Kabanata 02

378 15 9
                                    

"Singilin na ba kita?"

Mula sa hawak na camera, dumapo ang mga mata niya sa akin. Nagsalubong ang mga kilay niya na parang hindi na-gets kung bakit ko sinabi 'yon.

"May bayad dapat 'yan," dugtong ko. "Tini-take advantage mo yata ako, e."

Umiwas siya ng tingin at umakmang nag-iisip. Naroon ang pinipigilan niyang pagtawa.

Kahit ang ngiti niya pala, maganda.

Nagmukhang indikasiyon na puwede ko nang basagin nang unti-unti ang salamin na humaharang sa kaniya na tila panangga sa digmaan.

Tumakbo ako sa hallway para bumaba sa hagdan at maabutan siya na tinalikuran ang veranda.

"Sabi sa 'yo, see you ulit," sabi ko.

Sandali niya akong sinulyapan.

Sinabayan ko siya sa paglalakad habang patuloy siya sa pagkuha ng pictures.

Masungit ng awra niya pero mukhang mabait kung sa pakiramdam susukatin.

Ginugulo kasi ng expressions niya ang isip ko.

"Ang ganda ng panahon, 'di ba? Kaya gusto ko 'pag summer!" Nagpasok ako ng paksa.

Hindi puwedeng matapos ang araw na 'to nang hindi ko siya nakakausap.

"Ang ganda ng posture mo kahit kumukuha ka ng shots.

Tipid siyang ngumiti.

Walang effect.

"Uy, sunflowers!" Tinuro ko ang banda niyon.

Pumuwesto ako sa harap ng camera. Nakuha ko ang atensiyon niya. Malamang, iharang ko ba naman ang sarili sa subject niya.

Inalis niya ang mga mata mula sa pagsilip sa camera. Mabilis na napunta sa akin ang paningin niya.

Alam kong ang bastos gawin 'yon pero kasi, gusto ko na lang umiyak kasi mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako.

"Isang picture mo lang ang kaya kong bayaran, e."

Nagulat ako at natawa nang mapagtanto 'yon.

Nakisabay rin siya sa pagtawa.

Ang cute!

"Hala, joke lang! Gusto ko talagang inisin ka kasi mukhang ayaw mo sa 'kin."

Naroon ang pagkabigla niya sa una bago siya napailing. Binitawan niya ang camera kaya sumabit 'yon nang kusa sa leeg niya. "Iinisin mo ako dahil ayaw ko sa 'yo? Baka lalo kong magiging ayaw sa 'yo niyan?"

Naging pigil ang ngiti ko nang magsimula na siyang makipag-usap sa akin kahit hindi ko inaasahan.

"Equal daw ang love at hate. Kaya kahit hatred,  at least mapapansin mo."

Sumilay ang pilyang ngisi sa kaniyang labi ngunit binawi niya rin agad 'yon.

Pasimple kong inayos ang nalaglag na strap ng suot na bestida sa kaliwa kong balikat. Medyo hindi ako naging komportable nang dumapo ang mga mata niya sa ginawa ko.

TakasWhere stories live. Discover now