Chapter 13

361 20 16
                                    

RICHARD

"If you accidentally cross paths with me again next time, please just ignore my presence and pretend that you didn't know me."

Those words from her really hit my ego, and currently echoing inside my head. At kahit anong gawin ko upang pilitin ang aking sarili na balewalain ang mga 'yon ay pinupukaw naman ako ng isang masakit na katotohanan na nasasaktan nga ako.

It does hurt.

But something inside of me refuses to surrender by just giving up without a fight. Kahit sinabi niya sa akin na hindi ko anak si Chelsea ay parang hindi ko magawang sumuko ng ganon ganon nalang. And i don't why.

Maybe because I still love her. I always do.

Siguro nga, mahal ko pa din si Maine. Kaya nang makita ko siya sa labas ng mall na pagmamay ari ng isang malapit 'kong kaibigan ay hindi ako nag atubiling sundan siya. At dahil sa gulat ko ay muntik ko na siyang masagasaan.

That day, I cancelled all my appointments just for me to be with her. Lately, medyo distracted talaga ako. Nag-aalala na nga ang kapatid 'kong si Riza dahil madalas akong nakatitig sa malayo na tila palaging malalim ang iniisip.

I can't blame her worrying for me, especially seeing her brother beating himself by working so hard for the company. I don't want Dad to see me as his weak son. Not again. He entrusted RoChard Furnitures to me and also I don't want my mom to be disappointed with me from heaven.

I acted that I was okay in front of Maine that day. But the truth is, I was hurt. Deep inside. Pero kahit masakit ang mga sinabi niya sa akin ay hindi pa rin ako sumusuko. Palihim ko siyang sinundan hanggang sa malaman ko kung saan ang school ng kanyang anak at sa kung saan sila nakatira.

I don't care kung masabihan na niya ako na isang stalker. Kung naging duwag ako noon, hindi na ngayon. I will keep on pursuing her. At saka hindi rin mawala sa isip ko ang anak niyang si Chelsea. Sa tuwing nakikita ko ang batang 'yon ay may kakaiba akong nararamdaman.

I want to protect Chelsea and her mom. Or simply put it this way, I just want to be with them, even from the distance.

Papunta ako ngayon sa school ni Chelsea dahil narinig ko mula sa usapan nila Maine at ng teacher ng kanyang anak ang tungkol sa gaganaping Family Day. May client meeting sana ako ngayong araw pero pinakiusapan ko siya na kung pwede naming e-reschedule. Thank God, pumayag naman.

Hindi na ako nagsama pa ng personal driver dahil gusto ko na walang disturbo. I'm quite confident dahil napag alaman ko na ang school pala ni Chelsea ay ipinatayo ng isang non-goverment organization with our company's help.

Kaya noong tinawagan ko ang mismong director ng school na pupunta ako sa mismong araw ng Family Day ay tuwang tuwa ito. Pero I reminded him na huwag ipaalam sa mga esudyante at ng kanilang mga magulang ang pagdating ko. Mahirap na at baka takasan na naman ako ni Maine.

Wala pang kalahating oras ay narating ko na ang Little Angels Montessori⎯ang eskwelahan ni Chelsea at kaagad 'kong ipinuwesto ang aking sasakyan sa may parking space na nakatalaga para sa akin. Sinabihan ko na din ang mga school officials na wag na akong bigyan ng VIP treatment.

Nakita ko mula sa salamin ng aking kotse na naghihintay ang school director na may bitbit na garland sa kanyang kamay. Ugh! I already told him not to treat me as a VIP. Napabuntong-hininga na lang ako at kaagad na bumaba ng kotse.

Nakangiti siyang lumapit sa akin sabay sabit ng garland sa aking leeg. "Good morning, Mr. Faulkerson. It's an honor for us na nandito ka." Sabi ng magsi-singkwenta y singko anyos na si Mr. Castro; ang school director ng paaralan ni Chelsea.

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now