Kabanata 5: What Goes Around, Comes Around

14 3 36
                                    

UNEDITED VERSION

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

UNEDITED VERSION

KINABUKASAN ay maagang pumasok si Gabbie sa school. Hindi na niya hinintay pa ang kaniyang Ate Sef dahil iniiwasan niyang mag-usisa pa ito sa nangyari kahapon. Pagkauwi kasi niya'y basta na lang siyang dumiretso sa kaniyang kwarto at hindi na nag-abala pang kumain ng hapunan. At dahil nga natural na kutis porselana siya'y masyadong obvious ang mga sugat at kalmot na tinamo niya kahapon.

Abala ang kanilang practical research teacher sa pagdi-discuss pero heto siya't tulala sa kawalan. Hindi naman sa nag-o-overthink siya sa mga nangyari kahapon, pero may kutob kasi siyang hindi maganda. Tila ba may mangyayaring hindi kanais-nais para sa kaniya.

"And now class, you will need to work on your subject matter and present a title proposal in regards with your—"

Natigilan ang guro sa idini-discuss nito at lahat sila'y sabay-sabay na napalingon sa may pintuan. Standing in her usual corporate attire is the school's headmistress. Tumuloy ito ng pasok sa loob ng kanilang classroom, marahil ay may announcement na naman. Minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa librong nasa kaniyang harapan para hindi siya antukin. Hindi niya kasi talaga ugaling makinig ng mga boring announcements.

"Mrs. Morale, what brings you here?" tanong ng kanilang subject teacher sa headmistress. "Class, greet our—"

"—no need, Ms. Reyes. I'm here to ask if I can excuse Miss Kabayan from your class?"

Kaagad na napaangat ang tingin niya sa unahan at puno ng pagtatakang itinuro ang sarili. "A-ako po?"

Marahang tumango si Mrs. Morale at doon niya napansin na lahat ay nakatuon na ang atensyon sa kaniya. Nagsimula nang mapuno ng mumunting bulungan ang buong classroom, habang ang ilan nama'y pawang mapanghusgang tingin ang ipinupukol ng mga ito. Nakita rin niya ang ngiting-aso ng tatlong bruha sa kaniya.

"Bakit…" natigilan din siya sa sasabihin nang matunugan ang posibleng dahilan ng pagpapatawag sa kaniya.

Sa huli ay tumayo na siya mula sa armchair at tahimik na sumunod sa headmistress palabas. At dahil may kalayuan ang office nito'y minabuti nilang sumakay na sa private service ng eskwelahan. Nagsimula na niyang laruin ang kaniyang mga daliri habang kagat-kagat ang labi. Is she going to get punished because of what happened yesterday?

Naputol lang ang maraming agam-agam sa kaniyang isipan nang huminto na ang sasakyan. Sabay silang bumaba ni Mrs. Morale at laking gulat niya nang hindi mismo sa office nito sila naroon. Puno ng pagtataka siyang napalingon sa kasama at nakita niya kung paano ito humugot ng malalim na hininga.

"Ma'am?"

"Let's go, Miss Kabayan. The board of directors are waiting inside."

Gabriella (The Modern Filipina Series)Where stories live. Discover now