Chapter 6

1.6K 90 42
                                    

Maagang nagising si Maine ng umagang 'yun. Marami siyang gustong gawin para sa araw na ito. Kababalik lang nila ng anak na si Chelsea galing Bulacan. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makitang muli ang kanyang Nanay, Tatay, at mga kapatid. Nagkausap sila ng masinsinan, nagkapatawaran, nag-iyakan. Nagpapasalamat siya sa Diyos sapagkat naayos din ang lahat. Sa loob ng halos limang taon ay nakaramdam siya ng kakulangan ngunit ngayon ay masaya na ulit ang puso niya. 

Nakangiting pinagmasdan niya ang anak na mahimbing pang natutulog. Lumalaki na si Chelsea. Nagsisimula na itong magtanong tungkol sa mga bagay- bagay sa buhay. Minsan nga ay binibiro siya na tila matanda kung mag-isip at magsalita. Matalinong bata si Chelsea. Hindi parin naman mawala sa isip niya ang posibilidad na totoo nga na nagkita sila at ng kanyang ama na si Richard Faulkerson Jr. Nais niyang iwaglit sa kanyang isipan at pinapaniwala ang sarili na baka hindi naman 'yun totoong nangyari. Na baka gawa gawang kuwento lang 'yun ng kanyang anak. Ngunit kilala niya si Chelsea na hindi nagsisinungaling. 

Maya maya pa ay nagising na ang kanyang anak. Dahan dahan itong kumilos at idinilat ang kanyang mga mata at ngumiti nang makita siya. 

"Good morning, Chelsea.", bati niya dito habang hinahaplos ang magulong buhok. 

"Good morning po, Mama.", agad itong bumangon at yumakap sa kanya. 

Nanatili sila sa ganung posisyon ng ilang segundo. Sa totoo lang ay kontento naman silang mag ina sa ganitong sitwasyon ngunit nararamdaman niyang may mga panahong nalulungkot ang anak. Minsan ay nakita niya itong naka upo lang sa terrace nila. Nakatitig sa kawalan. Alam niyang naghahanap siya ng kalinga ng isang ama ngunit ayaw lang nitong magsabi sa kanya. Dahil gaya niya, si Chelsea ay isang introvert. 

Oo, isang batang introvert si Chelsea. Hindi ito mahilig lumabas ng bahay. Madalas lang itong nasa loob at nagbabasa ng libro at naglalaro sa mga toys niya ng mag-isa. Kaya mas lalo siyang nag aalala dahil baka may dinaramdam na ito ngunit ayaw lang magsabi sa kanya. Kaya sinisigurado ni Maine na palagi silang magkasama upang matutukan niya ng husto ang paglaki ng anak. 

Katatapos lang nilang mag breakfast nang mga oras na 'yun. Bakasyon pa naman ngayon kaya tinuturuan niya si Chelsea sa mga simpleng gawaing bahay. Mahilig din itong gumamit ng gadgets ngunit nililimitahan niya ang oras. Wala naman itong reklamo sa mga rules niya. Noong mga nakaraang Linggo ay nahilig ito sa dubsmash application. Minsan ay nahuhuli niya itong nagda-dubsmash at pinagtatawanan ang sarili pagkatapos. May facebook account naman ito pero siya ang may kontrol. Ayaw niyang masanay dito ang bata. 

Biglang tumunog ang phone ni Maine. Tumatawag sa messenger ang kaibigang si Hazel mula sa Thailand. Nag video call sila. 

"Hi, Mars. Kumusta kayo?", bati ni Hazel sa kanila. 

"Hello, Mars. Okay naman kami. Oh, Chelsea ayan oh. Si Teacher/Ninang Hazel mo."

"Hello po, Teacher/Ninang Hazel.", bati nito sabay kaway sa screen. 

"Hello inaanak, kumusta ka na?"

"Okay lang po. Saan po si Ninong James?"

"Nasa work siya ngayon eh."

"Ah, okay po.", sabi nito sabay alis para maglaro. 

Silang dalawang magkaibigan naman ang nag-usap. 

"So, feeling mo na nagkita 'yung mag-ama sa Enchanted Kingdom. Ganun?"

"Oo. Pero ayoko paniwalaan eh. Baka hindi 'yun si RJ. Baka kamukha niya lang."

"Aysus! Come on, Mars. Face it. Kung sakaling magkikita or nagkita man sila, you have to accept it. Kumbaga, destiny na ang may gawa nun. Kasi nga, 'what's meant to be, will always find it's way."

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now