3

137 7 0
                                    

"Paano ba 'to?" Mukha akong baliw na kinakausap ang sarili sa loob ng banyo habang nakatapis ang tuwalya sa buo kong katawan.

Hindi ko madesisyunan kung lalabas na ba ako o mananatili pa rito ng ilang minuto. Pinapakiramdaman ko kung wala ba si Galen sa sala nang makapunta na ako sa kwarto na hindi niya nakikita. Hindi pwedeng makita niya ako sa ganitong hitsura! Kung hindi ba naman ako shunga na nakalimutan ang damit na pagbibihisan ko sa loob ng kwarto!

Ba't ba kasi sinalubong ako ng kamalasan ngayong araw?

Napatigil ako sa pagbuntong-hininga nang marinig kong may kumalabog sa labas. Nanggaling ang ingay sa kusina, left side ng banyo. So, nasa kusina si Galen? Kung ganoon, puwede na akong lumabas dahil hindi naman nakatapat ang banyo sa kusina kaya malaya akong makakatakbo diretso sa kwarto.

Bago pihitin ang doorknob, sinigurado ko munang mahigpit ang pagkakatapis ko sa tuwalya na nakabalot sa aking katawan. Dinala ko na rin ang damit na ginamit ko bago maligo, sinigurado ko pang walang naiwan.

Bumuntong-hininga muli ako para kumuha ng lakas ng loob bago pihitin ang doorknob nito. Nagbigay lamang ako ng maliit na awang na puwede kong pagsilipan sa labas.

Wala si Galen sa sala, wala rin siya sa hallway papuntang kwarto.

Mukhang nasa kusina nga siya.

Kinuha ko iyon bilang oportunidad upang pumuslit papunta sa kwarto.

Dali-dali akong lumabas at tumakbo.

Wala pa yatang sampung segundo ay nasa loob na ako ng kwarto ko.

Nagbuga ako ng malalim na hininga sabay sara sa pinto.

Nagbihis na rin ako kaagad nang makita kung anong oras na. Isang oras na lang ay start na ng first subject ko. Hindi pa ako kumakain, saka bibiyahe pa ako! Kailangan kong magmadali.

Akala ko ay mapapadali ang buhay ko rito kaysa noong nasa dorm pa ako, kung saan kailangan ko pang hintayin matapos maligo ang tatlo kong dormmate bago ako gumayak. Mas hassle pa pala rito kahit pa dadalawa lang kaming gagamit ng buong bahay. Eh, paano? Kailangan ko pang makipagtaguan para lang hindi magkaroon ng interaction sa kaniya dahil hindi ko na kinakaya ang mga kahihiyan na nagagawa ko.

Matapos kong maayos ang sarili ko, naglagay ako ng extra polo croptop sa bag ko para pagbihisan ko mamayang uwian. Balak ko kasing dumiretso sa coffee shop para ituloy ang naudlot kong application kahapon.

Kinuha ko na bag at phone ko.

Balak kong pumasok na at sa cafeteria na lang mag-almusal. Wala na rin naman akong oras para magluto pa. Bukas ko na lang pagsisilbihan ang Galen na iyon nang wala naman siyang masabi sa pagtira ko rito at nang may maganda naman akong magawa, para hindi na lang puro katangahan ko ang naiisip niya.

Pagkabukas ko ng pinto, halos lumundag ako dahil sa gulat.

"Ano ba! Hobby mo bang gulatin ako, ha?"

Nakatayo si Galen sa harap ng pinto habang nakasandal sa wall. Kanina pa ba siya rito? Tila sinasadya niyang hintayin ako sa labas ng kwarto.

So? Anong kailangan niya sa akin?

Nakabihis na rin siya at mukhang ready na ring pumasok dahil nakasabit na sa kaniyang balikat ang black shoulder bag nito. In fairness, ang expensive niyang tingnan sa maroon uniform and slacks na suot niya. Well, rich kid naman talaga siya, literal.

Poker face lang ang mukha nitong humarap sa akin. Iniabot nito ang kaniyang kamay na parang may hinihingi mula sa akin.

Ha?

Living Under The Same RoofWhere stories live. Discover now