6

59 5 0
                                    

"I-Ikaw?" Laking gulat kong tanong. Hindi ko inaasahan na siya ang lalabas sa kotseng huminto sa harap ko.

Imbes na sagutin niya ako, humakbang ito papalapit sa kinaroroonan ko. Pagkatapat niya sa harap ko, tinitigan niya na muna ako sa mukha hanggang sa unti-unting bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Wala itong imik na hinawakan ang braso ko. Nakita niya ang galos na natamo ko sa pagtulak sa akin nu'ng holdaper sa semento. Nagtamo ako ng sugat sa magkabilaang braso ko.

Hindi pa rin ito umiimik.

Naglakad siya papunta sa front seat at binuksan ang pinto nito.

Alam ko na ang nais niyang iparating ngunit hindi pa rin ako kumikilos. Nanatili pa rin akong nakatayo at tiningnan lamang siya.

"Sasakay ka ba o iiwanan kita rito?" Masungit nitong tanong.

Dahil sa seryoso nitong tono, napahakbang agad ako. Agad akong tumalima at sumakay sa front seat. Nang makita niyang komportable na akong nakaupo, isinara na rin niya ang pinto. Umikot na rin ito para makasakay sa driver's seat.

Pagkapasok sa kotse ay agad niya na itong pinaandar.

Hindi ko pa rin alam kung bakit si Galen ang sumundo sa akin gayong si Jervy ang tinawagan ko.

Bakit siya ang dumating sa sitwasyong si Jervy ang kailangan ko?

Lumingon ako sa kaniya. Seryoso lang itong nagmamaneho.

"N-Nasaan si Jervy?"

Hindi siya nakasagot agad. Nakatutok ang paningin niya sa daan. "He's drunk," matipid niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. Uminom siya ngayong gabi? Akala ko ay meeting at practice lang ng team nila. Hinihingi pa nga niya ang address ng coffee shop at nagsabing masusundo niya ako.

Nadismaya na naman ako sa nalaman.

Dapat pa ba akong magulat?

Sa sampung sinabi ni Jervy sa akin, isa o dalawa lamang ang natutupad.

Pero kung lasing siya ngayon, sino ang nakasagot sa tawag ko kanina sa kaniya?

Si Galen?

"Ikaw ang sumagot sa tawag ko kanina?"

Nilingon ako nito sandali at agad ding ibinalik ang atensyon sa daan na tinatahak namin.

"We celebrated Cleo's birthday, nasa condo niya kami kanina. Katabi ko lang si Jervy nang tumawag ka. I saw his phone on the table... ringing. Wala na siya sa katinuan para sagutin ang tawag mo, kaya ako na ang sumagot nito."

Natatandaan ko si Cleo. Kaklase niya ito sa isang major subject nila. Kaya pala! Hinding-hindi makakatanggi si Jervy kapag mga kaibigan na niya ang nag-aya. Isang tawag lang nila sa kaniya, pupunta siya agad. Samantalang ako, kailangan ko pang magtampo para pagbigyan niya ako.

I just nodded.

Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Binaybay ng paningin ko ang tahimik na paligid na nadaraanan namin. Wala nang masyadong tao na dumadaan dahil lagpas alas-onse na. Bakas na nakakatakot maglakad nang mag-isa sa ganitong oras dahil anytime, pwedeng mangyari ang naranasan ko kanina.

"Nakita mo ba ang mukha ng taong 'yon?" Binasag nito ang katahimikan sa pagitan namin. "Gusto mo bang dumiretso tayo sa police station at i-report ito?"

Umiling ako. "Hindi na. Hindi ko rin naman nakita ang mukha niya dahil nasa likuran ko siya. Wala na rin akong pagkakataon na lingunin siya at baka matuluyan ako."

Ramdam ko pa rin ang takot hanggang ngayon. Ito ang unang beses na nangyari sa akin 'yon. Akala ko ay katapusan ko na kanina. Mabuti na lang at hindi niya ibinaon ang balisong sa tagiliran ko.

Living Under The Same RoofWhere stories live. Discover now