Chapter 10

35.6K 1.1K 194
                                    

Chapter 10

Alam mo iyong parang nag-slow motion iyong paligid mo habang nakatingin ka sa bawat galaw nung tao sa harapan mo? Ganoon iyong pakiramdam ko habang nakatingin ako rito sa lalaki na 'to. Oh, my god. He looked surreal. I had this weird urge para sundutin iyong pisngi niya just to check kung tao ba siya o baka lasing lang ako at nagha-hallucinate? Pero hindi naman ako uminom kaya ang weird naman kung lasing ako?

He was probably thinking that I was weird dahil titig na titig ako sa kanya. He was wearing his gray airpod max at tinanggal iyon at sinabit sa may leeg niya. I wanted to look at what he was wearing to check him out, but even me thought that that would already be pushing the is she weird scale.

"Hey, I'm so sorry," sabi niya kahit pakiramdam ko ay ako iyong nakabangga sa kanya dahil sa internal monologue ko about kay Zion.

I shook my head. "No, it was my fault," I replied. "I wasn't looking. I'm sorry."

Dahil nagka-bungguan kami, he was standing just a few inches away from me. I had to tilt my head up just to look at his gorgeous, gorgeous face.

What the fuck was was this place? Bakit parang ang daming gwapong nakatira? Should I extend my lease?

"Both our fault then," he said with a smile. He has a very cute smile. Alam mo iyong tipo na parang ang friendly niya? Ganoon iyong dating niya compared kay Zion na minsan parang may masamang gagawin sa 'yo.

"Fabian," he said.

Nakatingin lang ako sa kanya. In my mind, I knew that he was introducing himself to me and that I should say my name, too, and introduce myself to him, but for some reason, it was like my brain was short circuiting.

"Okay," he added with a smile. "Nice meeting you and sorry again for the inconvenience," he continued, put his airpods back on, and then walked away.

Why couldn't I just say my name?! It wasn't that hard?!

* * *

The next day—rather, a few hours later kasi bandang alas cinco ng hapon—ay pumunta si Gem sa condo ko. Ngiting-ngiti si gaga. Mukhang may nangyaring maganda nung iwan ko siya sa may club.

"What?" sabi niya.

Nasa may sala kami at parehong nakaupo sa may sahig. Nasa gitna naming dalawa iyong maliit kong lamesa. Sakto kasi na kakatapos ko lang magluto ng late lunch slash early dinner nung dumating siya. Inalok ko naman siya kung gutom siya, but she said na hindi.

"Nothing," sagot ko. "Hinihintay lang kitang magkwento."

"Wala akong iku-kwento," mabilis na sagot niya.

I shrugged. "Okay," sabi ko na lang pero ramdam na ramdam ko na gustung-gusto niya na magkwento, but at the same time, ayoko siyang pilitin na magkwento. Ayoko kasi kapag pinipilit niya akong magkwento, so I was just doing what I wanted her to do with me. I mean, okay lang naman din na ginagawa niya 'yon, pero mas preferred ko lang na hintayin niya akong magkwento on my own.

"Fine," she said and then sobrang animated niyang magkwento tungkol sa mga nangyari sa kanya. Apparently after the club ay naglakad pa silang dalawa around Poblacion tapos ay nakakita sila ng fishball stand. Hindi pa pala nakaka-kain si Erick non, so Gem urged him to eat. Nagkwentuhan sila habang kumakain doon tapos ay napadpad sila sa second floor ng Wendy's at doon nagkwentuhan hanggang sa sumikat ang araw at naghiwalay na silang dalawa.

"Kilig ka?" I asked in a teasing tone.

"Hindi, ah," she said like it was offending na kiligin siya.

The Lies That We Tell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon