CHAPTER 10

2.6K 82 0
                                    

YASSER POV

NAGDIDISCUSS ako sa harapan ng third year college students ng biglang humahangos na pumasok si Mariel. Ang kaibigan ni Karina.

"What are you doing here Ms. Molina?"tanong ko

"Sir ipinatatawag ka po ni Sir Jerome! Si Karina po kasi nahimatay sa loob ng classroom at dinala namin sa clinic"umiiyak na ani ni Mariel.

"Class aalis muna ako sandali. Ayusin ninyo yang ipinasusulat ko"ani ko.

"Noted po Sir"sabay sabay na sambit nila.

Dali Dali akong nagtungo sa clinic kasama si Mariel. Nung dating namin doon, inabutan namin si Jerome at si Karina na wala paring malay.

"Anong nangyari sa kanya?"nag-aalalang tanong ko.

"Bigla na lamang siyang nawalan ng Malay. Ngunit bago Ito, napansin ko siya na tinatakpan niyang mabuti ang magkabila niyang tenga at hindi rin siya mapakali habang nagdidiscuss ako. Tinanong ko kung okay lang siya pero hindi na siya nakasagot pa"mahabang ani ni Jerome.

Biglang nagmulat ang mga mata ni Karina.

"How are you? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Tell me!"nag-aalalang sambit ko.

"Ayos lang ako"namumutlang sambit niya.

"Nakarinig ako ng ingay kanina. Isang babae, tila ba may humahabol sa kanya. Ngunit tila ba may nakabangga sa kanya"kinakabahang sambit ni Karina.

"Siguro ay gawa ng Hindi ka nakatulog kagabi kaya ka nagkakaganyan"ani ni Mariel

"Hindi ko alam"sagot ni Karina.

"Irelax mo lamang ang iyong sarili Ms. Aquino. Paano kailangan ko nang bumalik sa classroom. Tayo na Ms. Molina"ani ni Jerome at umalis.

Hindi na namin siya pinabalik pa sa loob ng classroom. Hinayaan na lamang namin siya sa loob ng clinic. Nagpabili din ako ng mga prutas. Ano bang nangyayari sayo Karina?

KARINA POV

HINDI na ako nakabalik sa classroom. Mahigpit ang bilin ni Yasser na huwag akong palalabasin ng clinic kaya halos maghapon akong nagtulog dito. Tulog at kain lamang ang ginawa ko rito. Nagbell na hudyat ng uwian.

"How are you?"tanong ni Yasser na kadarating lang.

"I'm fine. Thank you!"tugon ko.

"You're welcome. Kaya mo bang lumakad?"tanong niya.

"Oo Naman"tugon ko at bumangon na.

Sabay kaming naglakad patungo sa garage ng sasakyan. Maraming estudyante ang nakatingin sa amin ngunit hindi namin pinansin. Hanggang sa nakasakay na kami sa kotse niya.

"Ahm Yasser?"tawag ko sa kanya

"Why?"tanong niya.

"Huwag mo nalang sana sasabihin kay Clyde ang nangyari sa akin"ani ko.

"Okay. Kung iyan ang gusto mo"tugon niya.

"Walang pasok bukas. Magpahinga ka muna"saad pa niya.

"Hindi ako makakapahinga masyado. Nais kong magpunta sa aking taniman. Ako na lang talaga ang makakapag manage non dahil wala na ang aking mga magulang"ani ko

"Pwes sasamahan kita"ani niya.

"Sure ka ba? Huwag na! Kaya ko naman"ani ko.

"Sasamahan kita Karina. Maggrocery na din Tayo pagkatapos"ani niya.

"Okay"tugon ko.

"Siya nga pala. Sinabi mo na ba sa mga magulang ni Janina ang mga nangyayari?"tanong ko.

"Oo. Tumawag ako sa kanila. Okay Lang naman sa Hari. Pero wala na sa akin ang tutulong kamahalan dahil nag-asaw- dahil nga may kasama akong ibang babae sa bahay"sambit niya.

"Ang reyna kamusta siya?"tanong ko.

"Hindi parin siya makausap ng ayos. Magmula ng mawala si Janina ay tinakasan na siya ng bait"walang ganang tugon nito.

"Kawawa Naman pala siya. Nabaliw siya dahil hindi niya matanggap ang pagkawala ng kanyang anak"ani ko.

Matapos non ay katahimikan na lamang bumalot sa loob ng kotse hanggang sa makauwi kami.

"Hi Mommy! Hi Daddy!"ani ni Clyde at nagpa cuddle sa akin.

"Your Mom is- she's tired baby"ani ni Yasser.

"Hindi! Okay lang. Let's go baby!"ani ko at kinarga siya papasok. Narinig kong nagsalita pa si Yasser pero hindi ko nalang pinansin. Ang cute talaga ng baby ko.

Mafia lord anakan mo akoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz