Chapter 13

32 5 0
                                    

Habang naglalakad ako palabas ng school, Patuloy koparing naririnig yung sinabi ni melissa.

The fuck. Bat pakiramdam ko kinukurot ako sa sakit..!! Move on peter

.Makakabuti rin yung pag alis  mo alex  dahil ikakasal kana pala. What if kung pinatulan ko yung laro mo?  Ano nalang ang mangyayari sakin?  Im sure naman yung fiancee mo ang pipiliin mo huli,  besides hinde rin naman ako papayag na my masasaktan ng dahil lang sa maling relasyun.

"Peter!! Hintay ..." sigaw ni dave..Hinabol niya ako. "Hoy! Ano kaba.. Hinde deserve ng lalakeng yung attention mo" sabi niya sakin Nahalata siguro ni dave yung pakiramdam ko ngayun.

Tumigil ako sabay tumingin ako kay dave.

"Ano bang sinasabi mo dave?" Irita kung tanong sa kanya. Pinilit kung hinde magpahalata sa kanya

"Peter.. Common ! " Tila dispiradong boses ni dave " pati ba naman sakin tinatago mo yang nararamdaman mo para kay alex.. "

Hinde ako naka pag salita. Ganon na ba ako ka obvious ?

"Dave hinde ko alam sinasabi mo"  kunwaring hinde ko alam.

Napatawa si dave " Niloloko molang sarile mo,Alam ko na alam mo ang sinasabi ko. Peter enough ! hinde mo deserve masaktan. Besides alex is getting married hinde muna mababago yun, So at the end ikaw ang talo hinde siya kung patuloy ka sa pag gaganyan mo "

Nakatingin lang ako kay dave.Gustong bumagsak ng luha ko kaso kailangan kung pigilan.

"Bakit mo sinasabi to sakin?" inis kung tanong sa kanya

"Kasi concern ako sayo, Ayokong nakikita kitang nagkaka ganyan.Ilang linggo kanang wala sa sarile mo. Akala mo siguro hinde ko napapansin ang pananamlay mo simula nang nawala na dito si alex sa school "

Hinde naku nag salita dahil baka pag magsalita paku baka hinde kona mapigilang umiyak.

Naglakad na ako palabas ng school, Sumabay naman si dave

"E hahatid nakita" sabi niya sakin.

Hinde ako sumagot. Bagkus sumabay nalang ako sa kanya palabas ng school

Pagka dating namin sa bahay.

"Salamat sa pag hatid" seryoso kung sabi sa kanya, " pumasok ka muna " sabi ko kay dave na ikina ngiti niya

"Sige ba " agad bumaba ng motor si dave.

Pagpasok namin sa bahay, Agad kung nakita si tatay nasa sala.

"Ohhh nak, andito kana pala.. Sino yang kasama mo?" Tanong agad ni tatay pagkakita niya kay dave.

"Kaklase ko tay si Dave..." sabi ko " Ahh dave si tatay..."

Tiningnan ni tatay si dave na parang binubusisi na ikina ilang naman ni dave. Talagang itong si tatay.

"Magandang gabi po tay " bati ni dave

Tumango si tatay " Magandang gabi naman" sagot niya kay dave. "  Ahhh peter pag meryendahin mo bisita mo" sabi ni tatay sakin , sabay bumalik siya sa kina uupoan niya kanina.

"Hinde na po tay.. Ahh hinatid kolang po si peter , Medyo ma traffic po kasi kaya hinatid kona po siya " sabi ni dave.

Ngumiti si tatay.. " Salamat iho..nga pala iho kilala mo ba si alex ?" Biglang tanong ni tatay

Halatang natigilan si dave. Pati ako nagulat.. napatingin ako kay tatay

"Mmmm yes tay kilala kopo siya" alangang sagot ni dave

"Ahhh ,Hinde na kasi napunta dito si alex" sabi ni tatay

Hinde nag salita si dave,tumingin lang siya sakin.

Please tell me you Love me (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz