CHAPTER 03

12 0 0
                                    

When can you say that a kiss is a crime? When it was stolen.

Buti na lang talaga nakatakbo ako agad. I left him dumbfounded in his seat. Matapos ang halik ay agad akong tumakbo. Hindi naman niya ako nahabol dahil nga tulala ko siyang iniwan.

NAKAKALOKA KA CALLIOPE! Alam kong plano ko naman talagang gawin 'yon pero hindi ko inexpect na talaga ngang magkakaroon ako ng lakas ng loob para gawin 'yon!

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama habang iniisip ang nangyari kanina. I got my first date, and my first kiss. At lahat 'yon ay si Dwayne Tan!

Sandali pa akong kinilig at nag paikot-ikot sa kama bago ako tumayo para mag shower. Aw, ayokong mag toothbrush!

Matapos mag shower ay muli akong bumalik sa kama. Tila nakatulong ang tubig para mahimasmasan ako at makapag isip-isip sa nangyari.

I suddenly feel guilty. Alam kong mali 'yung ginawa ko. He's so nice. Ang bait niya the whole time and we can be actual friends.

Bakit ba hindi ko naisip 'yon. I totally closed the opportunity na makasama siya ulit. Kasi as if naman may mukha pa akong ihaharap sa kaniya.

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. "Aaargh, Calli!!!" sigaw ko sa sobrang inis.

Ang stupid ko! Hindi ko pinag-isipan na naman! This is exactly the reason why my parents can't trust me. I'm so impulsive!

If you're gonna ask me how did I sleep that night, well, hindi ako gaanong nakatulog. Paumaga na rin ng mawalan ako ng ulirat dahil sa pag ooverthink. Ayan tuloy, tanghali na ako nagising. Pero okay lang naman kasi wala namang pasok.

As a typical GenZ, s'yempre kunin muna ang phone sa bedside table para mag check ng messages.

Napakunot ang noo ko nang mahawakan na medyo mainit iyon. Tila ba active na active siya overnight. Napansin ko din na nabawasan ang battery charge.

I usually leave my wifi open kahit natutulog.

Hindi nga ako nagkamali, sabog talaga ang twitter notification ko.

May twitter party ba?

Hindi naman ako informed!

Like, 99+ notifs? This is new.

I immediately skim kung ano 'yong mga iyon. Napansin ko na naka-mention ako sa iisang post lang, so I click any of it to open.

DAT Updates (short for Dwayne Aziel Tan Updates) 4h

Does anyone know this girl? Our Dwayne was harassed!

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang caption, at agad namang nalaglag ang panga ko nang makita ang picture na kasama sa post na iyon.

THAT'S ME, KISSING HIM!

Oh, gosh!

I scrolled down through the bottom where I can't really reach dahil sa dami ng comments and mentions sa akin.

'Look at AZ's face. You knew he's shock, and uncomfortable'

'Grabe, siya ba 'yung nag-aya ng date? Napagbigyan na nga umabuso pa.'

'Amaccana, @AlliYA09!

'LIVE PUBLIC APOLOGY!'

'Yes, I agree with the live public apology!'

'She should apologize to Aziel publicly.'

'Obviously, a sexual offender!'

HOY GRABE NAMAN 'YUNG SEXUAL OFFENDER, HA!

When kiss is a crimeWhere stories live. Discover now