Chapter 12

232 12 4
                                    

"It can only mean one thing...Chelsea is my daughter." Sabi niya sa akin at hindi ko man lang napansing nakalapit na pala ang pagmumukha niya sa mukha ko.

Naaamoy ko tuloy ang perfume niya na sobrang gustong gusto ko dati pa. Hindi pa rin pala talaga nagbabago ang taste niya sa mga pabango. Kagaya ng dati, ayaw niya 'yong mga pabangong masyadong matatapang ang amoy.

Sobrang fresh at ang bango pa din ng ama ng anak ko! Wait, what? Shit, self. Ano bang pinagsasabi mo diyan? Umayos ka nga.

"W-what?!" Nabubulol ko namang sagot sa kanya. 

"She's my daughter, right? Kung hindi ang lalaking 'yon, sino pa ba?" He asked me again, this time he crossed his arms and smiled mockingly at me. 

"Ha! Of course, h-hindi i-ikaw, Mr. Faulkerson. Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"You stuttered. Therefore, you're lying."

"Excuse me, Mr. Faulkerson. Tigilan mo na 'ko. Wala ka bang magawa kundi ang pag-tripan ako? Hindi ka ba busy sa kompanya mo? Sunod sunod 'kong tanong sa kanya para lang hindi niya mahalata ang kabang nararamdaman ko sa ngayon. 

"Hindi kita pinagti-tripan, Nicomaine. Just...answer my damn question. Anak ko ba si Chelsea?" He asked while looking at me.

Oh shit! I'm in big trouble right now. But, no! Ayokong sabihin sa kanya ang totoo. Paano nalang kung kunin niya sa 'kin ang anak ko? 

"No."

"Really? So...kung hindi ako ang ama ni Chelsea, sino? Who is the bastard?" Nagtangis ang bagang na tanong niya sa akin. 

Who is the bastard, huh? Eh kung sabihin 'kong ikaw? Matutuwa ka na sinabihan mong bastard ang sarili mo? 

"Wala ka nang pakialam 'don. Can you just--- leave me alone, Mr. Faulkerson?" Pakiusap ko sa kanya at aakma na sanang umalis ngunit nahawakan niya ang aking palapulsuhan. 

"Maine, wait. I'll help you with your groceries."

"What? Ano ba! Let go of me. Please lang. Tigilan mo na 'ko." Pilit akong kumakawala mula sa mahigpit na paghawak niya sa aking kaliwang palapulsuhan.

Mabuti nalang talaga at konti pa lang ang mga tao sa paligid. Pero alangan namang takbuhan ko siya. Baka magtaka ang mga tao sa paligid kung gagawin ko 'yon at mapakamalan pang pervert o di kaya'y magnanakaw ang lalaking 'to at baka tumawag sila ng security personnel. 

Do I still care for him? Bakit ganito ang iniisip ko? Eh ano naman ngayon? Lakompake kung anong mangyaring kamalasan sa kanya. 

Pero bakit tila hindi ko naman kayang gawin 'yon sa kanya?

"Maine, please. Kung hindi nga ako ang ama ni Chelsea, you shouldn't act this way. Please let me help you."

"Kaya ko na 'tong mag-isa. I don't need your help." Mariin 'kong sagot sa kanya at tumalikod na pero this time ang maliit na push cart naman ang hinawakan niya. 

Ugh! Ang kulit, jusko. Kainis.

Pinandilatan ko siya dahil sa kanyang ginawa. "Mr. Faulkerson, kung ayaw mong sumigaw sigaw ako dito at sabihin sa lahat na hina-harass ako ng isang lalaking pervert, ano kaya ang pwedeng mangyari sa'yo?" Pagbabanta ko sa kanya. 

"Oh, come on. You know you can't do that here. Kilala kita, Nicomaine Mendoza. You hate attention, remember?" Sarkastiko niyang sabi sa akin. 

Aba't talagang sinusubukan ako ng damuhong 'to ah. Akala niya siguro hindi ko kayang gawin ang banta ko sa kanya. 

"You don't know me, Mr. Faulkerson. Hindi mo alam ang pwede 'kong gawin."

"And you also don't know what I'm capable of, Nicomaine. Try me." Napa-smirk niyang tugon sa akin. 

My Last Night With YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя