02

6 0 0
                                    

•••∆•••

MAVIN'S POV

Humigop ako ng tsaa habang malalim na nag-iisip. Muli ay naalala ko na naman ang nangyari sa akin sa art exhibit na pinuntahan ko almost a week ago.

I don't know people can go around and act like that. It's rude and disrespectful. Imagine, he kissed someone just like that? Not just someone, but ME!

"Mav? Okay ka lang?" Tumingin sa akin sina Charlie.

Nasa coffee shop kami ni Zach para tumambay. We usually hang out here often. Hindi lang dahil sa bored kami kundi walang "tagasilbi" sa bahay dahil nagwe-waiter din dito si Karim paminsan-minsan kapag walang trabaho.

"Yeah." Sagot ko bago humigop muli ng tsaa.

I haven't told them what happened. Paano ko sasabihin na may lalaking bigla na lang akong hinalikan for payment? That's weird.

Nagulat na lang ako nang lumapit sa amin si Zach na kanina ay nagse-serve at nagtago sa ilalim ng table. Not totally sa ilalim but inilusot niya ang ulo sa ilalim ng table.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko. He silenced me. "Ano?"

"Nandyan siya!" Asik niya sa akin at patuloy na yumuko.

Bago pa ako makasagot ay tumayo si Charlie nang makitang may mga pumasok na lalaki. They're all tall, and handsome in their own ways.

"Oh? Sila Stef yun, a." Tuluyan na ngang tumayo si Charlie para salubungin ang mga lalaki.

"Charlie! Charlie!" Pilit tinatawag ni Zach si Charlie pero hindi nito napansin. "Ay nako!"

Napatingin ulit ako sa mga kalalakihan para alamin kung bakit ganon ang reaksyon ni Zach. Saka ko namukhaan ang isang lalaking mukhang may lahing Caucasian.

"Si Stef?" Tanong ko kay Zach.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ko kilala." Sabi niya.

"Hindi kilala pero kung makatago ka para kang may pinagkakautangang bumbay diyan." Ngisi ko.

Sumimangot siya at patuloy isiniksik ang sarili sa ilalim ng mesa.

"Para kang tanga diyan, Zach. Umayos ka nga." Suway ko pero hindi siya nakinig.

Nilingon ko naman sina Charlie at napansing nakatingin sila sa pwesto namin. Lumapit din sila sa amin.

Tila binuhusan naman ako ng malamig na tubig nang makita kung sino ang kasama nila Stef.

Siya 'yon! Yung humalik sa akin sa art exhibit.

"Anong ginagawa mo diyan, Zach?" Tanong ni Charlie kay Zach na parang dagang sumisiksik sa ilalim ng mesa.

"A-Ah? Ano... May nahulog na barya. K-Kinuha ko lang. Hehe." Nagtangka siyang tumayo agad kaya nauntog siya sa mesa. "Put—"

"Still clumsy." Tawa ni Stef kay Zach. Tila natauhan naman si Zach at tumayo na saka niya sinamaan nang tingin si Stef.

"Kilala ba kita?" Stef didn't answered instead he gave him an amused look. "Hmp!" Umalis na lang si Zach at dumiretso sa staff room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SusurrusWhere stories live. Discover now