Chapter 17

30.7K 954 248
                                    

Chapter 17

Tatlong araw na lang at babalik na si Fabian tapos ay birthday celebration niya na. Kinakabahan ako. Para akong masusuka na hindi ko maintindihan tuwing iniisip ko na sasabihin ko na sa kanya iyong tungkol sa amin ni Zion dati. Bakit kasi hindi ko na lang sinabi sa kanya dati nung una kong nalaman? I had to pretend that I didn't know Zion. I just dug a deep hole to bury myself in.

I decided to go to the mall para maghanap ng regalo para kay Fabian. Nung isang araw pa ako nag-iisip ng ibibigay sa kanya. Nagtanong na rin ako kay Nikki, pero tinawanan lang ako at tinanong kung mukha bang nagbibigay siya ng regalo sa lalaki. Fair point. Si Gem naman ay wala ring ambag. Kaya naman pupunta na lang ako sa mall. Wala naman akong schedule na gagawin today at sabi ko sa sarili ko na hindi ako uuwi hanggang wala akong nabibili na regalo.

Pumunta ako ng maaga para wala pang masyadong tao. Ang ayoko kasi talaga sa mall ay masyadong maraming tao. Kaya pumupunta lang talaga ako kapag may kailangan akong bilhin agad. Otherwise, I'd rather shop online.

I was pretending to know what I was doing because I just didn't like the thought of sales personnel following me all throughout the store. Alam ko naman na ginagawa lang nila iyong trabaho nila, but I felt like iniisip nila na may nanakawin ako.

Nakatingin ako sa mga gym bags. Fabian usually just wears jogger pants and sleeveless shirt kapag nasa gym siya. Hindi ko alam kung ano ang size niya dahil parang ang weird naman itanong.

I looked around para maghanap ng pagtatanungan if may stock ba nung isang bag na nakita ko nang matigilan ako dahil nakita ko si Zion na nandoon.

Oh, shit.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Do I just turn around and leave the store? Pero hindi niya naman pag mamay-ari 'to. Besides, it wasn't as if we planned to meet here. At saka naka-pili na ako ng bibilhin ko, e.

Pero bago pa man ako makapag-isip ng gagawin ay napa-tingin siya sa gawi ko. He probably felt that someone was staring at him.

His expression changed from confusion to smiling. Naglakad siya papunta sa akin habang hawak iyong sapatos na tinitignan niya.

"There you are," he said with a rather flirtatious undertone. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Tumingin siya sa hawak ko na bag. "Need a new gym bag?" he asked.

"For Fabian's birthday," I told him.

"Right," he replied, slightly nodding his head.

"Nice to see you," sabi ko tapos ay ibinaba ko na iyong bag na hawak ko. Hindi pa naman siguro ito iyong last stock. Babalikan ko na lang bukas. I just really knew that being around this guy wasn't good for me.

I was well aware that he's not good for me, pero sabi nga nila, leche bakit masarap iyong bawal?

"Wait," sabi niya nang tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya.

Huminga ako nang malalim dahil agad akong napahinto nang marinig ko iyong boses niya. I hated how this guy had me wrapped around his fingers. Like at what point in our short-lived 'affair' did he manage to do that?

"What?" I asked, looking at him and blatantly showing him my displeasure na inaabala niya ako.

"He's already got a lot of bags from his sponsors," bigla niyang sabi.

"What?"

"Fabian," he said. "He already has that bag," dugtong niya sabay turo sa ibinaba kong bag.

"Oh," I replied. "Thank you," sabi ko. Mabuti na lang din at sinabi niya. Sayang naman kung meron na pala nun si Fabian. Knowing him, he'd still thank me and still use the bag kahit meron na siya non. He'll probably give the other bag away tapos iyong sa akin iyong gagamitin niya. He's just that nice.

The Lies That We Tell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon