Epilogue

435 22 11
                                    

Epilogue

"Uuwi na tayo sa Berbanaya!" nang marinig ko iyong sambitin ng Prinsipe ng Berbanaya ay hindi ko maiwasang mapangisi sa likuran ng aking maskara.

Nagsimula silang maglayag sa karagatan pabalik sa direksyon ng kanilang kaharian. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Pinanood ko kung paanong halos kalahati ng bilang ng kanilang barko ay nilamon ng nagsisilakihang alon.

"Sa wakas, umalis na rin ang mga asungot na dayuhan," naulinigan kong sabi ni Liang mula sa likuran ko at pinayungan ako.

Napaismid naman ako.

"Mukhang nagtagumpay po sila Hemia katulad ng inyong inaasahan," dagdag pa niya at napailing nang halos mahagip kami ng alon mula sa baybayin, "Ngunit bakit bigla na lang sumama ng ganito ang panahon? Na para bang may nagwawala sa ilalim ng karagatan."

Halos matawa ako sa kaniyang tinuran.

"Sapagkat siya ang ulan, ang karagatan, ang tubig . . .  at sa ganitong paraan siya tumatangis," sagot ko.

Nakita ko naman ang naguguluhang ekspresyon ni Liang na tila hindi maintindihan ang aking naging sagot. Kung alam niya lang . . .

Pagkatapos ng lahat ng ito, ano ang susunod na balak gawin ni Hemia? Tuluyan ba itong mauuwi muli katulad ng aking inaasahan o mababago ang agos ng tadhana? Nais ko itong masaksihan mula umpisa hanggang dulo.

"Hindi ito ang oras upang manood ng tanawin sa dagat, Liang. Nagsisimula pa lamang tayo. May paparating pa na mas malaking sakuna sa mundong ito." Lumapad ang ngisi sa aking labi, "Panahon na upang ating isagawa ang totoo nating trabaho."

Sinimulan kong alisin ang aking maskara.

Mula sa batang kaanyuan ay unti-unting nagbago ang aking itsura.

Napatuwid naman ng likuran si Liang at dahan-dahang yumukod sa akin bilang paggalang.

"Masusunod, Panginoong Kan-Laon, diyos ng oras."

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Where stories live. Discover now