CHAPTER 59

1.4K 51 0
                                    

DIANA POV

HINDI ko mapigilang magwala sa galit ngayon dahil sa nalaman kong balita na Hindi daw ako ang tunay na pamangkin ng hari. Tila ba lahat ng plano ko ay biglang naglaho.

"GGGRRRRRAAAAAHHHH!"nanggagalaiting sigaw ko.

"Walang magagawa ang pagwawala mo"ani ni Waldo.

"At ano ang magagawa mo??"inis na tanong ko.

"Palagay mo ba may magagawa ako?? Wala!"aniya na ikinagalit ko lalo.

"Nais kong gumanti Waldo!!"galit na Turan ko.

"Ano ang balak mo?"tanong ko.

"Sabihin mo sa kuya mo gumawa na agad ng paraan para mabura na sa mundo sina Yasser, Janina at ang anak nila para naman makaganti ako sa pest*ng Hari na iyon!!!"galit na sabi ko.

"Sige. Huwag kang mag-alala gagawin ko iyan mamaya"aniya.

"Siya nga pala. Kailangan kong magtungo sa headquarters!"aniya at umalis.

WALDO POV

BUKOD sa balitang hindi si Diana ang tunay na pamangkin ng hari ay nakarating din sa akin ang balita na si Jerome pala ang pum*tay kay Franco. Kinamuhian ko ng husto ang aming bunso at si Janina dahil sa pag-aakalang sila ang pumat*y.. may hud*s lang pala sa hanay nila.

"GGGRRRRRAAAAAHHHH"Sigaw ko at pinagsusuntok ang dingding sino sa aking opisina.

Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw at umiyak.

BRANDON POV

NAGISING ako sa silid ni Emma. Dito na pala ako nakatulog.

"Lasing na lasing ka kanina at dito ka nakatulog. May gusto kang sabihin kanina. Ano iyon?"tanong ni Emma. Habang may hawak na libro na may pamagat na "Secrets"

Ang sakit parin ng aking ulo..

"Ah iyon ba?? Wala! Dala lang siguro ng kalasingan!"ani ko.

Ano ba iyan?? Iyon na sana iyon ehh!!

Biglang tumunog ang phone ko.. nagtext si Amanda!! Gising na daw si Avenir!

"Sino iyan?"tanong niya.

"Si Amanda. Gising na daw-"

"Gising siya. Pwes wala akong pakialam!"galit na sabi niya at ibinato sa ulo ko ang librong hawak niya bago umalis..

Ano na naman ba ang nagawa ko?

WALDO POV

BIGLANG tumunog ang phone ko habang ako ay nasa office. Nagtext si Diana. Isa pa ang babaing Ito. Napilitan lang naman akong patulan ang isang Ito dahil nga sa galit ko kay Janina. Pero kailanman ay hindi ko minahal ang isang Ito. Itinatanong niya kung nagawa ko na ba yung sinabi niya. Sumagot ako ng oo kahit hindi naman totoo. Kasama ko ngayon si Greco. Ang kanang kamay ko.

"May sasabihin lang sana ako pero huwag mo sanang mamasamain boss"aniya

"Ano iyon?"tanong ko.

"Mabuti at naisipan ninyo noon na ipaubaya na lamang sa inyong kapatid si Janina. Mahirap na bagay iyon!"aniya.

"Mahirap nga. Kita mo naman ginulo ko pa sila nung una. Pero naisipan ko din na magkapatid kami ni Yasser at isa pa may damdamin din naman si Janina. Kung hindi lamang sana namatay si Franco at Kung hindi ko din pinagbintangan si Janina ay marahil maayos pa ang lahat"ani ko.

"Bukod pa diyan marahil ay ang babaing tunay Kong minamahal ang nasa tabi ko"ani ko pa.

"Si Janina? Akala ko ba ay ipinaubaya mo na siya?"tanong niya

"Hindi si Janina.. nung nagpasya akong magpaubaya ay may nakilala akong isang babae. Mahirap siya at ulila. Simple ang ganda. Kaya lalo akong nagsisisi ngayon"ani ko.

"Nasaan na siya ngayon?"tanong pa niya

"Nasa Niccodorre"sagot ko.

"Ano ang pangalan niya?"tanong pa niya.

"Alam mo ikaw masyado kang usisero. Mabuti pa maiwan mo na muna akong mag-isa dito"ani ko.

Aalis na sana siya nang magsalita pa ako.

"Ahm Greco"tawag ko

"Ano po iyon?"tanong niya.

"Tungkol sa mga sinabi ko. Sa ating dalawa nalang sana"ani ko

"Makakaasa ka po boss"nakangiting Turan niya bago umalis.

MIRA POV

KASAMA ko ngayon sina lea at Denise. Mga court lady din sila gaya ko. Nagkukwentuhan kami tungkol sa lovelife.. ayy nako boring.

"Ikaw Mira? Bakit hindi ka parin nakikipagrelasyon?"tanong ni Lea.

"Dahil pagtatrabaho ang nasa isip ko. At nakafocus din ako sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Maja"tanging tugon ko.

"Scholar naman ng Hari ang bata hindi ba? Patira din naman siya dito kaya hindi naman siguro mahirap kung magkakanobyo ka. Mahirap tumandang dalaga Mira!"ani ni Denise.

Heto na Naman sila.

"Maiwan ko na kayo.. may gagawin pa ako"walang ganang sagot ko.

Ayoko nang masaktan pang muli. Ayoko nang muli pang maranasan ang mga masasakit na dinanas ko noon. Kahit si Maja na pamangkin ko ang aking kasama sa buhay ay sapat na.

YASSER POV

HAPON na nung ako ay magising at isa lamang ang aking napapansin. Lahat ng mga magtatrabaho dito sa palasyo ay tumatawa kapag nakikita ako. Malamang na nakita nila ako kanina.

"Hi daddy!! Ahahahah"isa pa itong anak ko.

"Dad may ipakikita ako"aniya. Hawak niya ang phone ng mommy niya at ipinakita ito sa akin!

VINIDEOHAN ako ni Janina habang nasayaw at inupload Ito sa YouTube channel niya. Mayroon na itong 5M views at 1M comments!!

"Sikat ka na po Dad!"natatawang ani ni Clyde...

"JJJJAAAANNIINNNAAAAAAA!"

Mafia lord anakan mo akoWhere stories live. Discover now