20

231 4 0
                                    

HINDI ako makakain ng maayos dahil kay Kleo pa'no ba naman eh sinusubuan ko siya. Kapag ako naman ang susubo ng para sa akin inaagaw niya yuny kutsara sa akin at siya na mismo ang mag susubo. Kumbaga nag susubuan kami.

"Yaya, busog na ako, ikaw ba?" Tanong nito sa akin.

Busog na busog ako bruhildo. Isang subo puno na agad ang bibig ko.

"Busog na rin ako. O sige na ako na ang mag huhugas dahil ikaw ang nag luto" sagot ko dito at tatayo na sana ng higitin niya ako.

"No, ako na ang mag huhugas yaya" sabi nito. Inaagaw niya na talaga sa akin ang trabaho ko.

"Señorito, trabaho ko po na pag linkuran kayo. Kaya hamo ng ako na ang mag hugas ng pinag kainan natin" sabi ko dito at pilit na kinukuha ang kanang kamay ko sa kanya.

"Sino ang boss mo dito?" Tanong nito.

"Syempre ikaw" sagot ko.

"So, inuutusan kitang mamahinga ka sa sala at ako na ang mag huhugas ng pinag kainan natin" komando nito.

"Pero-" aangal pa sana ako kaso inilagay niya ang isang daliri niya sa bibig ko.

"Wag kanang umangal yaya" sabi nito at doon na ako binitawan.

Tumayo na ito at inayos niya na ang pinag kainan namin. Nilagay niya ito sa lababo at ako naman ay tumayo na at pumunta sa kwarto. Maliligo ako ang baho ko na.

Hinanap ko ang dalawa kong bagahe at nakita ko ito sa gilid ng aparador. Nang kinuha ko ito ay nag taka ako kung bakit magaan. Pati ang isang bagahe ay magaan din.

Hindi ba ako nakapag impake?

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina kung nasaan si Kleo.

"Señorito, ang gaan ng bagahe ko. Ganon din ba sayo?" Tanong ko dito. Nag huhugas ito ng pinggan, tinignan niya ako at maya-maya'y pinunasan niya ang kamay niya sa apron nyang suot.

Ngayon ko lang napagtanto na wala siyang damit pang itaas tanging apron lang.

"Ow, I forgot to tell you. Inayos ko na yung gamit mo nasa cabinet na" sabi nito sa akin.

Tumango na lang ako at umakyat na ulit. Binuksan ko ang cabinet na sinasabi ni Kleo at nandun nga lahat ng gamit ko.

Kumuha ako ng damit at towel at pumunta na ako sa cr.

TAPOS na akong maligo at nakatapis lang ako ngayon. Nag papatiyo ako ngayon ng buhok gamit ang blower. Halos kumpleto ang gamit dito sa kwarto.

Kanino kaya itong kwarto na ito?

Nang matiyo ay tumayo na ako at dumeretso sa kama kung nasaan ang mga damit ko.

Huhubarin ko na sana ang towel ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto!

"Ahhh!"

"Yaya- ow shit" agad na tumalikod si Kleo at isinara ang pinto.

Pucha muntikan na yun ah.

Nag bihis na ako at inayos ko na ang sarili ko bago ako bumaba.

Nakita ko namang kakalabas din ni Kleo galing sa kabilang kwarto.

"S-señorito may kailangan kaba?" Tanong ko dito. Hindi siya makatingin sa akin. Mukhang may hinahanap na kung ano o umiiwas lang sa mata ko?

Dahil ba sa nangyari kanina? Tss, hindi kasi kumakatok bago pumasok.

"Aalis tayo o kung gusto mo mag pahinga nalang muna tayo?" Tanong nito sa akin.

Kung mamamahinga lang kami dito sa bahay ay sayang ang panahon!

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now