Lihim 2

2.7K 55 4
                                    

Lihim Ni Amante 

Chapter 2

"Pare hulaan ko! 'Di ka na naman pinagbigyan ni misis no?" ngising tanong ni Jerry. 

Sa pagdating pa lang ng kanyang kaibigan na si Amante ay agad na napansin ni Jerry ang mukha ng kanyang kaibigan na nakakunot noo nakatingin sa kanya. Alam niyang kapag nakakunot noo si Amante ay may problema ito. 

Natawa siya lalo ng tumango ito sa kanyang katanungan. Alam naman niya ang sitwasyon ng kanyang kaibigan pagdating sa relasyon ng asawa nito. 

Nandito sila ngayon sa Altas Bar isang sikat na bar sa bayan ng Prado. Ang bar na ito ay puntahan ng mga anak ng mga mayayaman sa iba't-ibang bayan. Meron ditong ginaganap na event ngayon dito at nagbabasakali sila na baka makakuha sila ng pasahero. Kahit na alam nila na halos pumupunta rito ay mayayaman. 

Naisip ni Jerry na tawagin ang kanyang kaibigan na si Amante para na rin may makakasama siya ngayong gabi. Alam din naman niya na mahigpit ang pangangailangan nito sa pera. 

"Tsk! Pare wag mo na akong asarin. Teka maiba ako anong meron rito sa Altas Bar? Ang daming mga tao at mga mamahaling kotse?" tanong ni Amante. 

Iniba na lang ng makisig na lalaki ang usapan para na rin 'di siya ma-bad trip ngayong gabi. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang nangyari kanina. 

Aaminin ni Amante na bad trip na bad trip na naman siya sa nangyari kanina. 'Di na naman siya pinagbigyan ng kanyang asawa na si Dorothy. 

Habang papunta siya sa bayan ng Prado ay wala siyang ginawa kundi mapabuntong hininga. Iniisip na lang niya na kailangan niyang intindihin si Dorothy. Ayaw naman niya itong pilitin dahil alam niyang masasaktan niya ito. 

Nang tumawag ang kanyang kaibigan na si Jerry at inalok siya nitong pumunta rito sa bayan ng Prado ay 'di na siya nagdalawang isip na pumayag. Naisip niyang para malibang at kumita na rin siya ng extra. 

"May event ngayon. Magbakasakali tayo na makakuha tayo ng pasahero," ngiting sabi ni Jerry. 

Sinabi rin ni Jerry sa kanyang kaibigan na paniguradong karamihan na pumunta rito sa Altas Bar ay malalasing at 'di na kaya mag-drive. 

Napangisi ang guwapong lalaking si Jerry ng makita niya si Amante na nakatingin sa mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa parking lot ng Altas Bar. Alam niya na pangarap ng kanyang kaibigan niya na umasenso para sa pamilya nito. 

Isang mahinang tapik sa balikat ang ibinigay ni Jerry sa kanyang kaibigan at nakangiti niyang sinabi na balang araw ay magkakaroon din ito ng sariling kotse. Hindi lang basta isang kotse kundi isang mamahaling kotse. 

"Oo pare! Talagang magkakaroon tayo ng ganyan. Tiwala lang tayo sa taas," ngiting sabi ni Amante. 

Habang naghihintay silang dalawa ng pasahero ay napag-usapan nila ang paghahanap ng agency. Agency para makapunta sila ng ibang bansa. 

"Pare meron na akong nahanap," masayang sabi ni Jerry. 

Mayroon kakilala si Jerry na nag-apply sa isang agency at agad-agad din ito nakaalis. Naisip niya na roon na rin sila mag-aapply para na rin agad silang makaalis. 

Tinanong ng guwapong lalaking si Jerry ang kanyang kaibigan na si Amante kung sigurado na ba ito sa desisyon nito na pumunta sa ibang bansa? 

"Oo naman pare. Alam mo naman na matagal na natin pinag-uusapan ito," sagot ni Amante. 

Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa labi ni Amante. Matagal na pinag-iisipan ng makisig na lalaki na umalis ng bansa. Dahil na rin sa sapat o minsan ay kulang na kulang ang kinikita niya sa pagiging taxi driver. 

Ang Lihim Ni AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon