CHAPTER 05

8 0 0
                                    

Hindi ako 'yong tipo na basta-basta lang susuko lalo na kung tiwala ng parents ko ang nakasalalay. I need to stop this, and there's no other way but Dwayne.

I was about to go to school when I viewed his Instagram story uploaded 3 minutes ago. As a fan nasanay na ako na laging mag abang ng mga post and stories niya. Kaya naman kahit naiinis ako sa kaniya ngayon ay hindi ko maalis agad ang routin na iyon.

Ang aga naman niya mag jogging. Talagang fitspiration si Angkol.

Wait...

Hindi ba sa HighStreet 'to? Yes of course, who wouldn't recognize that place?

Tinignan ko ang oras sa relo ko. Maaga pa naman, and lagi namang late 'yung first subject ko. Misan nga ay hindi pa pumapasok. Hindi naman siguro ako mala-late kung dadaan muna ako rito to talk to him, 'di ba?

Yes, I need to talk to him. Kailangan ko siyang kulitin. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi siya pumapayag.

"Kuya, daan tayo sa HighStreet–Hindi, uhm, doon mo na lang ako ibaba," saad ko sa driver.

"Ma'am, e' malayo po iyon sa school n'yo?"

"Okay lang, my friends are having breakfast there. Sabay-sabay na lang kami papunta sa school later. May car naman sila," pagsisinungaling ko para hindi siya mag-alala. I don't want him to suspects me. He reports everything kay Mom and Dad.

"Sige po," he answered as he turn the car.

Good. Sana maabutan ko siya roon. At sana'y hindi ako mahirapan na hanapin siya. Ilang sandali lang ay nandoon na kami. Good thing wala namang traffic. Kung tatagal kasi kami ay baka maka-alis na siya.

"Diyan na lang sa gilid," saad ko sabay turo sa restaurant na naroon. "Diyan kami kakain, e', hehe." S'yempre we have to be believable. So ayun, kailangan ng props.

Bumaba ako at kunyari ay pumasok habang pinapakiramdam kung nakaalis na siya nang hindi lumilingon.

Marahan pa akong pumasok sa loob ng restaurant, pumwesto sa may haligi sa pintuan at saka bahagyang sinilip kung nakaalis na siya. Pinanood ko siyang tuluyang umalis bago ako nakahinga ng maluwag.

"Woh, nakakaloka. Things I do for Dwayne," bulong ko sa sarili ko. "Okay, Calli. Here we go."

Chineck ko ulit 'yung IG story niya. Saan ba ito rito?

Hays, baka nakalipat na rin 'yon. Sige na nga, hahanapin ko na lang.

Lumapit ako sa pinto habang ibinabalik ang phone sa bulsa ng uniform ko, pero kasabay ng pag hila ko ng pinto para bumukas ay siya rin naman tulak ng isang lalaki na papasok sa loob. Halatang kagaya ko ay busy rin siya sa phone niya kaya naman sabay kaming nag angat ng tingin at huli na nang marealize ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa.

Sa sobrang lapit ay tanging mata niya na lamang ang nakikita ko. I can even hear him breathing. Too close that I didn't even recognized him for a second, until unti-uting mag process lahat sa akin. Doon ko na rin nakilala ang lalaki na nasa harapan ko.

Beat.

Shocks, thank you, hindi mo na ako pinahirapan.

"Dwayne."

Lumayo kami sa isa't isa. Napaiwas ako ng tingin sabay lunok. Grabe, that was really close. I felt like my heart skipped a beat. Huhu, kahit ano talagang inis ko dahil ayaw niya akong tulungan ay hindi ko magawang magalit sa kaniya.

Nang ibalik ko ang tingin ko ay paalis na siya. Pakiramdam ko ay kusa na lamang kumilos ang kamay ko para pigilan siya by grabbing his wrist.

"Dwayne, teka lang," pigil ko. Lumingon ako sa paligid. Good thing na kaunti lang ang kumakain at this time.

When kiss is a crimeWhere stories live. Discover now