Chapter 48: Endless Contradiction
Iika-ika akong naglakad papunta sa kakahuyan at hindi ko maiwasang mapagtanto ang isang napakahalagang bagay.
I'm still weak. Too weak. It took all of me to stop one. It's just a single water cannon and he could do that multiple times. And what's more, if we're nearby in a body of water. I will be dead in no time.
He's just too damn strong.
Nang makapasok na ako sa gubat ay napalinga-linga ako sa paligid. Ang sabi ni Raksasa hindi pa siya gaano nakakalayo.
Nagpatuloy akong maglakad habang nanghihiram ng alalay mula sa mga punong nadaraanan ko.
I was already walking for almost an hour and still no signs of Bakunawa to be found. Nagkukulay kahel na rin ang kalangitan. Napamura ako at napahawak sa kanang mata ko na nagsisimula nanamang mamintig sa sakit.
I leaned on the tree trunk next to me and took in several deep breaths. My body's still not used to this power. I'm afraid I will suddenly explode and it will go to waste.
Maya't maya pa ay natigilan ako nang makarinig ako ng tila pag-agos ng tubig.
There's a river nearby!
Pinilit ko ang sariling maglakad muli at hindi nga ako nagkamali.
Bumungad sa akin ang isang hindi kalawakan at mabatong ilog. Ngunit ang higit na nakaagaw ng aking atensyon ay ang lalaking nasa tubig at naglilinis ng sarili.
I saw how his back muscles flex every time he moves and splash water on his body.
Some blue-green scales also still linger on his skin and there's a wound on his side that is slowly healing, probably from my earlier attack.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa Einmaraw, saka naglakad papalapit sa ilog. Nang tila maramdaman niya ang presensya ko ay huminto ang kamay niyang nakahawak sa kaniyang kaliwang balikat.
"Bakit ka nandito?" his voice was dripped with venom, and it crawled into my ear making me froze, "Hindi ba't sinabi kong huwag ka ng magpapakita uli sa akin?"
Hindi ako sumagot. I felt my teeth grinding with each other. Dahil doon, dahan-dahan siyang lumingon sa akin at tuluyang nagtagpo ang mga mata namin.
His gaze stirs up a strong feeling inside me, almost drowning my existence as it floods my body.
Bahagya pang tumutulo ang ilang butil ng tubig mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang panga.
Water and him really fit perfectly together.
Nakita ko ang unti-unting pagkurba ng mapulang labi niya sa isang ngisi, "Huwag mong sabihing nangungulila ka na kaagad sa akin."
Napairap ako sa hangin.
"Nasaan si Babaylang Aginaya? Anong nangyari sa ritwal?" sunod-sunod kong tanong.
Mabilis na nabura ang ngisi niya at malakas na napaismid. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin at paahon mula sa tubig na hanggang bewang niya. As he pulled himself out of the river, the beads of water on his ripped body glistens like diamonds.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang matauhan ako sa labis na pagtitig.
"Tinatanong kita, Bakunawa. Anong nangyari sa ritwal?"
"Sinisigurado mo ba kung tinupad ko ang kasunduan natin?" lumamig ang kaniyang tono. Kaya't bumalik ang mga mata ko sa kaniya at bumungad sa akin ang madilim niyang ekspresyon.
"Higit pa roon, gusto kong malaman kung anong nangyari," sagot ko.
Sinuklay niya ang basang buhok gamit ang mahahaba niyang daliri. The tip of his tongue went to the inside of his cheek, and those ice blue eyes narrowed on me.

VOCÊ ESTÁ LENDO
The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)
FantasiaWhat if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- ▪︎RISE OF CREATURES SAGA #1 ▪︎ In Hemia's world, there were once seven moons and its seven blessed keepers who guarded them against the wicked moon-eater dragon named Bakunawa. H...