00

9 1 0
                                    

00

•••∆•••

Nagmulat ako ng mata nang ianunsyo ng eroplanong sinasakyan ko na malapit na kaming mag-land. Tumingin ako sa bintana at tinanaw ang syudad sa ibaba. I'm back.

Makalipas ang ilang minuto ay ligtas akong nakaapak sa bansang kinagisnan ko ng mahigit sampung taon. Sumalubong sa akin ang maalinsangang init ng panahon. Wala pa ring pinagbago bukod sa mas lalong lumago ang mga gusali at populasyon.

Kaliwa't kanan ang mata ko habang naglalakad palabas ng arrival area. Napalingon ako sa bandang kanan sa harapan ko nang marinig ko ang pangalan ko

"Mav! Here!" Tawag sa akin ng matangkad na lalaki. Nasa tabi niya ang mga naging kaibigan ko din dito noon.

Nagsimula naman akong tahakin ang daan patungo sa kanila.

"Tatagalugin ba natin siya, Rim?"

"Bobo ka ba, Zach? Oo malamang. Sampung taon din siya dito, 'no. Imposible namang hindi na siya marunong mag-tagalog."

"E, paano kung nalimot na niya? English nga nakakadugo ng ilong, chinese pa kaya. Saka wag mo nga akong sabihan ng bobo, Charlie."

"Problema mo na yun. Idadamay mo pa kami, e."

"Manahimik nga kayong dalawa."

Ilan lang yan sa mga bulungan ng mga kaibigan ko habang palapit ako. Gusto kong matawa sa mga sinasabi nila. Nang tuluyan na akong makalapit ay nagsingitian sila.

"Ni hao!" Bati ni Zach. "Paano sabihing 'Welcome' sa China?" Siko niya kay Charlie.

"Aba malay ko." Bulong pabalik ni Charlie kay Zach.

"Wala kang kwenta." Inirapan ni Zach si Charlie bago ngumiti sa akin. "Hello. Welcome back to... to the Philippines! Yes, right. Back. Like you know. You came back here after... after a long time." Masiglang bati niya na halatang nahirapan mag-english with hand gestures. "Tama ba sinabi ko?" Bulong niya kay Karim.

Hindi ko na napigilan at natawa sa sinabi at inakto niya.

"Wala ka pa ding pinagbago, Zach. Trying hard ka pa din." Sabi ko at tinapik siya sa balikat. Hinampas naman niya ako sa braso.

"Tanginamo! Nagtatagalog ka pa rin naman pala, e. Pinahirapan mo pa akong yawa ka." Bulalas niya sa akin. Tumawa lang ako at binalingan ang dalawa pa.

Akmang yayakapin ako ni Karim ng pigilan ko siya. "Wag mo ng subukan kung ayaw mong karatehin kita—" naputol ako sa sasabihin ko ng niyakap niya nga ako at binuhat. "Tanginamo! Ibaba mo ako, gago ka." Sabi ko.

Natatawang binaba naman ako ni Karim. "Gago, Mav. Pinapakain ka ba sa inyo? Hindi ka man lang tumaba." Tumawa lang ako sa kaniya.

"Mukha ka nang mamahalin, Mav. Pintor ka ba o model ng clothing brands?" Binaba ko naman ang salamin ko ng onti bago pasadahan ng tingin si Charlie mula ulo hanggang paa.

"Ikaw, mukha ka pa ding Hotdog na tinubuan ng mukha." Sabi ko na ikinatawa nila Zach.

Binigyan niya lang ako ng ngiting aso.

"Burn."

"Grilled."

"Toasted."

"Okay." Sabi na lang ni Charlie.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan silang nagtatawanan.

I missed this kind of environment.

... a breather.

•••∆•••

^⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠^

SusurrusWhere stories live. Discover now