CHAPTER 6

3.2K 103 2
                                    

KARINA POV

WWLA kaming pasok ngayong araw ng miyerkules dahil sa wala naman talaga kaming lesson or subject para sa araw na ito kaya napagpasyahan kong magtungo sa malawak na taniman namin ng paminta at tubo. Ang mga iyon ay ipinamana sa akin nina Mama at Papa. Dederetso ako sa bahay namin pagkatapos. Matapos maligo ay kaagad akong nagbihis.

"Mommy pwede po ba akong sumama? Please*ani ni Clyde.

"O siya sige.pero paliliguan muna kita"sambit ko.

Pinaliguan ko siya at binihisan. Nagdala din ako ng backpack na may lamang mga gamit na pambata.

"Let's go?"ani ko at isinama siya sa garage.

Hawak ko ngayon ang susi ng kotse na ninakaw ko kay Mang Dado na driver dito. Bakit? Dahil alam kong binilinan siya ni Yasser na huwag kaming paaalisin. Ep*l talaga ang isang iyon nakakainis! At iyon nga. Walang nakapansin sa amin. Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan tutal marunong Naman ako dahil may kotse rin naman ako. Naiwan nga lang sa bahay.

"Marunong ka po palang magdrive mommy?"tanong ni Clyde.

"Oo naman baby"sagot ko.

Mayamaya nga ay nakarating na kami sa taniman. Kinamusta ko ang mga trabahador doon maging ang kinikita sa bawat pag-ani ay aking inasikaso. Ako rin ang nagpapasahod sa kanila.

"Ma'am may anak na po pala kayo?"tanong ni Mang Nestor.

"Ahh opo Mang Nestor. Heto nga po pala si Clyde"sabi ko.

"Hello po Mang Nestor! Hello sa inyong lahat!"magiliw na pagbati ni Clyde sa kanila.

Lahat sila ay tuwang tuwa sa bata dahil napakamasayahin nito. Inabot Ng dalawang oras roon.At ng matapos na ang aking pakay sa taniman, dumeretso sa bahay. Sa may gate pa lamang ay may natanaw na akong isang kotse at bukas din ang gate. Teka kotse ni Yasser iyon ahh? Ano ang ginagawa niyan dito? Kaagad akong pumasok at dinala ang kotse sa garage katabi ng kotse niya at nung kotse ko at pumasok kaming dalawa ni Clyde.

"Napakainit po doon Mommy pero ang saya kasi ang daming tanim tapos mababait pa ang mga tauhan mo po. Ngayon Lang po talaga ako nakaranas ng ganon"nakangiting sabi niya.

"Natutuwa din Naman ako dahil nag-enjoy Ka anak"tugon ko

"Ano ang nakakatuwa sa ginawa ninyong pagtakas"tanong ni Yasser na ikinagulat ko.

Halos mangatal ang buong katawan ko dahil sa gulat at isa pa madilim ang mukha niya ngayon.

"Ahh may kailangan kasi ako sa taniman. Inasikaso ko yung mga kita nung umani at pinasahod din ang mga magtatrabaho"ani ko.

"Bakit? Wala ka bang katiwala roon?"tanong niya.

"Meron pero nais kong-"pinutol na niya ang sasabihin ko.

"Nais kong umuwi na tayo ngayon din! Ikaw ang magmaneho sa sinakyan ng babaing Ito dahil sa kotse ko siya sasakay"seryosong sambit niya.

"Teka hindi ako makakasabay sayo kukunin ko ang kotse ko na halos isang linggo nang nakatambak sa garahe"ani ko.

"Wala akong pakialam sa kotse mo! Sa Amin ka ni Clyde sasabay sa ayaw at sa gusto mo!"inis na Sabi nito at hinila ang kamay ko. Wala na nga akong choice. Siya ang nagmaneho. Pagkauwi namin kaagad niyang inutusan ang dalawang kasambahay na isama si Clyde habang ako Naman ay hinila parin ni Yasser patungo sa aming silid. Pagpasok namin ay kaagad din niya itong isinara ng pabagsak.

