CHAPTER 01

17 0 0
                                    

Sabi nila your first kiss is the most special one. Kaya naman ipinapangako ko talaga sa sarili ko na I will make my first kiss very memorable. I want it to be with someone very special to my heart. Someone na hindi kung sino lang sa tabi-tabi.

"Tinitignan mo na naman 'yang picture ng crush mo na imposibe namang mapansin ka," saad ng kaibigan kong si Christine.

"Duh, FYI, Tine, lagi kaya niyang nanonotice ang tweets and posts ko about him. Madalas pa nga siyang mag comment. And girl, he just sent me a video greeting last month," pagyayabang ko.

"Kahit na 'no. Artista 'yan, ikaw college student lang."

"Ang nega mo. Alam mo, let's bet. Dwayne Tan will be my first date and first kiss!" saad ko na may kasamang gestures ng kamay. Hindi ko mapigilang mapangiti sa thoughts na 'yon.

"Boang. Hindi mangyayari 'yan. Alam mo 'yong bet niya, mala-Julia Barretto, hindi Calliope Alvarez." Siniringan ko na lang siya. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. I really believe na mangyayari 'yon. I just need to ask him out.

Binuksan ko ang twitter ko para tignan ang mga new tweets ng mutuals ko about Dwayne. I also checked his accounts kung mayroong new post.

After that ay nagsimula akong mag tweet.

AlliYA09 1m

Kapag umabot to ng 50k likes and 50k retweets, Dwayne Aziel Tan, can I ask you out?

0 Likes 0 Comments 0 Retweets

Wala naman akong masyadong maraming followers sa twitter. Almost 500 lang tapos karamihan ay puro fans din ni Dwayne. Hopefully tulungan ako ng online friends ko from the official fans club.

Matapos noon ay dumiretso na ko sa kasunod na klase. Nawala na rin sa isip ko 'yong tweet ko dahil sa hirap ng subject. Apat na subject namin ay sunod-sunod kaya naman apat na oras na lutong-luto ang isip ko.

Matapos noon ay nag lunch break na.

"Nakakainis si sir. Paano naman ako makakapag fangirling niyan kung ang dami niyang assignment na pinapagawa," saad ko habang kumakain kami ni Tine.

"Tigil-tigilan mo na kasi 'yan, Cal. It's getting in the way of the important things," aniya. Nakakainis talaga 'tong bestfriend ko. Never pa niya akong sinupportahan sa fangirling.

"Kung wala si Dwayne, matagal na 'kong suko sa college life ko! Siya na lang kaya ang natitirang inspiration ko. He's so hardworking and committed at the age of 23," kontra ko naman.

"Ay nako, bahala ka. Basta kailangan matapos natin 'yong assignment saka project. Duo tayo rito, at gusto ko focus tayo pareho. Wala munang twitter-twitter, okay?" aniya. Nagulat ako nang kuhain niya ang phone ko at dinelete ang twitter app.

"Tine naman!" inis na saad ko.

"Self discipline, Calliope. Self discipline," saad pa niya. Napanguso na lang ako at siniringan siya sa inis. Pinag-usapan namin over lunch 'yong plan para sa project tapos umattend na rin kami ng last subject.

After class naman ay dumiretso kami sa bahay para doon gumawa ng project. Tuluyan nang nawaglit sa isip ko ang pag fafangirling. Syempre, I know how to set things aside naman. Importante na maka-graduate ako ngayong taon.

Sunod-sunod ang mga araw na wala kaming ibang ginawa ni Tine kundi ang project. Papasok ng maaga, pag-uusapan namin 'yon over lunch tapos hanggang gabi kami gagawa sa hapon. Kaya naman pagdating ng bed time e' bagsak talaga ako.

Buti na lang at natapos na rin kami.

"Kita mo 'yon, Calli. Napuri ni sir 'yung gawa natin!" kinikilig na saad ni Tine magkalabas namin sa faculty.

When kiss is a crimeWhere stories live. Discover now