9

117 4 3
                                    

"You? But how? I mean... why?"

Hindi makapaniwala si Jervy na si Galen nga ang sumagot sa tawag ko sa kaniya.

Well, ganoon din naman ang naging reaksyon ko noong malaman na siya nga ang tumulong sa akin. Like how? Nakilala ko siya bilang masungit at snob kaya parang imposible na siya pa itong lumitaw sa ganoong klaseng sitwasyon.

Nakatingin lang din sila Jiro kay Galen. Maging sila ay curious din kaya abang na abang sila sa isasagot nito.

"You're drunk," simpleng wika nito.

"So, ikaw nga ang sumundo at tumulong kay Asheng, tama?" Sumingit na sa usapan si Coleen. Nakuha pang tumingin ng kaibigan ko sa akin.

Galen just nodded.

Bigla ko namang naramdaman ang pagsundot ni Audrey sa tagiliran ko. Kilala ko na ang kaibigan ko. May ibig sabihin na naman ang pagsundot nito. Bibigyan na naman niya ng malisya ang tungkol sa nalaman niya. Kaya nga ayaw ko ring ipaalam sa kanila na si Galen ang taong tumulong sa akin, baka kung ano pa ang isipin nila. Hindi ko pa naman kontrolado ang pag-iisip nila.

"So, I guess, that's all you want to know? I have a class now, I have to go."

Hindi na niya kami pinasadahan ng tingin. Dali-dali na itong naglakad papunta sa Engineering Department. Katabi ng building nila ang building namin kaya madalas ko rin silang nakakasalubong.

Umalis na si Galen pero ang mga kaibigan niya ay nandito pa rin. Isa lang ang ibig sabihin nu'n, hindi nila kaklase si Galen sa klase na pinasukan niya ngayon. May ilang subjects kasi siya na kinuha dahil wala 'yun sa University na pinanggalingan niya, 'yon din ang dahilan kung bakit irregular student siya.

"Omg! Si Galen pa talaga ang tumulong sa 'yo? Eh, 'di ba may pagkasungit 'yon? First impression ko nga sa kaniya eh wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya, eh." Sinimulan na ni Coleen ang maglabas ng reaksyon.

"Grabe ka naman, Coleen! Mukha lang may sariling mundo 'yung si Galen pero mabait naman 'yon!" Pagtatanggol ni Jiro sa kaibigan niya.

"Oh, bakit? Sinabi ko bang masama siya?" Hindi naman nagpatalo itong si Coleen.

Mukhang magsisimula na naman ang bardagulan nilang dalawa kaya naisipan kong aalis na lang ako.

Napansin yata ni Jervy na akmang tatayo na ako. "Asheng..."

Hindi pa ako tumatayo. Tiningala ko siya. Hinihintay ko ang kasunod nitong sasabihin kahit pa alam ko na.

I'm sorry.

'Yun naman ang lagi niyang sinasabi.

"Asheng, um-attend kasi kaming birthday party kagabi. Balak kitang sunduin nu'n kaso..." Hindi na ito makatingin sa akin nang diretso, tila nahihiya na siya. "Kaso hindi ko namalayan na napadami na ako ng inom. I'm really sorry."

I knew it.

Sorry na naman mula sa kaniya.

Ganoon naman lagi ang eksena namin.

Makikipagkasundo siya sa akin. Hindi niya tutuparin. Mag-so-sorry siya sa huli. Okay na naman kami. Mauulit na naman.

Gusto kong magtampo. Gusto kong magalit sa kaniya. Pero anong karapatan ko para gawin 'yon?

Hindi niya ako girlfriend.

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya.

I heaved a deep sigh to calm myself.

"Jervy, can we talk?"

Ngayon ang unang beses na inaya ko siyang mag-usap kami nang masinsinan kaya hindi maipagkaila sa mukha nito ang nararamdamang kaba ngayon.

He just nodded.

Walang umimik sa mga kaibigan ko, maging sa mga kaibigan niya.

Tiningnan lang nila akong tumayo. Sumunod naman sa akin si Jervy.

Papuntang green home ang tinatahak kong daan. Kumpara sa quadrangle at mga gazebo, mas kakaunti lamang ang tumatambay sa green home. Malayo kasi ito sa mga buildings at cafeteria kaya malimit lamang na tumambay ang mga estudyante.

