CHAPTER 06

7 0 0
                                    

Inis na na inilapag ko sa vanity table ang kape ipinabili niya sa akin. He glanced at it habang inaayusan ng make-up artist.

"Coffee, Sir," pigil ang inis na saad ko.

Yes, pinapunta niya ako sa shoot location nila all the way from my school para lang sa coffee. Kung hindi lang dahil sa picture na 'yon, hindi talaga ako papayag na magpa-alipin sa taong 'to. Napakasama naman pala ng ugali.

"Thanks," aniya kahit paano. Buti na lang marunong din mag thank you. "This is for you, Yanna. Coffee break ka muna."

Nalaglag ang panga ko nang iabot niya iyon sa make-up artist niya na halata namang kinilig matapos tanggapin 'yung coffee at pa-cute na umalis.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Dwayne na bahagyang inaayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin.

"You asked me to buy a coffee para doon sa make-up artist na type mo?!" hindi makapaniwalang saad ko.

Seriously, make-up aritst lang pala ang type niya? Samantalang ang dami niyang fans na ang ganda ng career at galing sa prominent families.

"Excuse me?" aniya, nakataas ang kilay.

"Did you know that I ditched my class just for it?! Tapos ibibigay mo lang ro'n?!" At this point, I'm not even trying to hide my annoyance.

Tumayo siya at humarap sa akin. Diretso ang tingin ng mga niyang nagpapahiwatig. He's slowly bending his body to match my gaze, and it made me feel a little nervous and weak as he say, "Are you jealous?"

My eyes widened at mabilis siyang itinulak palayo. Umiwas ako ng tingin. "Ang kapal naman ng mukha mo."

"Why not? Fan naman kita, hindi ba?"

"Oo, fan mo ko noon," I replied, giving an emphasis sa salitang 'noon'. "Pero matapos kong malaman kung gaano ka kasama, hindi na 'no! Pinagsisisihan ko that I wasted my time! Saka hindi ako nag seselos. Naiinis ako dahil pinapunta mo 'ko rito in the middle of my class!" depensa ko. Napatango-tango naman siya.

"Okay. You may now leave," he said before leaving me dumbfounded. Laglag ang pangang nilingon ko pa ang pintuan na nilabasan niya. Grabe, anong behavior 'yon? Gagawa talaga ako ng basher account pag-uwi ko mamaya!

Tinignan ko ang oras. Lunch na rin halos at vacant ang kasunod kong subject. Maiinip lang ako kung babalik ako agad sa school.

Lumabas ako sa make-up room at tinignan ang paligid. So ganito pala ang set up nila kapag may photoshoot. Madaming camera, ilaw, at iba pang equipment. Makalat sa backstage dahil sa ilang wires at aligagang mga tao. Ang tanging malinis at maliwanag lang ay ang pinakang studio kung saan sila mag shoshoot. Nandoon si Dwayne kasama ng ilan pang artista.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko sa tabi ng pader. Gilid lang ako para hindi makaabala sa kanila. Pinanood ko silang mag shoot. Kahit anong galit ko kay Dwayne, I can never deny that he looks ethereal. Parang hindi tao. Sobrang guwapo. No wonder I fell for that. Perfect na sana kung tinulungan niya lang ako agad na ayusin 'yung problema at hindi ako pahirapan pa ng ganito.

Sa kaiisip ay hindi ko napansin na titig na titig na pala ako sa kaniya. Huli na nang mabawi ko pa dahil nakita na niya ako. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang mga mata namin. Pilyo siyang ngumiti kasabay ng muling pagharap sa camera na nakuhaan ang ngiting iyon.

Hindi ko alam why but my heart... nakakaloka!

Umiwas ako ng tingin na hindi na muling ibinalik iyon sa kaniya. Kinuha ko na lang ang phone ko tapos kunyari ay nag text. Sakto naman pumasok ang text ni Tine, asking kung nasaan daw ako. We have an urgent meeting daw with my groupmates sa library.

When kiss is a crimeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang