Chapter 17: What You Speak

42 2 2
                                    

"L-LEAVE me alone..." nanghihinang ani ni Caesar sa 'kin nang sa wakas ay nalasap na niya ang ginhawa sa pagkakahiga sa malambot na kama. Pawang tinatakpan niya ang sariling mukha ng kanang kamay ngunit kahit na ba wala ang kamay niya sa pagkakadantay, sa ibang direksyon pa rin nakabaling ang ulo nito.


Animo'y pinaparating na tutuon siya sa kahit na saang direksyon liban sa kung saan ako naroroon. 


"You're bleeding, and lying down won't help it stop. You should've gone to your room," I suggested, handling my disappointment with a stiff lip. 


However, Caesar neither budged nor responded at all, treating me like a part of the many decorations hung here in my room. A single sting of a prick became a vivid pain traveling down to my every vein, remembering this isn't the first time he's ever avoided me since he brought me upon the protection of his raven wings. 


'Quinzel, hindi mo lugar 'yan,'  one part of my mind reminded. I pursed my lips and sighed softly as silence between us becomes more unbearable with the stronger gnashes of the skies. "Kung ganoon, tatawagan ko na lang si Eldridge at Reinald. Don't move too much, 'kay? Wait for me, I'm going to get something to stop the bleeding."


Gawa ng hindi ko batid kung gaano siya nasugatan at kung bakit, balak kong magmadali't tumawag na eksperto para mapatingnan siya. Mahirap na at baka may mamintis ako na nagpapasakit sa kaniya. Subalit bago ko pa maialis ang sarili ko sa kama ay marahas na hinatak ako ni Caesar. Sa unang pagkakataon matapos ng nangyari sa café, nagkatagpo ang tingin naming dalawa; ang kaniya nagngangalit at ang akin nangliliit. 


"Don't," he growled, his grip on my wrist tightening as much as wandered deeper into my eyes.


There you go again, searching for something or perhaps, someone else in me.


His search was instantly ended when pain pulls him back down to the bed. He groaned and almost curled to it, yet despite all that, he yanked my hand away brusquely. "If it bothers you so much, go get yourself a different room tonight and leave me the fuck alone," he dismissed me before finally turning his back and shoving a blanket on his huge frame.


Dumbfounded by how he told me off, I retorted. "You mean to sleep peacefully once I leave you here to die?"


"Yeah, sure, why not?" Caesar replied sarcastically in a flash. 


"Hey, do you not have any care about your well-being?" This time, I can definitely swear I'm hearing myself raising my voice. And as much as I want to lecture him about well-being, I'm aware I'm ignoring mine too by being persistent to argue with him.


"Hah!" he exclaimed, yanking the blanket closer to cover himself. "Then why do you care? Didn't you want me to turn a blind eye toward Aljaz's insults to you? I am following what you want so, do the same with me. Simple.


Napalunok ako sa pagbabalik niya sa 'kin ng tanong. 'Di dahil wala akong maisagot kundi dahil hindi ako makapaniwalang pinapairal niya ang ganitong pag-uugali gayong tagaktak na siya ng pawis at patuloy niyang hinahabol ang hininga niya. Alam kong tungkol pa rin ito sa nangyari noong nakaraan. Alam kong sa isang banda, ako ang nagtulak sa kaniya na pagsalitaan ako nang ganito pero kailangan ba niyang umasta na parang bata ngayong nahihirapan siya?!

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now