Chapter 78 Huling Yakap

88 0 0
                                    

<Shielyn>

"At naniwala ka naman sa kanya? Naku, friend, pinapa-ikot ka lang niya. Your husband is manipulating you," komento ni Vane.

Nandito ako sa shop niya, at nag kwento ako sa kanya ng mga nangyari. Updated siya sa buhay ko.

"Kahit na anong gawin ni Kier sa akin ay pinipili pa rin ng puso ko na patawarin ko siya. Nakakatanga talaga ang pag-ibig. Tao siya, natural lang na magkamali siya. Naawa na din ako sa asawa ko. Alam ko na nahihirapan din siya sa sitwasyon namin," amin ko.

"Sus! Huwag ka maniwala sa kanya! Once a cheater always a cheater. Kaya niyang gawin ulit iyon sa pangalawang pagkakataon! Pupusta ako na may gagawin na naman siya na ikakasakit mo!"

Biglang sumabat sa usapan namin si Faith. Umuwi siya, at binisita niya kami.

Ilang taon din nawala si Faith.

"Alam mo, huwag ka masyadonag bitter. Sinabi na nga ni Kier na under drugs siya at hindi niya alam ang ginagawa niya. Hindi siya lasing, at mabuti nga isa siyang mabuting ama at tunay na lalaki. Minsan na lang sa mga lalaki ang mag-aako ng responsibilidad," pagtatanggol ni Faith sa asawa ko.

"Hindi naman ikaw ang nagmamahal bakit ba epal ka ng epal? Iniiwan ka kasi!" Prangka ni Faith sa kaibigan namin.

"I'm concern citizen," dahilan ni Vane.

"Bakit perfect ka, dai? Hindi ka nagkamali sa buhay?" Tanong ni Faith kay Vane.

"Nagkamali ang asawa mo Shene, kaya dapat ay huwag mo siyang i-judge. Damayan mo siya dahil kailangan ka niya. Nahihirapan din naman siya. Ganyan kasi ang mga lalaki, hindi nila pinapakita na nasasaktan at nahihirapan na sila. At least, inamin niya sa'yo ang ginawa niyang pagkakamali. Hindi niya itinago," mahabang sabi ni Faith.

Para akong natatauhan sa mga sinasabi ni Faith.

"Hindi dahilan na tao lang siya para magkamali. Kung inuulit-ulit niya ang ginagawa niya ay manipulating na ang tawag doon," sagot ni Vane.

Faith look at Vane.

"Sa'yo na mismo nangaling. Hindi rason ang pagiging tao para ulitin ang isang pagkakamali. May I ask you, ilang beses nagkamali si Kier? Isa pa lang, hindi naulit."

"Malay mo mauulit iyon. Nagawa na niya, kaya naniniwala ko na magagawa niya ulit," Vane repeated.

"Hindi nga niya alam ang ginagawa niya dahil may nainom siyang drugs!" Naiinis na sabi ni Faith.

Nakikinig lang ako sa bangayan nilang dalawa. Hindi sila magkasunod kasi may kanya-kanya silang mga opinion, at pananaw sa sitwasyon naming mag-asawa. Ang opinion nilang dalawa ay nirerespeto ko.

"Eh, bakit ba siya uminom ng drugs? Kasalanan niya iyon!" Vane said.

"May ipapa-inom ako sa'yo, tinggap mo. Malalaman mo ba iyung pina-inom ko sayo ay may drugs?!" Gigil na tanong ni Faith.

"Tama na, baka mag-away pa kayo," awat ko sa kanillang dalawa. Walang may gustong magpatalo.

"Patawarin mo ang asawa mo, wala kang magagawa dahil asawa mo siya. Sabi ng tita ko, kahit demonyo ang asawa mo, kapag namatay siya ay iiyak ka pa rin. At saka, kahit na anong mangyari daw ay mag-asawa pa rin kayong dalawa. Ang isang kasal ay sinusubok iyon. Kahit mag cheat ang asawa mo, kahit na demonyo siya, papatawarin at tanggapin mo pa din siya."

