Chapter 2

4.2K 194 24
                                    

Patapos na ang lunch meeting ni Richard kay Mr. Thanatorn Samanyagoon; ang Thai businessman na may malaking furniture business sa bansang Thailand. Nakilala niya ang negosyanteng ito nang minsang pumunta si Richard sa Thailand para sa isang trade expo. Agad itong nahumaling sa mga disenyo ng produkto ng kompanya nila. Kaya, matapos ang ilang buwan na negosasyon ay nakuha niya din ang tiwala ng negosyante at nag desisyon ito na makipag partner sa kanila. Pinag uusapan na lamang nila ang mga dapat na gawin bago nila pirmahan ang kontrata sa susunod na buwan. Kailangang bumalik ni Richard ng Thailand upang makita niya din ang mga produkto ng kompanya ng bago nilang Asian business partner. Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang lunch meeting. Kinamayan ni Richard si Mr. Samanyagoon. Kinausap din nito ang ilang board members and department heads. Maya maya pa ay nagpaalam na ito upang umalis. 

"It's a pleasure having you and your company as our business partners, Mr. Samanyagoon.", Richard offered his hand for a handshake to the 56 years old Thai businessman.

"You're welcome, Mr. Faulkerson. The pleasure is ours too. So, we will see you in Bangkok. Next month, I guess? So that we could sign the contract..."

"Yes, Sir! Thank you very much for the trust. We will not fail you."

"Khob Khun Kah, Mr. Faulkerson. I have to go. My flight is in 3 hours. Sawadeekah!", the Thai businessman greeted him before leaving.

Nagliligpit na ng mga gamit ang lahat ng mga nasa board room. Agad na pumasok si Richard sa loob ng opisina niya. Sa totoo lang, ay masaya naman siya dahil matagal niya din itong hinintay. Sa wakas ay magkakaroon na sila ng asian business partner. Noon pa man ay pangarap na niya para sa kompanya na makapag expand sa labas ng bansa. Gusto niya din kasi na mas makilala ang mga gawang Pinoy, hindi lang dito sa Pilipinas. Ngunit maging sa ibang bansa. Kaya maituturing niya na isang malaking tagumpay ang kinalabasan ng meeting kanina. Alam niya din na matutuwa ang Daddy niya. Gusto niya kasi na maging proud ito sa kanya. At higit sa lahat...ginagawa niya din ang lahat ng ito para sa alaala ng kanyang Mommy Rosario. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ang secretary niyang si Mae. 

"Sir Richard, do you need anything?", tanong sa kanya ng sekretarya.

"Wala naman. I'm fine..", he answered while looking at his phone.

"Ahmmm, Sir. Magpapaalam po sana ako sa inyo. If okay lang po?"

"What for?"

"Eh Sir, binyag po kasi ng anak ko bukas. Magpapaalam po sana ako na makapag leave. Kahit one day lang po..."

"Okay, payag ako. You can go home early today. So that you can prepare for tomorrow's event. I know it's a special day for you and your family..."

"Naku, Sir. Maraming salamat po talaga..."

"You're welcome, Mae..."

"Sige po, Sir. I'll just prepare my things..."

"Okay, Mae. Go ahead."

Nakaalis na ang secretary niya. Bigla niyang naalala si Nicomaine. It's been five years since the last time that he saw her. Hindi na ulit sila nagkita pagkatapos ng gabing 'yun. Ang gabing hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Isa na yata 'yun sa pinakamasayang gabi at alaala na iniwan ni Nicomaine sa kanya. Ngunit, kinaumagahan ay natagpuan niya ang sarili ng mag isa. At 'dun niya naramdaman ang sobrang sakit na kahit hanggang ngayon ay tinutugis siya ng paulit ulit. Aaminin niya na palihim siyang nagmatyag sa bahay nito sa Bulacan, pero hindi niya ito nakita. Hindi na rin siya nangahas na magpakita dito at sa pamilya niya. Alam niya kasi na kinamumuhian siya nito. Nag hire din siya ng mga private investigator upang hanapin si Nicomaine. Ngunit, maging ang mga ito ay nahihirapan din siyang hanapin. 

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now