Chapter 4

4.2K 217 56
                                    

Nasa Bangkok si Richard Faulkerson Jr. It was a long day for him and Mr. Thunatorn Samanyagoon. Siya ang may ari ng Koncept Furniture, ang isa sa pinakasikat na furniture business sa bansang Thailand. Nasa kotse sila at pabalik na ng Grand Hyatt Erawan Hotel kung saan siya naka check in. Malapit nang gumabi ng mga oras 'yun. Sa totoo lang ay nakakaramdam na siya ng pagod. Kaninang umaga ay ipinasyal siya ni Mr. Samanyagoon sa showroom nila sa  Phasi Charoen District. Nakita niya ang ganda ng kanilang mga disenyo. Madalas ay moderno ang mga ito kaya naman gusto nito na makipag partner sa RoChard Furnitures. Dahil marami sa kanilang mga produkto ay may mga Philippine native designs. 

Kinahapunan naman ay ipinakilala siya ni Mr. Samanyagoon sa mga kapwa negosyante. Bago siya nagpunta ng Thailand ay nag aral siya ng basic thai language. Umaasa si Richard na sa pamamagitan nito ay magkaroon sila ng magandang impresyon sa kanya at hindi naman siya nabigo. Panay ang puri sa kanya ng mga Thai businessmen. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila ng hotel na nasa Rajdamri road. Isa itong four star hotel. May pag uusapan pa kasi sila ni Mr. Samanyagoon. Nakarating sila sa loob Erawan Tea Room. Kasama ni Mr. Samanyagoon ang secretary niya. 

"Richard, have you enjoyed while touring the city so far?", tanong sa kanya ni Mr. Samanyagoon

"Yes, Sir. I did. You have a very wonderful furniture designs.", sagot niya dito habang hinahanda ang laptop niya. 

"Thank you very much."

Binuksan ni Richard ang laptop niya. Hinahanap niya ang file na naka save na naglalaman ng presentation niya para kay Mr. Samanyagoon. Ngunit kahit anong gawin ni Richard ay hindi niya ito mahanap. Nagsimula na siyang kabahan. Ayaw niyang sumabit dahil malaki ang mawawala sa kanya at sa kompanya kapag pumalpak siya. Ilang ulit niyang hinanap ang file pero wala talaga. Naalala niya na pina save niya 'yun sa secretary niyang si Mae bago siya umalis ng Pilipinas. Nagsisimula na siyang pagpawisan. Nagtataka na si Mr. Samanyagoon kaya nagtanong na ito sa kanya. 

"Richard, are you okay?"

"Ahmm...Sir. I'm really sorry."

"What happened?"

"I've been trying to find my presentation for you on my laptop but I couldn't see it."

"Oh, really? It's okay, Richard. Don't worry. Then, you can do it tomorrow."

"I'm really really sorry, Mr. Samanyagoon. I'll call my secretary in Manila. I think she has a backup file. I'm really sorry."

"It's okay, Richard. We had a long day. I think you should rest. We can meet again tomorrow. Okay?"

"Alright, Sir. Thank you very much for your consideration."

"Calm down, Richard. Let's finish our tea so that you can go back to your room immediately. Tomorrow will be a great day for us."

Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na din si Mr. Samanyagoon sa kanya. Nagpapasalamat si Richard dahil hindi naman ito na disappoint kahit hindi natuloy ang meeting nila. Pabalik na si Richard sa hotel room niya kung saan naka check in siya sa isang executive suite. Pagpasok si Richard ay nilapag niya sa kama ang laptop. Binuksan niya ito at agad na tinawagan ang sekretaryang si Mae. 

"Hello, Mae."

"Yes, Sir Richard?"

"Mae, alam mo bang pumalpak ako sa meeting ko kanina kay Mr. Samanyagoon?", sabi niya dito na may halong inis. 

"Sir? What happened po ba?"

"Have you remembered na pina save ko sa 'yo dito sa laptop ko 'yung file ng presentation?"

"Yes Sir. Na save ko po 'yun."

"Damn it, Mae. Nawala dito. Hindi ko siya makita. Sigurado ka ba?"

"Yes Sir Richard. Sigurado po ako."

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now