Chapter 11

36K 1.2K 232
                                    

Chapter 11

I didn't know if I should help him out na maalala kung saan niya ako nakita. I could see him trying really hard to remember kung saang lugar niya ako nakita. I didn't know if I should feel offended or flattered—na alam niya na nakita niya ako o sobrang forgettable ng mukha ko? Because I knew exactly kung saan ko siya nakita—timeframe, even!

Pero bago pa man ako makapagsalita (o mapahiya iyong sarili ko, dealer's choice at this point, really), nagpatuloy na sa gym tour iyong receptionist na kasama ko. She pointed out at the different equipment na pwede kong gamitin. She also told me the peak hours para kung gusto kong mag-exercise na wala masyadong tao.

"Pwedeng magtanong?"

"Yes, ma'am," sagot sa akin nung receptionist.

"Yung lalaki kanina—"

"Si Sir Fabian?" sabi niya agad kahit hindi pa ako natatapos sa tanong ko. Bahagya siyang natawa dahil medyo nagulat ako. Napaka-receptive naman nitong tao! "Gwapo noh, ma'am?"

I nodded. "Yeah..." sabi ko dahil hindi naman ako bulag. Literal na napa-nganga nga ata ako nung una kong makita 'yon, e. "Uh... dito siya nag-gym?"

"Minsan," sagot niya. "Palipat-lipat 'yon, ma'aam, e. Minsan dito, minsan sa AF, minsan sa Gold's."

"Bakit alam mo?" I asked in a teasing tone.

Natawa siya. "Mabait naman 'yon, ma'am. Try mo kausapin."

"Crush mo?"

"May asawa na ako, ma'am!" sabi niya na natatawa.

"Di mo dineny na crush mo?"

Natawa ulit siya. "Gwapo talaga, ma'am, e," she said tapos sabay kaming napa-tingin kay Fabian na nasa lat pull down machine. Fuck... damn those muscles on his back. Parang ang sarap—

Dear God! Umagang-umaga, kung ano na agad ang naiisip ko! Tahimik na nag-e-exercise lang naman iyong tao tapos pinag-iisipan ko na ng kung anu-ano!

Pagbalik namin sa mismong reception, I was asked na kung magsisignup ba ako. I signed up for a month muna. I was actually tempted to signup for a year para ma-force ako na mag-gym talaga, but then again, paano kung manaig iyong katamaran ko? E 'di nagsayang lang ako ng pera.

"Pwede na kayo mag-start ngayon, ma'am," sabi sa akin.

"Di ako naka-workout outfit," sagot ko kasi naka-leggings lang ako, white shirt, at converse.

"Pwede na 'yan, ma'am. Mahalaga nagpapapawis."

I was actually tempted na mag-workout but mas nanaig sa akin iyong fact na wala naman akong alam sa gym kaya baka magmukha lang akong tanga. Buti sana kung ako lang tao rito or at least wala si Fabian. Mas nakakahiya kaya kapag alam mo na may gwapo sa paligid mo. Parang iyong kahihiyan e nagiging triple bigla!

Nagpaalam na ako sa kanya na bukas na lang ako babalik tapos baka kumuha ako ng trainer for the first two sessions para lang alam ko iyong gagawin ko. Pwede naman ako mag-youtube kaya lang wala akong tiwala sa sarili ko. Tapos ay pumunta ako sa CR pero paglabas ko, agad na naman akong natigilan nang makasalubong ko si Fabian. Suddenly, the hallway felt smaller habang magkaharap kaming dalawa.

Damn, he's tall and gorgeous!

"This is going to sound weird," he said while I probably looked like a deer caught in headlights habang nakatingin sa kanya. He probably just finished his workout and he was holding a small towel. His shoulder blades were still glistening from that post workout glow.

"W-what?" I asked dahil hindi ko masyadong narinig iyong sinabi niya dahil nakatingin ako sa mga braso niya. Iyan na siguro ang pinakamagandang braso na nakita ko sa buong buhay ko.

The Lies That We Tell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon