Chapter 14

39 5 0
                                    

2 Months After.

Naupo lang muna kami sa bench ng campus nila Dave at Claire habang ina antay namin mag alas sais.Maaga pa kasi kaya ayaw na muna namin umuwi.

"Guys, dito muna kayo ha, E sasauli kolang to sa registrar" sabi ko sa dalawa. Sabay pakita sa class card kung dala.

"Samahan nakita?" Sabi ni dave.

"O.A. registrar lang papasama paku?" Natatawa kung sabi. Sabay naglakad naku patungong registrar office.

Natawa si claire sa sinabi ko.
...

Habang naglalakad si peter palayo sa pinag kakaupoan namin,Sinusundan ko lang siya ng tingin. Ang hinde ko alam pinagmamasdan na ako ni claire.

"May gusto ka sa kaibigan ko noh?" Biglang sabi ni claire na ikina gulat ko

Napatingin ako sa kanya na gusto kung matawa. "Sinasabi mo dyan?"pag kukunwanri ko.

"Hay naku dave! Huwag ka na ngang magkaila dyan,Matagal konang napapansin yang mga panakaw mong tingin kay peter noh! Kala mo siguro hinde ko alam" pang aasar ni claire.

"Alam mo,ikaw napaka tsismosa mo talaga noh,kahit kailan" sabi ko sabay hinila ko yung buhok niya

"Gaga.. Halata kalang noh. Eh bakit ayaw mo kasing sabihin kay peter, Malay mo naman diba, inaantay kalang pala niya na mag sabi ka sa kanya?"

Napa buntong hininga tuloy ako

"Tingin mo kaya naka moved on na sya kay alex?"

Kibit balikat si claire "Hinde ko alam, Pero parang ok narin naman ata sya..Kita mo naman parang bumalik na yung dating peter"

Ngumiti lang ako.

"Mahal mo ba talaga si peter? Mamaya niyan tulad karin ni alex na bigla nalang siyang iniwan na parang basura.Jusko hinde na kakayanin ni peter kung sakaling mangyari pa yun ulit sa kanya"

"Wala akong fiancee o girlfriend kahit imbistigahan mo pa ako noh." Sabi ko

"Dapat lang noh! Yung gagong alex na yun, Pina fall lang si peter tapos sabay iniwan nang ma fall na yung isa.

Pero alam mo, Minsan inisip ko hinde korin masisi si alex kung bakit hinde na sya nagpakita kay peter, Siguro napagod narin yun, Dahil itong si peter naman masyadong pabebe.. My nalalaman pang pataboy taboy tapos nong na untog na yung isa, My pa realized na siyang na fall na pala. Jusko... Daming drama... " Inis na kwento ni claire

"San kaba kampi ha? Sakin o don sa hambog na yun?,Mabuti nga hinde naging happy ending sila eh" sabi ko naman

"Oo kasi my balak kang pumasok sa buhay ni peter, Naku daveee pag ikaw niloko mo si peter makikita mo talaga!!!" Inis na sabi ni claire.

Ang hinde namin napansin yung pagdating ni peter.

"Hoy!!Anong pinag uusapan nyong dalawa? Mukhang seryoso yan ha." Nakangising sabi niya. "May namamagitan na ba sa inyo?"birong sabi ni peter.

Hinde ko napansin yung pagdating ni peter.Sana hinde kami narinig nito.

"What??!!! YUCK!! MaGitan ka dyan!!" Sabi ni claire.. "Naku kilala ko ang napupusuan nyan" Huli na nang ma isip ni claire na muntik na siyang madulas.

Napatingin si peter kay dave nang naka ngiti na parang na excite bigla.

"Talaga? My pinopormahan kana dave?..Pakilala mo naman sakin.Ang daya naman nito. Anong department siya? Maganda ba? Mabait ba? Kailangan pakilala mo muna yan sakin, Mamaya niyan baka lokohin kalang niyan" sabi ni peter.

Tumingin si dave kay claire na parang ng sasabing tumahimik ka na napansin naman ni peter

"Kayo ha? Yang mga sinyas sinyas ninyo! " Sabi ko na my halong asar.

Please tell me you Love me (Completed)Where stories live. Discover now