Chinito

980 34 0
                                    

wala akong maisip na title.. kaya eto na lang..

binabagabag kasi ako ng chinito eh..

kdot.. enjoy..

----------

K's POV

“Okay, next week na ang foundation day. Kaya kailangan na nating maplano ng maayos ang mga events. Kaya overtime tayo ngayon. Ok?”

“OK!” sigaw ng lahat.

“Pero don’t worry guys, i-fafinalize na lang naman natin eh. So mabilis lang to.” Paliwanag nya sa amin sabay ngumiti.

Ang pogi talaga nya. Lalo na pag ngumiti. Kahit hindi na kita ang mata nya.

“Hoy K. Nakikinig ka ba?” siko sakin ni Billy. Treasurer namin. Nga pala andito kami sa office ng student council. Nagmeeting kami ngayon. Next week na kasi ang foundation day sa school kaya kailangan ayusin ang trabaho.

“Aray naman Billy. Makasiko naman to.” Sabay hampas ko sa kanya. Ang sakit kaya. Sa braso ko natamaan eh.

“Eh pano, tulala ka dyan. Tapos ngingiti-ngiti mag-isa. Para kang baliw.” Sabay tawa nito. Nagtawanan rin ang lahat.

“Pano hindi matutulala eh nagsasalita ang chinito nya.” Tukso naman ni Vhong. Bus. Manager.

“Yieee.” Sabi nilang lahat.

“Mga baliw!” sigaw ko.

“Uy namumula sya.” Vhong. Kiniliti rin nya ako sa tagiliran. Kinurot ko naman sya.

“Ok. Ok. Tama na yan. Magtrabaho na tayo.” awat ni Vice. Ang aming president. At ang aking chinito. Yieee.

“Vice pres. Baka matunaw yan.” Vhong. Tama kayo ng basa Vice President ako. Syempre si Vice ang king at ako naman ang queen. O diba?

“Oo nga girl. Sige ka wala ka ng pagnanasaan.” Segunda naman ni Anne. Secretary.

“Tigilan nyo nga akong dalawa. Magtrabaho na kayo.” Sita ko sa kanila. Wala ng ginawa kundi mang-asar eh.

....

“Hey Vice pano ba gawin to?” narinig kong tawag sa kanya ni Karen. Auditor.

“Lika turuan kita.” Sus magkakabit lang pala ng props. Kelangan pa talaga magpatulong. At kung makachansing halatang-halata.

“Hoy relax lang. Kawawa naman yung papel tortured na..” At nag giggle si Billy. Cute.

Tiningnan ko naman ang papel na hawak ko. Oo nga no. Pira-piraso na. Di bale ulitin ko na lang.

“Tse.”

“Alam mo di halatang nagseselos ka.” Sabi nya. Habang inaayos yung ibang dekorasyon.

“Eh pano yang Karen na yan kung makadikit akala mo naman linta.” Nakasimangot na sabi ko.

“Hahaha.”

“Anong tinatawa tawa mo dyan?” tanong ko sakanya habang nakapout. Lalo naman lumakas ang tawa nito. Napatingin tuloy yung iba.

“Mukha kang pato.” At inipit nya nguso ko gamit kamay nya. Ang shaket.

“Aray! Nakakarami ka na ha.” Hinampas ko kamay nya at tinutukan ng gunting na hawak ko. “Dun ka na tsupe.”

“”Uy BillyRylle. Haha.” Tukso ni Teddy.

“Hay naku guys kung alam nyo lang. Ang crush talaga ni Billy ay si ‘asdfghjklzvrwg’.” Langya takpan ba naman bibig ko.

“Subukan mong sabihin.” Banta nya.

My Life II Vicerylle CollectionsWhere stories live. Discover now