Pangarap Lang Kita (Part 2)

980 33 2
                                    

Read at your own risk...

~

Pangarap Lang kita (part 2)

Vice’s POV

“Ok guys pack-up. Job well done Vice.” Puri sakin ng photographer.

“Thanks.” Simpleng sagot ko. Finally makakapagpahinga rin sa wakas and its been a long and tiring day for me.

“Hoy brad tulala ka dyan?” napatingin naman ako sa nagsalita, si Billy pala.

“Wala.”

“Layo ng sagot ah.” Iiling iling na sabi nito.

“My labs!” tumingin tingin ako sa paligid at hinanap yung taong yun, pero wala. Guni-guni lang pala. I thought. “I miss you my labs.” I froze ng may biglang yumakap sa likod ko. Totoo ba to, bumalik na ba sya? Pero paglingon sa taong yun halos magdilim ang paningin.

“HAHAHA. Tingnan mo itsura mo Vice.” Sabay tawa nito. Tinulak ko na lang sya palayo. “Oh relax.” At tinaas dalawang kamay nya.

“Tado ka Navarro! Kadiri ka!” araw araw wala ng ibang ginawa tong dalawang to kundi pagtripan ako. Langya talaga.

Dalawang taon na rin kasi ang nakalipas simula nung umalis sya. Basta na lang nawala. Sinubukan kong hanapin sya pero wala. Kahit kasi apelyido nya hindi ko alam. Ganito ba talaga ko katorpe na kahit apelyido nya hindi ko tinanong? At sa loob din ng dalawang taon na yun panay pangaasar lang nakukuha mula sa dalawang to.

“Oh.” At may inabot sakin si Vhong na envelope.

“Ano yan?”

“Buksan mo kaya ng malaman mo.”

“Invitation?” para san naman kaya to?

“Para sa victory party ng VR magazine yan. Sa loob kasi ng ilang taon ngayon lang ito naging ganito ka-successful.” Paliwanag ni Billy.

“Ha? E diba matagumpay naman sila dati pa. Isa kaya sila sa pinakamalaking publishing company sa Pinas?” nagtatakang tanong naman ni Vhong. Right they’re one of the best.

“Oo nga, pero unlike before mas naging matagumpay pa sila. Sa loob kasi ng halos isang taon hindi nalang sila sa Pilipinas kilala pati na rin sa labas sa bansa. At kaya tayo invited kasi part tayo ng success na yun. And they’ll introduce the person behind all the success. The new president of VR Publishing.”

“So ibig mong sabihin kuys may papalit na kay Sir M.?”

“Obviously yes.”

“Whoo mukhang exciting yan ah. Sino kaya yun no?” mukha ngang excited nga tong isang to.

“Well base sa usap usapan sya daw yung only daughter ni Sir M.” Sabi ulit ni Billy. Tsimoso rin tong isang to eh.

“Una na ko.” Paalam ko sa kanila sabay kuha ng mga gamit ko. Tsk. Ang bigat. Wala na nga palang magdadala nito.

“Huy Vice sandali pupunta ka ba?” at inakbayan ako ni Vhong kasunod lang naman nya si Billy.

“Hindi.”

“Anong hindi?” nanlalaking matang tanong nito sakin.

“No.”

“Lul alam ko. Ang ibig kong sabihin bat di ka pupunta?”

“Ayoko eh bakit ba.” Kulit.

“Ang KJ mo brad. Kung nandito lang si K sigurado napilit ka na nun.” Sigurado. Wala ng mas kukulit pa sa isang yun eh. Tsaka hindi ko rin alam kung bakit di ko sya mahindian.

My Life II Vicerylle CollectionsWhere stories live. Discover now