14

156 4 0
                                    

HALOS hindi ko na makilala si cassy dahil sa pananamit niya ngayon. Dati kasi ay manang kung mag damit itong si cassy kaya bihira lang mag kagusto ang mga lalaki sa kanya nung high school at college kami.

"Ang tagal mong hindi nag paramdam" nag tatampong Saad ko.

"Sorry na nag kaproblema lang kasi" sabi nito at umupo sa tabi ko.

"Bakit hindi ka naman nag sabi sakin? Kailangan mo pa akong ighost" sabi ko at ngumuso. Natawa naman ito at niyakap ako.

"Ikaw ah, kaano-ano mo si zakx?" Tanong ko. Ngayon ay mag kausap sila marl at zakx sa labas.

"Kaibigan syempre. Alam ko namang sayong-sayo yan. Ikaw ang dapat kong tanungin kaano-ano mo si marl ngayon? May pa holding hands pa kayo akala mo hindi ko nakita ah" sabi nito at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

"Kaibigan syempre" inulit ko ang sinagot niya.

"Sus kaibigan daw." Sabi nito at umirap. Tumawa na lamang ako.

"Kung kaibigan si zakx e may bf ka naba?" Tanong ko dito. Ngumiti naman ito ng pag ka tamis-tamis.

"Yes hahahaha" sagot nito at tumawa.

Wow naunahan pa ako.

"Hala ka, ano pangalan? Tiga saan?" Tanong ko dito.

"Actually wala siya dito sa pinas, papakilala ko sana sayo kaso nasa Australia siya" sagot nito.

"Anong pangalan?" Tanong ko. Sasagutin niya na sana may tumawag sa cellphone niya.

"Hello!"

"Yes nandito siya sa condo ko nag kita na kami" sabi nito at tumingin sa akin.

"Yes pupunta kami"

"Okay see you!"

"Si zeyla tumawag sakin tinatanong niya kung nag kita na daw ba tayo" sabi nito sa akin.

"Alam na nila na nandito ka?" Tanong ko tumango naman ito.

"Kailan kapa dumating?" Tanong ko.

"Kanina lang,tinext ko si zeyla at marl na wag munang sasabihin sayo na umuwi na ako. Sinabi naba sayo ni zeyla?"

"Ang alin?" Tanong ko.

"May party mamaya punta ka ah. Hindi kasi ako nakapunta sa kasal ni zeyla at ni jake." Sagot nito. Bigatin na ang best friend ko.

"Grabehan kana babe, pero mukha hindi ako makakapunta" sabi ko. Baka totohanin ni kleo na susunduin ako.

"Bakit naman? Minsan lang naman tayong mag kakasama yuni" sabi nito.

Text ko na lang kaya na wag na niya na akong sunduin? Hmm bahala na siya sa buhay niya. May point din naman si cassy.

"Sige na nga sasama na ako" sabi ko.

"Yeeyy!" At niyakap ako ni cassy. Niyakap ko rin siya pabalik. Kamiss tong babae na ito.

6PM at ngayon ay papunta kami sa bahay ni cassy dahil doon gaganapin ang party.

Bumili pa kami ni cassy ng damit para mamaya sa party.

Mahal ang nabili kong damit at buti na lang at maibibigay na ang sweldo ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mahal ang nabili kong damit at buti na lang at maibibigay na ang sweldo ko.

Nag text kanina sa akin si kleo na hindi niya daw ako masusundo dahil may importante daw siyang pupuntahan. Nag reply na lamang ako ng okay at hindi na ito nag reply.

Buti na lang at sumama na ako sa party. Hindi na talaga ako aasa na susunduin ako ng isang bruhildo. Yep, umasa ako pero hindi na mauulit.

Malapit-lapit na kami sa bahay nila at tumawag na rin si zeyla kay cassy. Nandun na daw sila at marami-rami na rin daw na Tao. Nauna pa sila kesa sa may-ari ng bahay.

Nakarating na kami at hindi naman masyadong maraming sasakyan ang nasa parking lot.

"Mga ka-batch din natin yung inimbitahan ko. Tayo-tayo lang" sabi ni cassy habang papasok kami ng bahay. Magkahawak kaming kamay habang papasok.

"Omg nandito na sila!"

"Ang ganda ni cassy"

"Si cassy ba yan?"

"Grabe ang ganda...ng kasama niya"

"Si yuni pare yung crush mo hahahaha"

"Ang sexy ni yuni"

Mga bulungan nila pag kapasok namin. Agad kong hinanap sila zeyla at kumaway naman ito kaya kumaway rin kami ni cassy.

"Shit ang sexy mo naman yuni. Hindi kaba papagalitan ni marl?" Bungad sa akin ni jake at bineso ako. Inirapan ko na lamang ito at nakipag beso sa iba pa naming kaibigan.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?" Nagulat ako kay zeyla dahil sa biglang pag sulpot nito sa harapan ko.

"Ha? Saan mo nalaman?" Tanong ko dito at uminom ng beer.

"Tumawag sakin kanina si marl sabi niya hindi ka daw pupunta dahil sa alaga mo kaya hindi na rin daw siya sasama. Pero ngayon nandito ka, nasan yung date mo?"

"Sinong date?" Tanong ko at uminom ulit.

"Si marl syempre" sagot nito at tinaas pa ang dalawang braso.

"Kasama si zakx nasa labas" sagot ko. Nagulat naman ito at nasamid pa sa iniinom.

"Nandyan si zakx?!" Sigaw nito. Tumango na lamang ako at uminom ulit. Pangatlo ko na yata ito.

"Omg yung crush mo nung college-"

"Oo na zeyla yung crush ko nung collehe nandiyan kasamahan ni marl sa labas okay?" Pinutol ko ang sasabihin nito nang mag salita ako.

"Teka nasan naba si jake at sasabihin ko" sabi nito at hinanap ang asawa.

Maya-maya pa ay dumadating sila marl,zakx at si jake.

"Mukhang ang hinahanap mo ay nakita na ang ipapakita mo" sabi ko kay zeyla at uminom ulit ng alak.

Hindi naman siguro ako malalasing.

"Hoy gaga kumain ka muna! Purat ka uminom ka agad, broken kaba?" Nagulat ako ng biglang inagaw ni cassy ang baso ko. Nilagyan nya ng plato na may pagkain ang lamesa.

"Kumain muna kayo guys mamaya na kayo uminom" sabi ni cassy at umalis ulit. Nag simula na kaming kumain at tawa naman ng tawa sila marl, jake si zakx naman ay tumatawa ng konti kaya tumingin ako sa kanya. Nakita ko naman itong nakatingin sa akin. Ako na ang nag iwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa pagkain.

Tapos ng kumain ang lahat at umiinom na kami. Ang iba ay sumasayaw ang iba naman ay umiinom ang iba naman ay nag lalaro ng kung ano.

"Gusto mo sumayaw?" Tanong ni marl habang umiinom ako hindi ko alam kung pang-ilan ko naba ito.

Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa dance floor.

Nilagay niya sa balikat niya ang mga kamay ko at hinapit niya ang bewang ko.

"May pag-asa paba ako?" Tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"What do you mean?" Tanong ko kahit alam ko ang pinupunto niya. Actually hindi ko alam. Sa tuwing kasamahan ko siya ay komportable ako ngunit kapag ginalaw na ni kleo ang baso ay iba ang nararamdaman ko. Pinapabilis niya ang tibok ng puso ko, masakit man o hindi.

Umiling na lang siya at isinayaw niya na ako.

Nag tatawanan kaming nag sasayaw at ng mag sawa ay umupo na kami.

Umiinom ngayon ako ng may nag lahad ng kamay sa akin. Nang tignan ko kung sino ay si...

"Zakx"

"Can i dance the beautiful lady?"

Kasabay non ang pag vibrate ng cellphone ko.

Unknown number

I'm watching you, honey

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara