Hay Naku

1.3K 39 0
                                    

First one shot.. hehe 

ok sige to na..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Hayyyy....”

“HUY!”

“Ay kabayo, Vice ano ba” Karylle said after makarecover sa pagkagulat.

“Alam ko kabayo ko, pagsigawan daw ba” mataray na sabi ni Vice and sat on the bench beside her.

“Eh, bat ka ba kasi nanggugulat ha?” she asked habang nakatingin pa rin sa kung saan.

“E pano tulala ka dyan at yung buntong hininga mo abot don sa may court.” He said sabay tawa nito.

“Hahaha nakakatawa,  dyan ka na nga” she was about to stand up when Vice grab her hands para pigilan sya. “To naman biro lang, eh, upo na” and he tap the vacant space para paupuin sya. “Bat ka ba kasi tulaley ha?”

“Wala” plain na sagot nya kaya nakakuha sya ng pamatay na tingin mula kay Vice. “iihhh Vice naman eh”

“Kinikilig ka, nakita mo naman yung crush mo?” napatango na lang sya. Wala na rin naman syang maitatago eh kilalang kilala na kasi nila ang isa’t isa. Since high school magbestfriend na kasi sila at mas lumalim ang pagkakaibigan nila ngayong college. Madalas nga silang mapagkamalang mag jowa, pero alam nilang pareho na imposible yun kasi parehas nilang type ang lalake. Vice was a proud and out gay. Pero hindi naman halata kasi, gwapo, matangkad at lalake manamit kaya hindi mo aakalaing bading. “Ano nga ulit pangalan nun?” tanong ulit nito.

“Si Yael, hihi” kinikilig na sabi nito.

“Halakalaka kung kiligin naman to bakit kayo na ba?” masungit na wika nito.

“Hindi pa.” casual na sagot nya.

“What do you mean ‘hindi pa’?” curious na tanong nito. “Basta, tara kain na tayo” sabay hila nya sa kamay nito papuntang canteen.

~

“San ka pupunta?” Vice asked her ng makita sya nitong nakaayos. “Gabi na,ah” dagdag pa nito.

“Ha? Ah wala ahm, may lakad lang kami nila Anne”

“At san naman kayo pupunta at talagang nag effort ka pa talagang magpaganda, ha?” taas kilay na tanong nito habang naka crossed arms.

“Wala magbobonding lang kami” simpleng sagot nya

“At bakit di ako kasama?”

“Eh girls bonding yun eh” she said while stomping her feet

“Eh bakit girl din naman ako ah” Vice said then pout.

“Vice kulit mo naman eh, sige na alis na’ko” paalam nya dito dahil baka san na naman mapunta ang usapan nila.

“Hoy, Ana Karylle umuwi ka ng maaga ha. Naku mananagot ka talaga sakin!..” sigaw nito sa kanya. “Opo nay” then she waved her hand. “Tse.” rinig nya pang sigaw nito.

She and vice shared with the same apartment, wala namang malisya yun kasi nga bakla naman si Vice.

~

It was past one o’clock when she arrived at their apartment, wala ng ilaw sa loob pagdating nya kaya inisip nyang tulog na si Vice. Pero akala nya lang pala. When she turned on the light, there she saw him sitting on the couch looking at her with blank expression. And when she looked at the mini table in front him she saw five bottles of empty beers.

My Life II Vicerylle CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon