CHAPTER 07

7 0 0
                                    

"Tingin mo, okay na 'to?" tanong ko kay Tine may kinalaman sa project namin. We're currently making a business plan, and ako ang naassign sa SWOT analysis. Outline pa lang 'yung naipapakita ko kay Tine.

Binasa niya ang kabuoan. "Yes, goods na 'yan. Isulat mo na."

Tumango ako nagsimulang mag-type sa laptop ko. Narinig kong sinaway ni Tine ang dalawa sa mga kasama namin na tila ba may pinag-uusapan sa phone.

"Sorry, Tine. Okay naman 'tong location, oh, check mo," aniya patungkol sa task na na-assign na sa kaniya.

"Ano ba'ng pinag-uusapan n'yo?" curious na tanong ni Tine habang inaabot yung papel galing sa kanila.

"Wala lang. Ito kasing si fino-follow kong influencer, mukhang balak na ring mag-artista. She's rumored to star in an upcoming TV series, pero hindi ko alam kung sure na," aniya sa mahinang boses na acceptable sa library.

"Tss. Ano namang mapapala mo sa kaniya?" ani Tine.

"Wala lang. I just like her. She's so elegant and super bait. She has been helping a lot of people as an influencer," sagot naman niya. Patuloy lang ako nakikinig sa usapan nila habang nag-tatype.

"Sino ba 'yan?" tanong ng isa pa namin kasama dito sa table.

"Si Denise Bulatao, hindi n'yo kilala?"

"Ah, sounds familiar."

"Ikaw, Tine? Kilala mo?"

"Hindi."

Saka ko naalala kung saan ko narinig ang pangalan na 'yon. Nahinto ako sa ginagawa.

"Sorry, what's the name again?" direktang tanong ko sa kaniya.

"Denise Bulatao, eto oh. She's half Arabian, pero dito siya sa Philippines lumaki kaya talagang pusong pinoy," she said while showing the picture to me. At hindi nga ako nagkamali. She's the Denise na nakaaway ko kanina sa photoshoot. So she's an influencer pala. Kaya naman pala hindi ko kilala.

I'm only familiar sa mga sikat na sa showbiz at mayroong magagandang palabas. I'm not really into social media influencers.

Napangiwi ako. "Ah, oka–"

"Students at the back! Kanina pa abot dito ang mga bulungan ninyo," saad ng librarian. Napatikom naman ako ng bibig. Sa 'kin pa talaga natapat, e, bago nga lang ako nagsalita.

"Hays, shut up na kasi," bulong ulit ni Tine. Bumalik kami pare-pareho sa mga ginagawa namin pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa babaeng 'yon.

At talaga lang, ah? She was being described as mabait at matulungin. Hindi ko tuloy alam kung pareho kami ng Denise Bulatao na nakilala.

Tinapos ko na lang 'yung part ko para naman may progress kami sa project. Palabas na 'ko ng library nang mag-ring ang phone ko. Napa-siring ako at sinagot iyon kahit na hindi tinitignan kung sino 'yung caller.

"I'm on the way to my next class, ano na naman ang kailangan mo?" I irritably said.

"What?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ng cousin ko sa kabilang linya. Tinignan ko pa ang nakalagay sa phone screen para masiguro, and confirm. It's really her.

"Oh, goodness, I'm sorry, Ate Anya. Akala ko si–"

"Sino? Akala mo sino? Si Dwayne?" aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?" I forced a laugh. "Ano ka ba, why would I expect him to call?" I added, trying to sound innocent.

"Stop it, Calli. You can never fool me. You're wearing the fit I gifted to you last time we met, sa date ninyo ni Dwayne. And dear, I know how much you like him." Kinabahan ako dahil totoo ang sinabi niya. The top I'm wearing that night was from her. Nakakaloka, bakit hindi ko naisip 'yon?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When kiss is a crimeWhere stories live. Discover now