CHAPTER 62

1.4K 48 0
                                    

JANINA POV

SINAMAHAN ko si Clyde sa playground. Nakaupo ako sa isang tabi habang pinapanood na maglaro ang aking anak kasama ng iba pang mga bata. Mabuti na lamang dahil kahit papaano ay unti-unti na siyang nakakarecover sa mga nangyari. Biglang nagring ang phone ko. Si Kuya Brandon tumatawag..

"Hello kuya"

"Ahm Janina may sasabihin lang ako"aniya.

"Ano yon?"tanong ko.

"Si Waldo. Babalik na ng Niccodorre at susuko na"sabi niya na ikinagulat ko.

"Ano? Sigurado ka ba sa iyong mga sinasabi?"tanong ko.

"Oo. Nagkausap kami kanina. Handa na daw siyang harapin kung ano ang kaparusahan para sa kanya"aniya pa.

"Mabuti naman kung ganon. Ehh si Diana?"tanong ko.

"Iiwan na siya ni Waldo sa Pilipinas ng walang kamalay-malay. Ahm Janina may itatanong lang sana ako"aniya pa.

"Ano iyon?"tanong ko.

"Kung sakali ba ay kaya mo siyang patawarin?"tanong niya pa.

"Well siguro. Kung makikipagtulungan siya upang malutas ang problema at hindi na siya manggugulo pa"ani ko

"Pero si Yasser at Hari ay Ewan ko lang kung mapapatawad siya"saad ko pa.

"Nakausap ko na si Yasser. Una ko siyang kinontact bago ikaw"ani niya.

"Anong sabi?"tanong ko pa.

"Kagaya ng Sabi mo ay handa din siyang patawarin si Waldo kapag Ito ay nakipagtulungan at nagbago"sagot niya.

"Mabuti naman kung ganon"sagot ko.

"Siya nga pala kami na ni Emma"tila ba kinikilig na Turan niya.

"Mabuti at nagtapat kana. Siya nga Pala kailan ang balik ni Waldo?"tanong ko

"Sa lunes daw"sagot niya.

"Ohh sige sige. Sana nga ay magbago na siya"sagot ko.

Inend na niya ang call at magluluto daw Siya. Mahirap patawarin ang mga nagawa ni Waldo. Pero matahimik na buhay ang aking gusto. Yung walang gulo.

MIRA POV

NARINIG ko ang pag-uusap ng Prinsesa at ng nasa kabilang linya. Nasa tabi lang kasi niya ako.

"Mira nakasimangot ka bakit? May problema ba?"tanong ng Prinsesa.

"Wala po kamahalan"walang ganang sagot ko.

"Ilang taon ka na nga ba?"tanong niya.

"25 po"sagot ko.

"Magkasing edad lang tayo. Bakit nga ba Hindi mo muling subukan na makipagdate?"tanong niya.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari.

"Ex mo si Waldo? At iniwan Ka niya ng ganon nalang?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Kaya nawalan ako ng gana nung narinig kong uuwi na siya"sagot ko.

"Huwag mo nalang pansinin. Dedmahin mo nalang kapag nakita mo"sagot niya.

Tama siya. Bakit nga ba ako magpapaapekto?

WALDO POV

SANA lamang talaga ay mapatawad nila ako. Habang napapaisip ay biglang may humalik sa aking pisngi at niyakap ako.

"Matagal na mula nang huli tayong nagt*lik Waldo. Hindi ka ba nananabik sa akin?"tanong ni Diana.

"Pasensya na pero pagod ako"walang ganang tugon ko.

Oo may nangyari na din naman sa Amin noon. Tuwing lasing ako or tuwing pipilitin niya ako. At sa tuwing ginagawa namin iyon ay mukha ni Mira ang nakikita ko. Si Diana ang kasama ko. Pero sa puso ko si Mira parin ang mahal ko.

"PAGOD PERO MAGHAPON KANG NASA BAHAY?? O BAKA NAMAN PINAGSASAWAAN MO NA AKO DAHIL MALABO NA AKONG MAKAUPO SA TRONO!!"biglang Sigaw niya.

"OO NASA BAHAY AKO. PERO CAN'T YOU SEE? TINULUNGAN KO ANG HARDINERO NATIN DAHIL SOLO SIYA NGAYON!"pabalik na sigaw ko.

"I'm sorry. Nanabik lang naman kasi ako sayo"aniya.

"Magyoyosi lang ako sa labas. Mag-usap tayo mamaya"ani ko

"Okay"sagot niya.

Lumabas nga ako. Hindi lang para magyosi kundi para tawagan si kuya. Kinontact ko siya at sinagot naman niya agad.

"Hello Waldo. Nagpatawag ka?"tanong niya.

"Nakausap mo na ba sina Yasser at Janina?"tanong ko.

"Oo. Handa naman daw silang nagpatawad basta tutulungan mo sila may kinalaman kay Jerome"aniya.

"Handa akong gawin iyon. Pero hindi lang iyan ang itinawag ko"sagot KO.

"Tungkol Saab at ako ay iyong tinawagan?"tanong niya.

"Tungkol kay Diana. Kinakabahan ako kuya. Baka makahalata siya"ani ko

"Kung gayon ay huwag kang kikilos ng kakaiba. Pakitunguhan mo siyang ng maganda para hindi siya magduda sayo Waldo. Maging maingat ka sa mga kilos mo!"aniya.

"Tama ka"sagot KO at pinatay ang phone ko.

Matapos maubos ang SIGARILYO ko ay nagtungo ako sa taas at kumuha ng alak. Naglasing ako at binalikan si Diana para gawin ang kanyang gusto. Di bale. Malapit na akong umalis dito.

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon