Chapter 1

131 6 3
                                    

Papasok palang si Peter sa entrance ng university nang napalingon siya sa likod niya.

Isang kotse ang pumarada at halos magiba ang kanyang eardrum sa lakas ng music na nanggagaling sa loob ng kotse.

"Ang yabang naman nito,kung sino man yang nasa loob ng kotse" pagalit na sabi ng utak ni peter.

Halos lahat ng estudyante nakatingin sa pumaradang BMW na kotse na tila ina antay kung sino ang nag mamay ari sa kotseng nagpa agaw ng pansin sa lahat.

"Hoy peter"...

Biglang my kumalabit sa braso ni peter na nagpa gulat sa kanya.

"Ano kaba naman susan nang gugulat ka naman" inis na sabi ni peter

Natawa si susan sa reaction ng kaibigan niya.

"Nakasimangot ka kasi " natatawang sabi niya " Ano ba tinitingan mo diyan?"

"Ito kasing kotse na ito, Ang lakas lakas mag patugtug ,akala mo nabili na ang boung kalsada." Pagalit na sabi ni peter na ikina tawa ni susan

"Ngayun kolang napansin yang kotse na yan? Ang gara... BMW ...ang yaman siguro nang may ari niyan " may pag hanga sa boses ni susan habang nakatingin siya sa kotse.

Ilang sandali lang.. Bumukas ang pintoan ng BMW sa driver seat. Halos lahat ng estudyante na nasa labas nakatingin at naka abang kung sino ang bababa..

Isang lalakeng tingin niya ay hinde nalalayo sa edad niya.. Naka uniporme din tulad ng sout niyang uniporme.

Ang yabang umasta na akala mo kung sino naman.

My iilang kababaehang studyante na humanga sa hitsura ng lalake na tila nag titiliian kaya tingin ni peter parang mas lalong yumabang.

"Ang yabang naman neto" bulong ni peter. " Halika na nga susan pumasok na tayo " Sabi niya

"Sandali lang naman, sumabay na tayo sa kanya pumasok."  Halata sa boses ni susan yung kilig para don sa lalake.

Tiningnan ng masama ni peter si susan. " Pati ba naman ikaw, makiki crush dyan sa mayabang na yan?" Naiinis niyang tanong .

"Bakit? Ang gwapo kaya niya" kinikilig na sabi ni susan..

Umiling iling si peter " Ang cheap mo ha. Gwapo na yan?  Bahala ka nga dyan, Ma uuna naku sayo .." inis na sabi ni peter.

Dahil sa pagkainis ni peter sa kaibigan, Hinde niya napansin na saktong  pagpasok niya sa gate ay saka rin naman ang pag pasok ng lalakeng tinaguriang instant campus crush.

Nagkabanggaan sila na ikina gulat ni peter.

"Hinde kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" Pagalit na tanong ni peter sa lalake..

Pero imbes na sumagot ito , ngumiti ang lalake kay peter, na mas lalong nagpa bad trip sa kanya, inalis nang lalake yung sout niyang shade.

Nagkatitigan sila sa mata. Pero mas lalo atang nainis si peter dahil parang nang aasar pa sa kanya yung lalake.

" Hi " ...bati sa kanya sabay ningitian niya si peter.

Pero imbes na suklian niya ito ng ngiti din mas lalo pang nadagdagan ng inis si peter para sa lalake..

"Yabang..." bulong ni peter... sabay pasok niya sa gate ng main entrance ng school.

Habang tinatahak niya ang daan  papunta sa classroom ng klase niya.. laman parin ng utak niya yung mukha ng mayabang na yun.

Huwag lang sana makita ko lagi yung lalake na yun. Baka masira lagi araw ko..

Pagkapasok ni peter sa classroom niya. Saktong kararating lang din ng professor niya.

Please tell me you Love me (Completed)Where stories live. Discover now