Ilang hakbang na lang ang lalakarin ko bago makarating sa green home. Ramdam ko pa ring nakasunod sa likuran ko si Jervy. Dati-rati, kinukulit niya ako kahit pa naglalakad kami sa hallway at nakakahalubilo ang ibang mga estudyante pero ngayon, tahimik lamang itong nakabuntot sa akin.

Sa wakas, nasa green home na kami.

Mabuti na lang at wala kaming nadatnan na estudyante. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

Bago ko siya harapin, pumikit na muna ako at bumuntong-hininga. Desidido na akong klaruhin ang mga bagay-bagay na gumagambala sa akin.

Pagkaharap ko, sakto namang nahinto na siya sa paglalakad. Magkaharap na kami ngayon.

"Asheng... I'm sorry."

"Ito na naman tayo, eh. Iyan ka na naman sa kaka-sorry mo. Paulit-ulit na lang, Jervy." Bakas sa tono ko ang pagkadismaya. Hindi ko na rin kasi mapigilan na makaramdam ng inis. Ang tagal ko na ring nagtimpi at ipakita na okay lang.

"Promise, this time... babawi na ako."

Nameke ako ng ngiti. "Sinabi mo na rin 'yan, eh."

Hindi ito agad nakapagsalita. Batid niya sa kaniyang sarili ang tinutukoy ko. Ilang beses na siyang nagbitaw ng mga pangako pero sa bandang huli, hindi rin lang niya natutupad.

"Asheng..." Hindi na siya makatingin sa akin dahil sa hiya.

"Huwag ka nang magpangako para lang mapagaan ulit ang loob ko kasi sa huli, babawiin mo rin lang. Saka hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap. Okay lang kung hindi mo ako nasundo, okay lang kung lagi mo na lang akong hindi sinisipot, okay lang kung hindi ako ang unahin mo. In the first place, wala kang obligasyon para gawin ang mga 'yon." Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong mag-open up ngayon sa harapan niya. "I just wanna talk to you to clear things between us. Naguguluhan na kasi ako, eh. Naguguluhan na ako sa mga pinapakita at pinaparamdam mo sa akin. Hindi ko na alam kung saan ko ba dapat ilugar ang sarili ko sa buhay mo."

"Asheng, hindi ba't nasabi ko na ito? You're special to me." Habang binibigkas niya 'yon, nakaya niya akong titigan sa mata. Ramdam ko naman ang sincerity niya pero maging ang sagot niya ay malabo para sa akin.

"Special? What do you mean by that?"

"Kaibigan kita."

Dalawang salita lang pero grabe na ang impact na binigay nito sa akin.

Ilang segundo rin akong hindi nakaimik. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko at anytime, pwede akong pumiyok.

"Kaibigan lang ba ang tingin mo sa akin?" May halong kaba akong naramdaman nang itanong ko ito.

Natatakot akong marinig ang isasagot niya.

Hindi ba ito ang gusto ko? Ang malaman at malinawan ako kung ano ba talaga ang tingin niya sa akin?

"Yes."

Napalunok ako kasabay nang pagtingala ko para mapigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

"So, all this time, 'yon lang ang tingin mo sa akin? 'Yung mga pinaramdam at binitawan mong mga salita noon ay para sa kaibigan lang?" I smiled bitterly. "Hindi ko lang maintindihan, bakit umamin ka rin noon sa akin? Bakit sinabihan mo ako na liligawan mo ako pagkatungtong natin ng college? Bakit hanggang ngayon ay patuloy mo akong binibigyan ng motibo para isipin na may gusto ka sa akin? I thought we have the same feelings. Akala ko ay gusto mo rin ako."

"Asheng..."

"Ang daya mo naman, Jervy. Kung kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin, sana tumigil ka na sa pagbibigay ng mixed signals noon pa."

"I'm sorry. Noong panahong 'yun, hindi pa talaga ako sigurado sa nararamdaman ko. Yeah, totoo 'yung sinabi ko noon na gusto kita, but I don't know if I really like you or I just want you to be my friend. Pero Asheng... totoong special ka sa akin. Ayokong mawala ang pagkakaibigan natin. Please, huwag namang masira ang friendship natin dahil dito."

Hindi ko na napigilan pang kumawala ang ilang butil ng luha mula sa mga mata ko.

"Ang dali sabihin 'yan para sa 'yo... pero paano naman ako?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living Under The Same RoofWhere stories live. Discover now