She's Dense (2Kim/ Kkuchaen) End

72 4 2
                                    

Minju's Pov

Halos lumilipad na ako ngayon dahil sa sobrang pagmamadali at pagtakbo dahil late na naman ako sa Klase.

Yung pesteng alarm clock ko kase eh hindi gumana, yung ate ko naman hindi man lang ako ginising at tinawanan pa ako ng walanghiya.

Dali-dali ko namang binuksan yung pinto ng classroom namin at handa na sanang mag sorry at excuse sa pagiging late nang...

"Ms. Kim, I'm not going to take any excuses from you; could you close that door and wait outside until I'm done?" Mahinahon at nakakatakot na bungad saakin ni Ms. Bae

Isa sya sa mga terror naming instructor, mabait naman sya minsan kaso sobrang strict nya lang talaga lalo na kapag oras ng klase.

Nalulumo ko na lamang na isinara yung pinto at minabuti ko na lang na maghintay sa hagdanan na katabi lang naman ng classroom namin.

Kumuha din ako ng panyo para punasan ang tumatagaktak kong pawis, mula ground floor ba naman takbuhin ko papunta rito sa 5th floor eh. 

"Tuluyan na bang nabulok yung relo mo kaya ka na late?" 

Inikot ko na lamang ang mga mata ko sa inis nang marinig ko ang tinig na 'yon ng isang babae mula sa likuran ko.

"Oh, and'yan ka pala, 'di kita napansin." Tugon ko at hindi na nag-abalang lingunin sya.

Mula sa likuran ko ay nagtungo s'ya at sumandal sa railings na katapat lang nitong hagdanan at matalim na nakatingin ngayon saakin.

"Tss, paano mo ako mapapansin eh parang hangin lang naman ako kung ituring mo." Naiinis niyang saad pabalik at ibinulsa ang mga kamay n'ya, "At pwede ba, tigilan mo na rin ang pag-iwas mo saakin? hindi na rin naman kita guguluhin pa."

"..."

"Ngayon naman parang wala ka ring balak makipag-usap."

"Hindi mo ba nakikita na pagod ako at kailangan ko ng hangin?" Saad ko habang tinuturo ang pawisan kong mukha.

"Sino ba kasing nagsabi sayong tumakbo ka hanggang dito—"

"Hindi ka ba tatakbo kung alam mong late ka na?" 

"Hindi, late na nga ako papagurin ko pa sarili ko?" May point naman s'ya, "At isa pa, may elevator ah." 

Shit, ang tanga ko dun, dala na rin siguro ng pagmamadali kaya nakalimutan kong may elevator pala.

"Teka nga, bat nandito ka?"

"Studyante ako, paaralan 'to." Aba't namilosopo

"funny,"

"Nag joke ba ako?" Huminga na lang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at hindi na ulit nagsalita pa.

Bahala siya d'yan, nakakainis.

"Sorry..." Napa-angat naman ako ng tingin sa kaniya, "A-anyway, napalabas ako bago ka pa man dumating, and the reason is that in the midst of class, I suddenly blurted someone's name out loud." dagdag pa niya at nag-iwas ng tingin.

"Umagang-umaga kasi kung sino-sino na agad ang iniisip mo."

"...Ikaw lang naman yung inisip ko nun." 

Nagkunwari na lamang akong hindi ko narinig yung mga salitang yun mula sa kaniya at pinigilan yung ngiting gustong kumawala sa labi ko.

"Anong binubulong-bulong mo dyan?" Tanong ko pa at inayos ang mga gamit ko, balak ko na ring pumunta sa locker ko para magpalit dahil basa na ng pawis yung uniform ko.

2kim and Kkuchaen shotsWhere stories live. Discover now