36

152 2 0
                                    

𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 day as Kleo's girlfriend.

Kagabi, tabi na kaming natulog ni Kleo sa kama. Pero bago 'yon ay nag paalam muna si Kleo kay Tatay kung pwede ba s'yang tumabi sa akin matulog.

Sus, eh halos tuwing umaga s'yang nakatabi at naka yakap sa akin.

Ang sagot ni Tatay ay "Kleo anak, tapos na ang panliligaw mo kay Yuni. Yang mga ganyang bagay ay hindi na kailangan mag paalam. Basta, ang lagi 'kong pinapaalala sayo, 'wag kang gagawa ng ikakasakit ni Yuni"

Tapos na kaming kumain ng umagahan at ngayon balak namin ni Kleo na pumunta sa parke. First date daw namin.

"Ih, masyado pang mainit doon para pumunta" reklamo 'ko.

"Okay hon, mamayang hapon na lang?" Tanong nito. Tumango naman ako at binuksan ang cabinet at kumuha ng damit dahil maliligo na ako.

"Ah, maliligo ka?" Tanong ng kasamahan 'ko.

"Oo" sagot 'ko.

"Sabay tayo" sabi nito at ngumisi. Pinang singkitan 'ko naman ito ng mata.

"Anong binabalak mo?" Tanong 'ko at tinaasan ng isang kilay.

"Ah, maligo?"

Umiling na lang ako at lumabas na ng kwarto. Dumiretso ako sa banyo. Akmang isasarado 'ko na ito ng dire-diretsong pumasok si Kleo.

"Hoy-"

"Para tipid sa tubig" sabi nito at nag hubad damit pang taas.

Aba!

"Halika na dito. Maligo na tayo" aya nito sa aki. Tumikhim ako at pinipigilang tumingin sa mga tinapay nito.

May naisip naman akong kalokohan.

Dahan-dahan akong pumunta sa gawi n'ya. Kada hakbang 'ko paabante, s'ya namang hakbang paatras. At panay lunok.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong nito at halos hindi na maka tingin sa akin.

Wala na itong maatrasan kaya lalo akong lumapit sa kanya.

Nilagay 'ko ang kanang kamay 'ko sa balikat n'ya at inilapit pa lalo ang sarili. Sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Y-yuni" bulong ni Kleo. Ngumisi naman ako at sinumulan na ang kalokohan.

Yung kaliwang kamay 'ko, dahan-dahan 'kong kinuha ang tabo na may lamang tubig at binuhos 'ko ito kay Kleo.

"What the f*ck!" Sigaw nito. Ako naman tawang-tawa.

"YUNI ASARI!" Sigaw nito at gumanti sa akin.

"Hoy!"

"Ganti lang" sabi nito at dumila pa.

Ending, nag basaan kaming dalawa na parang bata.



Nandito kami ngayon sa park at nag mumuni-muni, konti na lang ang mga tao dito. Mga bata na nag-lalaro.

Picnic date ang peg namin. Ubos na namin ang dalang pagkain at ngayon pinapanood namin ang takip silim. Naka akbay s'ya sa akin at nakahiga naman ako sa balikat n'ya.

"Ay nga pala, hindi 'ko na nakita si Els kagabi" saad 'ko nang maaalala 'kong hindi na nag pakita si Els pagkatapos ng eksena.

"Oo nga eh, hindi man lang nag paalam sa akin na aalis" sabi nito at hinalikan ang tuktok ng ulo 'ko.

"Ang tamlay n'ya tignan. Okay lang 'ba s'ya?" Tanong 'ko. Dahil nung nakita 'ko s'ya parang may mabigat na problema.

"Gusto mo 'ba dalawin natin s'ya minsan?" Tanong nito sa akin. Tinignan 'ko ito, naka tingin din ito sa akin.

Tumango ako bilang pag sang ayon.

"Okay next week we will go home to the city" sabi nito na ikinangiti 'ko.

7:30 na kami nakauwi. Sakto namang pag uwi namin ay inaya na kaming kumain ni Nanay. At do'n natapos ang araw namin.

Lumipas ang ilang araw at ito na ang araw na babalik na kami sa syudad.

"Mag-iingat kayo ha" saad ni Nanay.

"Opo, mag tatawag po kami kapag nasa bahay na kami" sagot ni Kleo.

"Kleo, alagaan mo ang unica hija namin" saad ni Tatay kay Kleo.

"Yes po. Makakaaasa kayo sa akin" sabi nito.

"Yuni, ha. Tatawag kayo sa akin" sabi ni Nanay sa akin at niyakap ako. Hinawakan naman ni Tatay ang ulo 'ko at bahagyang ginulo ang buhok 'ko.

"Mag bakasyon ulit kayo kapag may time ha" sabi ni Tatay. At tuluyan na nga kaming nag paalam. Naka lagay na ang gamit namin sa compartment ng sasakyan.

"Nabusog ka 'ba?" Tanong ni Kleo at umandar na kami.

"Oum, ikaw 'ba? Mag s-stop over ba tayo?" Tanong 'ko dito. Hinawakan n'ya naman ang kamay 'ko at hinalikan ito.

"Busog ako. Gusto mo matulog ka na lang sa byahe?" Tanong nito sa akin. Ngumiti ako dito at tumango. Hawak n'ya parin ang kamay 'ko.




"Hon"

"Hon"

"Baby"

Naalipungatan ako ng gising dahil parang may dumikit sa labi 'ko. Yun pala hinalikan ako ni Kleo.

"Hindi ka kasi magising eh, kanina pa kita ginigising. Siguro nag tutulog-tulogan ka 'no?" Sabi nito at ngumisi.

"Ulol" sagot 'ko at tumawa. Lumabas ito ng sasakyan at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan. Kinuha n'ya naman ang mga gamit namin at pumasok na kami sa bahay.

"Ahhhh, namiss 'ko ang bahay namin!" Sabi ng kasamahan 'ko.

"Adi yakapin mo" sabi 'ko dito.

"Ikaw na lang" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap 'ko rin ito pabalik. Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Kleo.

"Uy, bababa mo 'ko!"

"No" sagot nito at inilapit ang mukha sa mukha 'ko.

"I love you" bulong nito bago ako simulang halikan. Hinalikan 'ko rin s'ya pabalik. Hindi parin nag-hihiwalay ang mga labi namin at hindi 'ko namalayan na nasa kwarto na kami. Inihiga n'ya ako at tinititigan ako.

"So beautiful" sabi nito.

Hindi 'ko akalain na magiging kami. Parang dati lang bruhildo pa s'ya sa buhay 'ko ngayon partner in crime 'ko na.

Nginitian 'ko ito at ako naman ang lumapit para bigyan s'ya ng halik.







Nakahiga kami ngayon sa kama at nanonood ng movie sa TV nito.

"Bukas na tayo pumunta kila Els" sabi ni Kleo. Tumango naman ako.

"Horror talaga pinili mo 'no?" Saad 'ko.

"Ayaw mo? Pwede 'ko namang palitan" suggest nito. Umiling naman ako at tinapangan ang sarili. Hindi 'ko talaga gusto ang horror movies or stories. Hindi kasi ako makakatulog ng maayos tapos gabi pa namin pinanood.

Kapit na kapit ako sa boyfriend 'ko dahil nandito na yung part na nakakaramdam na ng kakaiba yung bida. Sa ibang napapanood 'ko kasi dito na lalabas yung mga jump scares.

At yun na nga. "Ahhhhhhhhh!" Tili 'ko at dinaganan si Kleo at siniksik ang sarili sa kanya.

"Nice" bulong ni Kleo. Hindi 'ko na ito pinansin at lalo pang siniksik ang sarili. Tumingin ulit ako sa TV at grabe na lang ang gulat at takot 'ko ng naka pause iyon sa mismong nakakatakot na mukha!

"Patayon mo na yung TV o ikaw yung papatayin 'ko!" Sigaw 'ko dito. Napapikit naman ito dahil sa sigaw 'ko. Dumilat ito at tumawa. Niyakap naman ako nito.

"Akala 'ko gusto mo ng horror eh" sabi nito at tumawa ulit.



-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon