13

86.1K 1.1K 486
                                    

"I MISS you, Yña!"

Napangiwi ako bago mabilis na inilayo ang aking telepono mula sa aking tenga dahil sa lakas ng boses ng aking kaibigan. Her voice is so loud and it almost broke my eardrums. Kahit kailan, napaka-energetic niyang tao.

"Eli, I miss you too pero please lang, pakihinaan ang boses mo," saad ko sa kaniya.

She giggled on the other side of the line.

"I'm sorry girl. I just miss you so much. Ilang lingo na rin tayong 'di nagkikita at nagkausap."

"I know, I miss you too. By the way, how are you?" I asked her.

"Hmm, I'm good. I'm enjoying my work and I have a very good boss."

Napangiti ako sa sinabi niya. I'm happy for my best friend, sa lahat ng mga nararating niya ngayon. She's now finding her path, finding herself. I'm so proud of her.

"That's good to hear, Eli. How about your love life? May nahanap ka bang matinong lalaki riyan?" I teased her.

Her last date didn't go as planned. After that she didn't went into a blind date again. Sabi nga niya, malas daw siya sa gano'ng bagay. Palagi na lang basura ang nakikilala niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Alam mo gurl, ikaw dapat ang tinatanong ko tungkol sa bagay na iyan 'no."

Napanguso ako sa sinabi niya. "Wala namang bago. Naghahabol pa rin ako," saad ko sa kaniya.

"Hindi na nakakapagtaka, Yña. Sawang-sawa na ako pagsabihan ka kaya ang magagawa ko na lang ay ang suportahan ka. I know you'll get tired soon and realize, that is of course if it didn't work out."

"I want to be passive, Eli," sambit ko sa kaniya.

"Yeah. I know. I know. Why don't we change our topic yeah? Ngayon na nga lang tayo nag-usap. Let's talk about something else. Kumusta ka riyan? Met some new friends?"

"Oh!" I excitedly shouted. "I have a new friend. His name is Jhaaja."

Gusto ko sanang sabihin ang buong pangalan ni Jhaaja kaso hindi ko na itinuloy. Baka rin magulat si Eli kung bakit may kaibigan akong Gobernador. Saka ko na lang ikwekwento sa kaniya lahat kapag bumalik na siya rito sa amin.

"That's good to hear, Yña. At least you have someone beside you."

"Yeah. Medyo bulgar nga lang siya magsalita pero mabait naman siyang tao," pagku-kwento ko sa kaniya. "Siguro kapag nandito ka, magiging mag-besties kayong dalawa. You two are alike."

Tumawa siya sa sinabi ko.

"Gwapo ba?"

"Oo," sagot ko. "Pero gwapo rin ang hanap e."

Mas lalong lumakas ang kaniyang pagtawa dahil sa sinabi ko.

"That's cool! Edi sabay-sabay tayong hahanap ng bebe!"

I giggled. "I can't wait na umuwi ka rito. Then let's hang out!"

"Yeah! Sure! I can't wait to see –"

She wasn't able to continue what she was saying when I heard someone calling her name. Mukhang tinatawag na siya. I stayed silent and let her talk to her co-worker. Minutes later, they finished talking and she came back to the line.

"I'm so sorry, Yña. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho. I just took a thirty minutes break."

Umiling-iling ako na para bang kausap ko siya ng harapan.

"No. It's okay. Babalik na rin ako sa trabaho. I still have a lot of documents to read," saad ko bago napatingin sa mesa ko punong-puno pa rin ng mga papeles.

The Mayor's ParagonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon