<Shielyn>
Kinabukasan ay hindi makapag trabaho ng maayos si Shielyn dahil bumabagabag sa kanya ang nangyari kahapon. Hindi nila kilala ang babaeng kasama ni Kier kahapon.
Sila lang ang nasa isip niya. Maaaring babae iyon ni Kier.
Siya pa naman ang mag pe-present para sa proposal sa mga investor at binabagabag siya ng nangyari kahapon.
She can't focus and work properly. Hindi niya rin maintindihan kung anong nararamdaman niya, bago iyon sa kanya, basta alam niya nasasaktan siya at gusto niyang umiyak.
Idagdag pa na na-i-stress siya sa kakaisip sa marketing strategy at mga product na i-po-propose niya. Sana pala hindi na lang Business Marketing ang kinuha niya, kung alam niya lang na ganito kadugo ang labanan sa Market.
Pagkatapos ng kanilang presentation ay nag off na siya, hindi na siya makapag focus sa trabaho. Magkikita pa sila ni Yanie, and hapon lang ang free time nito. Siya na ang mag aadjust siya naman ang may kailangan.
Nagkita sa isang kape na malapit lang din sa kumpanya and when she saw her friend ay doon na tumulo ang iyak niya. She hugged her tightly.
"Hey, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Vane sa kanya.
Yanie ang tawag niya kay Vane para malapit sa pangalan nito na Yvaine.
Umiyak lang siya sa balikat nito. "Anong nangyari, huh? Sinaktan ka ba ni Kier?" Naningkit ang mata nito, "sabihin mo sa'ken uupakan ko siya." matigas at galit na sabi ni Vane sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likod.
"Sabihin mo sa'ken 'kung sinong nanakit sa'yo, aawayin ko." Hinahaplos nito ang buhok ni Shielyn. She used to see her cry lalo na kapag nakaramdaman ito ng sakit kahit mild lang but today is different, masyadong masakit ang pag-iyak nito.
She keeps on crying for hours at tanong naman siya ng tanong kung anong nangyari pero hindi naman ito sumasagot.
Pinagtitinginan na rin sila ng ibang nagkakape doon dahil sa lakas ng iyak ni Shielyn sa kanyang balikat.
"Dali na, sabihin mo na sa'ken." Pagpilit ni Vane sa kaibigan.
"Sa asawa mo 'yan noh." Hula ni Vane.
Hindi sumagot si Shielyn at pinupunasan ang luha niya sa pisngi.
Mukhang hindi mapipilit ni Vane na magsabi si Shielyn sa kanya kaya tinawagan na niya na lang si Layla.
"What! Vaneng?"Maarteng tanong ni Layla sa kanya sa kabilang linya. "Are you broken again?" Layla rolled her eyes.
"Hoy! 'yung sister in-law mo umiiyak sa'ken, may alam ka ba sa nangyari?" Narinig niya sa kanilang linya na may kinausap ito. Hula niya nasa work si Layla.
"What?!" Oa na tanong nito at 'di na mawawala ang maarteng boses nito.
"Wala akong know diyan, why?" She's hearing the sound of the other line.
"Can you go here?" Inayos niya ang buhok ni Selana. "She keeps on crying, ayaw niya naman sabihin 'kung napano siya." Nag-alalang sagot ni Vane.
"Okay, okay girl!" Ginamit nito ang barbie na boses. "I'll be there. I'll just make paalam to my future husband, arasso? Byee. Labyu mwaa!"
"K."Vane ended the call.
Binaling ni Vaane ang atensyon sa kaibigan na tumigil na sa kakaiyak. "Inom ka muna ng tubig." Pina-inom niya ito ng tubig.
"Ano ba nangyari? Ano huhulaan ko ba?" Sarcastic na tanong niya. Hindi naman siya madame Auring para hulaan ang rason ng pag iyak nito.
"Wala okay lang a-ako." Shielyn lied and wipe her tears.

YOU ARE READING
Billionaire's Hardheaded Wife
General FictionRamon was involved in gambling and addiction; he hid his addiction from his family. Because he spent the money on wrongdoing, his company was involved in bankruptcy and unable to pay its liabilities. Kier helps Ramon with his problem, but he has a c...