Chapter 4: Bakunawa, The Moon-Eater
"Oh, isuot mo ito," nakatalikod ako habang inaabot sa kaniya ang isang pares ng damit na kinuha ko sa kung saang sampayan para lang matakpan 'yong mahab---este 'yong buong makasalanan niyang katawan.
"Ano 'to?"
Sa hindi malamang dahilan ay nagsitindigan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang malalim niyang boses.
"Damit. Damit ang tawag diyan. Huwag mong sabihing ngayon ka lang nakakita ng damit," sagot ko.
Nang kunin naman niya ito ay nakahinga ako ng maluwag at nanatiling nakatalikod.
"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kaniya maya't maya.
Nang hindi siya sumagot ay humarap na ako sa kaniya at halos lumuwa ang mata ko nang hawak-hawak niya parin iyong mga damit habang nakakunot ang noo.
Mabilis akong napapikit ng mariin.
"Nasisiraan ka na ba ng bait?! Bakit hindi mo pa sinuot?!" sigaw ko.
"Hindi ko kailangan ng damit na sinasabi mo. Para lang ito sa mga mortal na tao," sambit niya kaya bumagsak ang mga balikat ko.
Mukhang wala nga talaga siya sa katinuan.
Nagmulat ako at seryosong tumingin sa mukha niya. Dahil doon ay mas nabigyan pansin ko ang mga mata niya.
I thought his eyes were completely blue but it has a tinged of white, like glaciers, at mas nadepina pa 'yon dahil sa maitim at mahaba niyang pilik-mata.
Gwapo sana kaso may sayad.
"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Tao ka rin. Kaya kailangan mo ng damit. Isuot mo na iyan para matakpan ang katawan mo dahil ako ang nahihiya para sa'yo," sabi ko na lang sa kaniya at nag iwas ng tingin.
"Hindi ko kailangang takpan ang katawan ko, at bakit ka naman mahihiya?"
Dahil doon ay nagtraydor ang mga mata ko at napatingin uli sa ibaba.
Parang napugto ang hininga ko sa nakatayong tanawin at napapikit kaagad, "P-pababain mo nga iyan!"
"Anong pababain?"
"I-i-iyang ano mo!" inis na sambit ko at itinuro 'yong nagmamayabang na sandata niya habang nakapikit.
Nang hindi siya umimik ay dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at itinutok uli iyon sa mukha niya.
Pakiramdam ko'y lahat ng dugo ko ay namuo na sa ulo ko nang makita siyang nakatitig sa ibaba niya at may kung anong ginagawa.
"Hindi ko kayang pababain," tila paos na usal niya at halos himatayin ako.
"K-kaya nga sabi ko magdamit ka na!" napahiyaw ako ng hindi namamalayan.
Dahil doon ay nagsalubong uli ang mga kilay niya saka nagsimulang maglakad papalapit sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko at napaatras.
"Bakit ka lumalapit? Ang sabi ko, magbihis ka na. Anong ginagawa mo?" kandalunok na tanong ko.
"Kanina ko pa napapansin, ang isang mortal na katulad mo ay may lakas ng loob na utusan at pagtaasan ako ng boses?" tila namamanghang sambit niya at kasabay nito ay kaniyang binitawan ang mga damit na hawak-hawak niya habang patuloy parin sa paglapit sa akin.
"Isa pang hakbang at hindi ako magkakamaling tuhurin ka sa pinakamasakit na parte ng katawan mo," pagbabanta ko pero napangisi lang siya.
"Ang buong katawan ko ay mas matibay pa sa kahit na anong uri ng bakal kaya----"

VOUS LISEZ
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasyWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...