I agree with Faith.

Mas naningingibabaw ang pagmamahal ko kay Kier.

Hindi na sumagot si Vane, at iniba niya ang usapan.

"Galing dito kahapon si Sean kasama niya ang anak niya. Sabi sa akin, ay tatlong linggo at limang araw na lang sila dito. Aalis na sila ng anak niya papuntang ibang bansa," malungkot na sabi ni Vane.

Bakit ba ang daming umaalis?

Nauna akong makauwi kay Kier.

Ginabi na ako dahil ang dami namin napag kwentuhan. Nalaman ko din ang dahilan kung bakit umalis si Faith.

Hinintay ko si Kier na makauwi.

Siguro nga tama si Faith.

Susundin ko ang puso ko. Hindi ko na kayang lumipas ang isang araw na hindi kami magbati ni Kier.

Nakakaramdam na ako ng pagod. Magiging okay, tapos may may mangyayari na naman.

Napapagod na ako sa mga nangyayari, pero ilalaban ko ito. Ayaw ko mag regrets dahil hindi ako lumaban. Pagsubok lang ang mga nangyayari sa amin dalawa, kakayanin namin ang mga bagyo, at lindol na darating sa marriage namin.

Ang tunay na nagmamahal ay nagpapatawad.

Mamatay ako kapag naghiwalay kaming dalawa.

Hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang asawa ko. Siya ang umintid sa akin, inaalagaan niya ako. Hindi niya ako pinabayaan, at mahal na mahal niya ako.

Kahit pangit ang ugali niya ay sobra kong mahal, at mas lalo ko siyang minamahal sa bawat problema na nalalampasan namin.

Nanatili siya noong mga panahon na hindi na niya ako maintindihan. Mas pinili niyang manatili sa tabi ko, kesa sa ipagpalit ako sa iba.

"Wife? Why you're still awake?"

Napa-angat ako ng tingin nang makita ko siya.

Hindi ako nagsalita at tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Niyakap niya din ako. My husband hug me tigthly.

Sobra ko siyang na-miss.

Kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Not yet. Why you're still awake, wife? It's late. Rest early," sabi niya.

Tinulungan ko siya na hubarin ang coat niya.

"I miss you," maikling sabi ko.

"I miss you too," sabi niya sa malalim na boses at hinapit ako sa bewang para yakapin.

"You don't know how much I miss you," he said while burying his face in my neck.

"I want to say sorry," panimula ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, at tinignan niya ako na nakakunot ang noo niya.

"For?"

"I'm sorry for what I'v acting this past few day. I reazlied na ang dami na natin napagdaanan at nandiyan ka pa rin, hindi mo ako iniwan," naluluhang sabi ko sa kanya.

Mahal na mahal ko ang asawa ko. Sobrang mahal ko si Kier, siya ang buhay at mundo ko.

"I'm sorry too," paumanhin niya.

Nag i-improve na ang relasyon naming dalawa.

"I feel konsensya, kasi parang ikaw lang iyung lumalaban. And I am acting pabebe," sabi ko.

Bahagya siyang ngumiti.

"I understand. It's my fault too."

Unti-unti nang nagiging masaya ang kanyang mga mata.

"Pero I feel jealous sa bata kasi most of your time and attention ay nasa kanya. Hindi mo na ako ganoon kinakausap," nagtatampong sabi ko sa kanya.

Mas lumawak ang ngiti niya sa mga labi.

"How can I talk to you? You're shutting me down. I give you time and space; you might need it. It seems effect naman," ngisi niya.

Muli ko siyang niyakap.

"Basta promise mo sa akin na hindi ka magtatago ng sikreto sa akin. Kapag nagtago ka ng sikreto sa akin ay lalayasan talaga kita," biro ko pero sineryoso niya sa akin.

"I'm not hiding anything from you," sabi niya sa malalim na boses.

"I love you so damn much," sabi niya at siniil niya ako ng halik.

Dahil marupok ako ay tumugon ako sa halik niya.

Billionaire's Hardheaded WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora