37

148 2 0
                                    

𝗞𝗔𝗨𝗦𝗔𝗣 ni Kleo sa cellphone si Els nag papaalam na pupunta kami ngayon sa kanila. Baka kasi mamaya wala naman palang tao sa kanila.

"Ngayon na mismo" saad ni Kleo.

"Yeah, yeah, see you. 'Wag mong sasabihin sa kanya" sabi ni Kleo bago ibaba ang cellphone.

"Let's go?" Tanong nito. Tumango naman ako at hinawakan ang kamay n'ya.

Pinag buksan n'ya ako ng pinto ng sasakyan. Nang makasakay ito at pinaandar n'ya na ang makina ng sasakyan at umalis na kami.

"Dumiretso na 'ba sa US sila Tita Wena?" Tanong 'ko dito.

"Oum, pero uuwi sila next month. Okay na yung problema do'n. Mag babakasyon lang daw muna sila" sagot nito. Tumango-tango naman ako.

"So alam nila na nililigawan mo 'ko?" Tanong 'ko ulit.

"Yes, una pa lang. Sinuportahan nila ako. Nagulat pa nga sila nung una e" sagot nito. Natuwa naman ako. Akala 'ko kasi tututol sila kasi 'di 'ba nga katulong lang lola mo. Na dating secretary nila.

"So next month balik secretary na ulit ako?"

"Yes, hindi na kita yaya dahil girlfriend na kita" sagot nito. Uminit naman ang mga pisngi 'ko sign na namumula ako.

Dati, inis lang nararamdaman 'ko dito, ngayon, kilig na.

"Daan tayo saglit sa flower shop. Gusto 'ko s'yang bigyan ng bulaklak, tapos daan narin tayo sa jolibee, nag c-crave ako do'n e" utos 'ko.

"Noted, honey" sagot nito. Kinagat 'ko naman ang ibabang labi 'ko sa kilig.

Kalmahan lang, dapat masanay kana Yuni - sabi 'ko sa aking sarili.

"Kinikilig ka?" Tanong ni Kleo at tumawa ng konti.

"Hulaan mo" sagot 'ko dito at tumawa rin.

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Els. Ngayon lang ako naka punta dito. Malaki rin ang bahay nila pero mas malaki ang kila Kleo. Kila Dawn kaya?

Nag doorbell na si Kleo at ilang segundo pa ang lumipas ay bumukas na ang gate at si Els ang bumungad sa amin.

"Els!" Agad 'ko s'yang niyakap. Pero nanibago ako dahil parang may umbok sa tiyan n'ya. Niyakap n'ya rin ako pabalik.

"Hays, welcome!" Sabi matapos ang isang mahabang yakap. Pinapasok kami nito at pinaupo sa salas. Maganda rin ang loob nito. Halatang mamahalin ang mga gamit.

"Buti naman at napasyal kayo" sabi ni Els sa amin. Tinignan 'ko naman si Kleo na seryosong nakatingin kay Els.

Problema nito?

"Sakto pala pag punta namin sayo. Els, mag sabi ka" sabi ni Kleo na ikinataka 'ko.

"K-kleo" tumingin ako kay Els na ngayo'y umiiyak. Nilapitan 'ko ito at niyakap.

"Hush...ano ba ang nangyari?" Tanong 'ko.

"Y-yuni..." tawag nito sa akin at mas lalo pang umiyak. Tinignan 'ko naman si Kleo ganon parin ang ekspresyon ng mukha n'ya, seryoso.

"M-mahabang kwento..." sagot ni Els.

"Simulan mo na mag kwento" sabi ni Kleo at umayos ng upo. Humiwalay naman ako sa pag kakayakap. Hinatak naman ako ni Kleo papalapit sa kanya. Hinawakan n'ya ang bewang 'ko.

"Birthday ni Razzie no'n...nag-aya s'ya pumunta sa bar dahil doon daw i-cecelebrate yung birthday n'ya" umpisa nito.

"Then?" Tanong ni Kleo.

"Naparami yung inom 'ko hanggang sa sumayaw nako sa dance floor" pag papatuloy ni Els.

"Marami akong naka sayaw no'n. Pero isa lang ang nag pa-init sa akin"

"Wala na akong masyadong matandaan basta pag gising 'ko wala na akong damit at may katabi na akong lalaki. Kaya, ito nag bunga" kwento nito at napahawak naman ako sa bibig 'ko.

Omg!

Humigpit naman ang pag kakahawak ni Kleo sa bewang 'ko.

"N-nakita mo ba yung itsura ng lalaki?" Tanong 'ko. Umiling ito bilang sagot.

"Pangalan n'ya? Natanong mo??" Tanong 'ko ulit.

"Hindi 'ko matandaan..." sagot nito.

"Hindi 'ko na nakita yung mukha n'ya kasi nakatalikod ito sa akin matulog tapos naka dapa pa. Hindi 'ko rin matandaan yung mukha n'ya habang ginagawa namin yun..." dagdag nito.

"Alam na nila Tita?" Tanong ni Kleo.

"G-galit sila sakin. Ngayon, pinag hahanap na nila yung lalaki" sagot nito. Grabe naman ang nangyari. Sa loob ng dalawang buwan naming pag babakasyon sa probinsya hindi namin alam na may ganito ka palang nangyari.

"Pa'no nila mahahanap kung hindi naman nila kilala?" Tanong ni Kleo. Seryoso parin ito.

"Kilala mo naman siguro si Daddy" sagot ni Els. Tumango naman si Kleo.

"Tutulong ako sa pag hahanap, malay mo kakilala 'ko pala" saad 'ko.

"No" tutol ni kleo.

"Bakit? Gusto kong makatulong kay Els"

"Ako na, kiss mo na lang ako para ganahan ako" sabi ni Kleo at ngumuso pa. Grabe naman 'to, nakakahiya dahil nasa ibang bahay kami at kasama namin si Els.

"T*ngina nito" bulong ni Els.

"Maya" sagot 'ko kay Kleo, sumimangot naman ito.

"Kleo, hiramin 'ko muna si Yuni ah? Pag hahanda ka lang namin ng pagkain mahal na señorito" saad ni Els. Tumawa naman ako sa sinabi nito.

"No!" Angal ni Kleo.

"Excuse us mahal na señorito" saad 'ko at dali-daling pumunta sa kusina. Sumunod naman si Els sakin habang tumatawa.

"Alam mo, sa dinami-daming naging karelasyon ni Kleo. Ikaw lang ang nilegal" sabi ni Els habang kumukuha ng snacks.

"Talaga? Si Cina hindi kilala nila Tita Wena?" Tanong 'ko.

"No, ewan 'ko ba feel 'ko fling lang lahat ng mga yun" sagot nito. So ako palang ang kauna-unahang pinakilala ni Kleo sa mga magulang n'ya?! Wowers.

"Nga pala hindi 'ko nakita si Dawn nung gabi. Pumunta 'ba s'ya?" Tanong 'ko dito at kumuha ng isang ubas.

"Hindi, ano, busy kasi s'ya kaya hindi s'ya naka punta" sagot ni Els at nag-iwas ng tingin.

"Ang tagal 'ko na s'yang hindi nakikita. Simula nung umuwi kami galing Paris" saad 'ko. Maya-maya ay may nag doorbell.

"Hm? May bisita ka pa pala" saad 'ko. Nag tataka namang tumingin sa akin si Els.

"Wala naman akong inaasahang bisita" sabi nito.

"Ako na ang mag bubukas!" Sigaw ni Kleo mula sa sala. Pinag patuloy lang namin ni Els ang pag-aayos. Ilang minuto ang nakaraan ngunit hindi parin bumabalik si Kleo.

"Teka lang Els, makiki oshosho muna ako kay Kleo kung sino yung nag doorbell" paalam 'ko dito. Tumango naman ito at tumawa ng konti.

Pag ka labas 'ko ng kusina nagulat ako sa aking nakita!

"Kleo?" Naka takalikod sa akin yung lalaki pero kitang-kita 'ko na nakahawak ito sa kwelyo ni Kleo. Nakahawak din yata si Kleo sa kwelyo ng lalaki.

Unti-unting lumingon ang lalaking naka talikod.

"Dawn?!"



-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin