ARABELLE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARABELLE

Hi it's me Arabelle Yasvien, isang babaeng beterinaryan sa aming lugar. Hindi ko alam bakit nila sinaksaktan ibang hayop eh may buhay naman sila kagaya natin.

Simula pagkabata palagi kong inaalagaan ang mga hayop at ginamutan, no'ng una ayaw ni papa mag-ampun kami kaso mapilit ako eh, kaya sa huli sumang-ayon.

"Papa, maiwan na kita dito may puntahan lang ako at titingnan ko kalagayan ng mga hayop sa vet clinic ko." Sabi ko habang naglilinis sa sala namin at nag-ayos din.

"Sige 'Nak, ingat ka palagi baka may mang-aaway naman sayo. Ayaw ko talaga nasasaktan ka nila." Mahaba niyang paalala niya at niyakap ako nang mahigpit.

Ang buhay namin ay simple lang, ang ama ko ay isang taga-ayos ng mga sirang-sirang gamit sa aming bayan. Samantala ako nagtatatrabaho sa vet clinic kasama kaibigan kong lalaki.

"Hi Belle! Ang aga mo ngayon ah?" Tanong ni Denice sa akin, hindi naman yun bago.

Napatawa na lang ako nang mahina sabay tinapik siya "Ano kaba parang hindi ka naman sanay sa akin, early bird kaya ako."

"Oh ano kamusta ang papa mo? alam mo Belle hayaan mona yung may galit sayo. Inggit lang siguro ata sila sa kagaya mo na matalino at maganda. Oh sino ka 'dyan? "

Napailing na lang ako sa sinasabi niya, ang bolero niya masyado baka aasa pa ako. Buti nga may kagaya niyang taong mabait.

"Napaka-bolero mo, oh sya kamusta yung asong may sugat kahapon? ayos naba kalagayan niya? nag-alala lang talaga ako."

Ang cute kasi nong asong yun, golden retriever siya ang lambot pa nong fur niya. Sabi daw nila nakakaswerte ang kagaya niya, kaso hindi naman ako naniniwala.

"Ayos naman siya nagamutan kona din yung sa paa niya, balak moba siyang ampunin? sayang naman kapag hindi."

"Oo a-ampunin ko siya, wala rin akong kalaro sa bahay eh busy din si papa sa trabaho niya. Ako lang mag-isa lagi."

Kahit malaki na ako palagi ko talaga nararamdaman mag-isa, at gusto ko sana mahanap yung sinasabi nilang true love.

Nong bata pa ako, palagi ko binasa yung librong Beauty and the Beast kaya na inspired akong maging veteran sa amin.

Agad ako napabaling sa kaniya at umiwas naman siya ng tingin. "Ayaw mo lang ako kasama eh, pinagpalit mona ako sa asong ito nakakatampo ka. Alam mo yun?"

"Ano kaba! para kang timang dyan hindi naman kita pinagpalit kasi walang tayo."

Sarkastiko kong sabi, ano kaya nahithit nito ang lakas ng trip makabiro totoo naman na wala talagang kami, dba?

"So ginaganon mona ako? nakakasakit kana talaga ng damdamin." Sabi niya sabay umakting na nasasaktan.

Iniwan kona lang siya doon at ginamutan ang ibang mga hayop na sasaktan, minsan kinakausap ko din sila kahit na alam kong hindi sila nagsasalita parang timang.

Fascinating Beauty Inside : La Renaissance Series by PPG [Completed : ✔]Where stories live. Discover now