayon.

That if boys can play around, girls can too. Never say die.

Gabriella (The Modern Filipina Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon