Kabanata 6: First

21 2 58
                                    

"MISS, hindi nga p'wedeng basta pumasok sa loob unless may appointment ka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"MISS, hindi nga p'wedeng basta pumasok sa loob unless may appointment ka." Nagawa pa siyang tingnan ng receptionist mula ulo hanggang paa at saka kumunot ang noo nito. "Teka. Estudyante ka ng Lauchengco International School 'di ba?"

"Gabbie, let's just go." Ramdam niya ang kahihiyan sa boses ni Isiah pero hindi na muna niya ito pinansin. Mamaya na siya kikiligin sa maya't mayang paglapit nito sa kaniya, kapag nagawa na niya ang pakay sa lugar na iyon.

"Ma'am..." napatingin siya sa kabuuan nito upang tingnan kung may suot ba itong ID o anumang uri ng pagkakakilanlan. "Bautista! Ayun! Ma'am Bautista, baka naman p'wedeng gawin niyo kaming exception? Kailangan ko lang talaga makausap ang may-ari ng—"

"What's the commotion here?"

Mula sa may elevator ay lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng formal suit. Matikas ang tindig nito at talaga namang mukhang kagalang-galang. At tingin niya'y hindi nalalayo ang edad nito sa kaniyang Ate Sef, although halatang ahead ito ng edad syempre. Mabilis itong naglakad palapit sa kanila at daig pa niya ang rebultong nanigas na sa kinatatayuan.

"Ang gwapo naman nito!" bulong ng kaniyang isipan.

"Ay, Sir Siggy!" ani ng receptionist kaya nilingon siya ng lalaki. "Eh heto po kasing estudyante ng Lauchengco International School. Nagpupumilit pong makausap si Ma'am Destiny."

"Get back to work and I'll handle this matter." Pagkuwa'y itinuon ng lalaki ang tingin sa kanila ni Isiah. "Ano'ng kailangan niyo kay Miss Lauchengco?"

"Gabbie, say something."

Kung hindi pa siya tinapik ni Isiah ay hindi pa siya babalik sa katinuan. Makailang-ulit siyang kumurap-kurap bago marahang umiling. Muli siyang napatingin kay Sir Siggy na ngayo'y naghihintay na ng isasagot niya.

"A-ah, sir! Ano kasi... kailangan kong makausap si Miss Lauchengco tungkol sa concern ko! Oo, tama! May ano kasi... nangyari sa school kanina tapos—"

"Are you okay?" tanong nito sa kaniya bago inilipat ang tingin kay Isiah na nasa tabi naman niya. "Is she your friend?"

"Opo," tipid na sagot ni Isiah. "Pasensya na po, sir. May importanteng inquiry lang po kami sa may-ari ng school. Bale, sinamahan ko lang po itong si Gabbie."

Tumangu-tango naman siya bilang pagsang-ayon. Hindi nga niya maintindihan ang sarili ngayon. Usually naman ay hindi siya nauutal lalo kapag nakikipagtalastasan sa iba. Well, maliban na lang kung gwapo ang kaharap niya... tulad ngayon.

"I see," tugon naman ni Sir Siggy. "But your concerns are usually handled by the school's administration. Isa pa'y hindi basta humaharap ang CEO sa mga gan'yang mababaw na—"

"Mababaw?" Bigla na lang nanlisik ang mga mata niya, dahilan para marahas niyang hiklatin ang kurbata ng lalaki. Halos mataranta naman ang receptionist pati na rin si Isiah sa kaniyang ginawa, kaya naman kaagad silang nilapitan ng mga ito upang paglayuin. Halos pagtinginan na nga rin sila ng ibang empleyado na nagagawi roon.

Gabriella (The Modern Filipina Series)Where stories live. Discover now