Chapter 39: Last Ones Out

541 31 0
                                    

Chapter 39: Last Ones Out

"Ano po bang kalokohan ito, Babaylang Aginaya?" sinubukang kong tumawa kahit na nanginginig na ako hanggang buto dahil sa takot.

Mapanaguli? Dyos ng pangalawang pagkakataon?

"Alam mo naman ng pinapatay ng lahat ng Emperador ang lahat ng ka-uri namin, hindi ba? At kapag sinabi kong lahat, lahat. Kasama roon kahit ang mga sanggol pa lamang. Ang anak ko, Hemia. Kapapanganak ko pa lamang sa kaniya, ngunit pati siya pinatay ng Emperador," sunod-sunod niyang sabi.

I saw how tears threatened her eyes. For once the picture of a woman who always smiled at us and care for us got shattered in an instant.

"Matagal kong pinaghandaan ang ritwal na ito, Hemia. Ito na lamang ang natatanging paraan upang bumalik sa akin ang anak ko. Kapag nakausap ko si Pandaque, sigurado akong bibigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang anak kong mabuhay muli."

Dahan-dahan akong napailing habang nakatingin sa kaniya.

"Pakiusap, Babaylang Aginaya. Huwag niyo pong gawin ito," usal ko.

Kahit nanginginig ang buong katawan ko ay nagsimula akong humakbang papalapit sa kaniya, ngunit bago pa ako makalagpas sa kandilang nasa tapat ko ay tila mayroong hindi makitang nakaharang doon.

I tried to slam my fist against it but I can't get through, my body can't get through. It's like we're stuck inside this white ritual circle.

Nang makita iyon ng mga batang kasama ko na nasa loob ay mas lalo silang napaiyak, it's like as if I just confirmed that we can't escape.

"B-Babaylang Aginaya, pakiusap! Pakawalan niyo po kami rito! Pakiusap!" sigaw ko habang paulit-ulit na hinahampas ang hindi makitang harang na nasa harapan ko.

But she just stared at me with her vacant eyes.

"Patawad, Hemia. Ngunit nag-uumpisa na ang ritwal at sa oras na magsimula ito, hindi na kayo makakalabas," walang emosyong sambit niya kasabay ng pagdausdos ng luha sa kaniyang pisngi.

Bullshit!

Nagngitngit na lang ang mga ngipin ko habang nangingilid ang aking luha.

"P-Patawad? Talagang nagawa mo pang humingi ng tawad?!" nanggagalaiting singhal ko at hindi tinigilan ang paghampas sa barrier, "Babaylang Aginaya, pakiusap! Patay na ang anak ninyo, hinding-hindi na siya babalik! Pero kami . . . pero kami, buhay pa po kami. Kaya parang awa niyo na, huwag niyo po itong gawin sa amin."

Napahikbi na ako.

"Nagkakamali ka, Hemia. Babalik siya. Babalik ang anak ko sa akin. Kailangan ko lamang makausap ang dyos ng pangalawang pagkakataon. Lahat gagawin ko para sa kaniya," tila wala sa sariling usal niya.

Nanghihina na lang akong napaluhod kasabay ng pag-agos ng sarili kong luha.

"Parang awa niyo naman po, itigil niyo na ito. Si Tala . . . Si Tala, hindi po ba malapit din siya sa inyo? Ang sabi pa nga po niya'y mahal na mahal niya kayo," nilingon ko ng bahagya si Tala at nakita kong halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak.

Kaya tila nadudurog ang puso kong bumaling uli kay Babaylang Aginaya, "Bata pa po si Tala, limang taong gulang pa lang po siya. Kahit siya na lang po ang isipin niyo. Pakiusap, huwag niyo na itong ituloy."

Ngunit tila hindi na umaabot sa kaniyang ang mga salita ko. She's not listening to me anymore.

Maya't maya pa ay malakas na pumalahaw sa sakit ang isa sa mga batang dinala niya kaninang umaga.

Nakita ko kung paano unti-unting namilipit ang kaniyang leeg sa ibang direksyon. His defeaning cry made the hairs on my body stood to its end. Hanggang sa bumagsak siya sa lupa na wala ng buhay, kasabay nito'y namatay ang kandilang nasa likuran niya.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Where stories live. Discover now