"Ano bang nangyayari sayo??"inis na tanong ko.

"Bakit ba kasi ang kulit mo?? Takas ka ng Takas!"inis na tugon niya

"Kailangan ko nga Kasi-"Hindi na natuloy pa ang sasabihin ko nung sumigaw siya.

"WALA AKONG PAKIALAM SA MGA DAHILAN MO KARINA"Sigaw niya

"F*CK YOU!"pabalik na Sigaw ko.

"YEAH! I WILL F*CK YOU UNTIL YOU CANT WALK SOON!"Sigaw pa niya bago ako iniwang mag-isa sa silid.

Hindi na ako makaimik. Grabe siya ang harsh hah? Delikado.

YASSER POV

NAIINIS akong umalis ng bahay at nagpunta sa bahay ni Jerome. Tapos na din ang klase niya. ..

"Naiinis dahil umalis si Karina ng walang paalam? Bakit Naman boss?"tanong niya.

"Inaalala ko lang naman ang kapakanan niya! Paano kung napahamak siya maging ang aking anak? Baka nalilimutan mo na hindi parin natatagpuan ng mga in*til nating  mga tauhan si Waldo?"naiinis na Turan ko.

"Kung sa bagay may point ka"tugon niya.

"Paano kung pinamamanmanan ako non at makita niya ang asawa at anak ko edi pati sila nadamay pa!!"naiinis paring sambit ko.

"Mukhang iba na ata iyan boss"nakangiting Sabi ni Jerome.

"Ano ang ibig mong sabihin??"tanong ko.

"Mukhang umiibig Ka na talaga kay Karina"ani niya na ikinainis ko.

"Itigil mo iyang bunganga mo Jerome. Mag-inom na lamang tayo"ani ko.

Kaagad nga siyang naglabas ng Alfonso at nagpaluto ng pulutan. Nag-inom kami at nagkwentuhan sandali ngunit nagpaalam narin akong uuwi nung medyo nahihilo na ako.

"Kaya mo pa ba boss? ipagdadrive Kita"Sabi niya

"Hindi na kaya ko Naman"tugon ko.

Kaagad nga akong nagmaneho pauwi at matapos kong mailagay sa garahe ang kotse at pumasok ay nakita ko agad si Clyde.

"Hi Daddy"bati niya at nagpahalik sa akin.

"Where's your Mom?"tanong ko.

"Nasa room po ninyo. Inaayos po yung flowers na ibinigay ng isang guy kanina"ani niya na ikinainis ko

"What? May lalaking nagbigay ng flowers sa mommy mo?"inis na tanong ko.

"Opo"sagot niya.

Dahilan Ito para dalidali akong nagtungo sa aking silid. Naabutan ko siyang nag-aayos ng flowers sa silid.

"Talagang matigas din ang mukha mo ano?? Nakuha mong tumanggap ng bulaklak mula sa ibang lalaki sa harap pa mismo ng anak ko Hah Karina?"naiinis na sambit ko

"Wala akong alam sa pinagsasasabi mo!"inis na tugon niya. Aba siya pa ang may ganang mainis?

"So sinasabi mo bang nagsisinungaling ang anak ko? Saan galing ang mga bulaklak na iyan kung ganon??"Galit na tanong ko.

"Inorder ko Ito online! Yung lalaking nakita ni Clyde malamang yung delivery man! Ano bang nangyayari sayo?? Amoy alak ka pa?? Itulog mo nalang iyan kung anu-ano na kasi ang pumapasok sa kokote mo! "Inis pang turan niya

"Hoy babae HUWAG NA HUWAG KANG MAGLOLOKO!"sambit ko.

KARINA POV

"Hoy babae HUWAG NA HUWAG KANG MAGLOLOKO!"sambit niya bago nahiga sa kama.

Akala naman ata ng isang Ito magdyowa kami. Palibhasa lasing!

Mafia lord anakan mo akoWhere stories live. Discover now