Lucky (Part 3)

636 31 3
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas after ng pag-uusap nila ni Karylle. At kinabukasan ay pinapunta sya ng parents nya sa Singapore para i-train sa pagpapatakbo ng company branch nila doon kaya hindi na sya nagkaroon ng panahon para kausapin ang kaibigan. Naging maayos naman ang kinalabasan kahit medyo lutang sya palagi.

Dalawang linggo lang pero pakiramdam nya ang tagal lumipas ng mga araw. Dalawang linggo na rin nyang hindi nakikita ang parekoy nya. Kumusta na kaya sya. Ano kaya ang ginagawa nya. Yan ang laging tanong nya sa sarili. He doesn't mean to hurt her. Hindi rin nya maintindihan ang sarili nya. Confused rin kasi sya sa kung ano ba talaga ang nararamdaman nya kay Karylle. Mahal nya naman talaga ang kaibigan, ayaw nya lang magpadalos-dalos dahil ayaw nyang masaktan lang ito sa huli. He's a playboy at hindi makuntento sa isa. Yan sya. Kaya nga ng biglang nagconfess si Karylle sa kanya ay nablanko ang utak nya. Hindi nya alam kkung ano ang isasagot nya. Kaya he choose to reject her. At ngayon nga nagsisisi sya.

"Tita si Karylle po?" he asked her mom. Tatlong oras pa lang ang nakakalipas ng dumating sya galing Singapore. At ngayon nga nandito sya sa labas ng bahay nila. Gusto nyang malaman kung maayos sya ngayon.

"Vice anak ikaw pala." Bati ng mommy ni Karylle sa kanya. "Kaaalis lang ni Ana. Kasama si Billy." Kumunot naman ang noo nya. Sino naman yung Billy na yun?

"Sino po si Billy?" tanong nya.

"Manliligaw nya."

~~

"Vhong bat di mo sinabi sakin?!" bungad nya kay Vhong. Pinuntahan nya agad ito sa bahay nya matapos malaman na may nanlligaw sa parekoy nya.

"Hi din sayo brad..." sarcastic na sabi nito.

"Wag mo kong matawag-tawag na brad! Bat di mo sinabi sakin na may nanliligaw kay Karylle ha?"

"Pano ko naman sasabihin sayo eh wala ka naman dito." Sagot ni Vhong.

"E sana tinext mo na lang. Lagi naman akong nagtitext para kumustahin sya diba? Pero kahit minsan wala kang nababanggit na may nanliligaw kay Karylle." Mahabang litanya nya kaya natawa naman si Vhong. "Wag mo kong tinatawanan sinabi ko sayo pepektusan kita." Inis na sabi nya.

"Alam mo brad wag kang OA dyan. Binasted mo sya diba? Malamang nagmomove-on yung tao kaya sya nagpapaligaw diba?"

"Kahit na! Sinabi nyang mahal nya ko kaya wala syang karapaang magpaligaw."

"Ewan ko sayo Viceral." Nailing na sabi ni Vhong.

~~

"Ano bang ginagawa natin dito ha?" takang tanong ni Vhong kay Vice. Bigla na lang kasi syang hinatak ni Vice at sinabing may importante daw silang lakad. Wala naman syang nagawa kundi sumama dahil alam nyang hindi sya nito titigilan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Life II Vicerylle CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon