Chapter 83 Hanggang sa Huli

251 1 0
                                    




<Third Person>

Jase is inside the house of Kiers. He was the one who had control all over the CCTV camera in the place. He knows what's happening to the couple.

And, now, today. When Jase saw Shielyn packing her things, he abruptly went to his friend's house.

"Where are you going?" He asked Shielyn when he saw her with her luggage.

Shielyn stops walking and looks at him.

"That's how easy for you to leave Kier after all the things he did for you? Why are you hurting Kier, huh?" Sumbat ni Jase sa kanya.

Pinunasan ni Shielyn ang kanyang luha.

"Bakit ka nandito? At saka, hindi madali sa akin na iwan ko siya. Kailangan kong gawin ito  para sa aming dalawa. Nagkakasakitan na kami, at mas maganda kung magpapahinga na muna kami. Hindi na maganda ang mga nangyayari. Iiwan ko siya, para sa kanya at para sa akin," paliwanag ni Shielyn; she doesn't owe him any explanation. And what does he cares?

Nagpakawala ng buntong hininga si Jase at tumawa, "para sa kanya, or para sa sarili mo?!" Hindi na niya mapigilan na sumigaw.

Hindi kaagad nakapagagsalita si Shielyn, "para sa aming dalawa! Diba gusto mo naman na hiwalayan ko siya? O, ngayon na iiwan ko na siya dapat maging masaya ka."

"Noon iyon! I warned you to leave the fuck Kier! Pero kung kailan napamahal na sa'yo si Kier, kung kailan nahihirapan siya, at kung kailan nasasaktan siya, doon mo siya iiwan! Binalaan kita noon pero hindi mo ginawa! Kung kailan baliw na siya sa'yo, ngayon mo gagawin sa kanya iyan?!"

"Wala kang alam sa mga nangyayari! Wala kang alam sa ginawa niya sa akin! Siguro alam mo rin, eh. Alam mo na peke ang kasal namin! Siguro, isa ka din sa mga kakampi niya. Kaibigan ka niya kaya imposible na wala kang alam!" Nagpapayos sa galit na sagot ni Shielyn.

"You are fucking selfish! Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa'yo ng gagong lalaking iyon! Palagi mo na lang sinasaktan at binibigyan ng sakit ng ulo. Nagkamali lang siya ng isang beses iiwan mo na siya?! C'mon, mag-isip ka! Huwag puro sarili mo ang isipin mo! Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa inyong dalawa! Anong akala mo kay Kier? Walang pakiramdam?! Unti-unti mo na siyang dinudurog! Wala kang alam sa nararamdaman niya kasi sarili mo lang ang iniisip mo! Minsan ba naisip mo ang mga magagandang ginawa niya sa'yo?!"

Bakit ba pinapakialam kami ng lalaking ito? Iyan ang tanong sa isipan ni Shielyn. Hindi niya alam kung bakit nagpakita itong si Jase sa kanya at susumbatan siya ng lahat ng iyon. Malamang magkaibigan sila, kaya kakampihan nito ang kaibigan, "isang beses nagkamali?! Ano iyung anak niya sa labas? Hindi pagkakamali iyon?! Dalawang beses siya nagkamali!" Diin niya.

"Oh, c'mon," ngisi ni Jase, "Kier is doing all the things for you! Pero hindi mo ma-appreciate! Never mo siya inintindi! Alam mo na ang magulang mo ay nagnakaw ng kumpanya?! At ginawan ni Kier ng paraan para hindi makulong ang mga umampon sa'yo! Nang malaman niya na adopted ka ay pinahanap niya sa akin ang tunay na pamilya mo. Nalaman niya na naghihirapan ang nanay mo simula na mawala ang tunay mong ama, kaya ang ginawa ni Kier ay patago niyang tinutulungan ang tunay mong pamilya! Binigyan niya ito ng malaki at kumportableng bahay, pinag-aral ang mga kapatid mo!" Umigting ang panga ni Jase, "at ikaw pa ang may ganang iwanan siya?!"

"Dapat siya ang dapat iwanan ka dahil sa'yo ay bumabagsak na ang kumpanya niya! Meron siyang problema sa kumpanya at hindi niya inaasikaso! Kung kailan kailangan ka niya ay doon mo siya iiwan. Tapos sasama ka sa kaibigan mo? Really Shielyn?!"

"Bakit mo ba pinapamukha sa akin na kasalanan ko?!" Shielyn couldn't stop herself to shout at him, "masakit din naman ito para sa akin!" Humagulgol na ito sa pag-iyak, "kahit na anong sabihin mo sa akin ay buo na ang loob ko. Hindi naman na kaming totoong kasal. Nasasabi mo lang ang mga iyan kase hindi naman ikaw ang niloko  niya, hindi naman ikaw ang pinagmukha niyang gago ng limang taon!" Kinuha na niya ang kanyang mga luggage

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now